Obsession 39

7.1K 180 1
                                    

Angel's POV

"Matulog na tayo Zhan, hindi ako aalis." He looked at me doubtly. Like I was lying.

Kanina pa ito hindi mapakali, kung maaaring idilat ang mata ng matagal ay hindi niya na nanaising kumurap dahil sinasabi niyang baka sa pagpikit niya ay bigla ulit akong mawala.

Hinaplos ko ng marahan ang kanyang buhok habang nilalabanan ang tingin niyang nakakapaso.

"Hindi ako aalis, promise. Magpahinga na tayo, I know you're tired." Kumampante na ang kanyang tingin. Hinapit ako nito sa aking baywang at niyakap ako ng mahigpit atsaka ay sumubsob siya sa aking leeg.

Hindi na ako umiwas dahil nagustuhan ko ang aming posisyon.

"Please, don't leave me, Mahal. I love you." I felt him kissed my forehead.

Nagawa ko siyang pakalmahin kanina dahil sinabi kong hindi ako aalis, na mananatili ako dito.

Nakumbinsi ko din siyang magpahinga muna, alam kong pagod na pagod na siya.

Makalipas ang ilang oras ay nakatulog na si Zhan, habang ako ay dilat na dilat parin. I can't sleep when I know that my son is not here.

Dahan dahan kong inalis ang kanyang kamay na nakapulupot sa aking baywang upang hindi siya magising bago tumayo ng tahimik.

I look around the table near the bed, nakita ko agad ang cellphone niya na nakapatong sa isang envelope. Agad ko naman itong kinuha.

Mabuti nalang at wala itong password. Hindi na ako nagulat sa kanyang wallpaper. It's me. Kinalikot ko ang kanyang contacts at nahanap ko ang pangalan ni Kara. I immediately dial her number.

Hindi niya sinasagot kaya inulit ko ulit. Tatlong ring ay sinagot na niya.

"Busy ako ngayon, couz. Bumalik na kayo ng Manila niyang sekretarya mo, ano ba kaseng ginagawa niyo Jan sa Marinduque at paano kayo napadpad diyan?" Napanganga ako sa kanyang rant. Huminga ako ng malalim hago nagsalita.

"Kara, it's me, Angel---"

"Ay putangina! Anong nangyari Angel? Bakit hawak mo ang phone ni Zhan? Nakita ka niya? Nahuli ka? Sinaktan ka ba niya? Si Shaun? Nakita niya? Kumusta kayo? Holy shit, Angel, babalik ako Jan. Tatapusin ko lang ang mga problema ng kompanya." I chuckled with her reaction.

"Hoi, Gaga ka ghurl, tatawa ka nalang ba jan? Ano? Nasaan kayo? Kasama mo si Zhan? Anong ginawa niya sa inyo ng pamangkin ko? Titirisin ko talaga yan pag may masamang nangyari sa inyo." Inis niyang sabi.

"Shhh, I will explain everything to you once na magkita tayo. Please, for now Kara. Kailangan ko ng tulong mo. Iniwan ko si Shaun kina Gin at Dana pero sigurado akong inuwi na ni Dana ang anak ko dahil hindi ko nabalikan kanina. It's a long story. Nakikiusap ako Kara, Ikaw muna ang bahala sa anak ko. Hindi siya sanay kina Gin at Dana. Mas okay kung Ikaw nalang muna ang mag asikaso sa anak ko habang ginagawan ko ng paraan ang problema namin ni Zhan." Narinig ko ang pagsinghap niya. Hindi makapaniwala sa nangyayari.

"Sige, naiintindihan kita Angel. Bukas na bukas din ng umaga ay babalik ako jan sa Marinduque. Mag iingat ka, Angel. Sana maging maayos ang lahat sa inyo ng pinsan ko. Wag kang mag alala sa anak ninyo, ako na ang bahala sa kanya." Nagpasalamat ako sa kanya at mabilis na pinatay ang tawag ng makitang gumalaw si Zhan.

Kalalapag ko lang ng phone at maglalakad na sana pabalik ng kama ng magsalita ito. Nagising ko ata!

"Are you planning to leave me again? You promised, Angel. You promised!" Bumangon ito at tumingin sa akin ng deretso. Parang may ginawa akong kasalan. Galit na agad ang kanyang mukha.

"A-no, N-nag banyo lang ako." I lied ngunit napalunok ako dahil hindi siya kumbinsido sa lame reason ko.

"CR huh? Then why the hell are you there?" Gusto kong magpalamon nalang sa lupa, magrarason na nga lang, palpak pa. Paano ba naman kase na Ang CR nito ay nasa opposite side kung saan ako nakatayo ngayon. " And, Why are you still awake, huh? Now, tell me that you are not planning of leaving! Kung hindi ako nagising ay paniguradong nasa labas ka na ng hotel na ito!" Ako na mismo ang kusang lumapit sa kanya. Kahit kinakabahan ako ay kailangan ko siyang intindihin. Natatakot siyang iwan ko muli, kaya siya ganyan.

"You're just overthinking Zhan. Let's go back to sleep. Wag na nating pag awayan pa ito. Hindi ako aalis." Lumambot ang kanyang ekspresyon. I can see that I convinced him already.

"Let's sleep?" Ngumiti ako sa kanya at naunang huminga sa kama.

Naramdaman ko ang pag uga ng kama sabay ng pagpulupot nito ng kanyang kamay sa aking baywang.

"Just don't leave Angel. Goodnight." Humarap ako sa kanya at ako na ang sumubsob sa kanyang dibdib. Grabe ang tigas.

"Goodnight, Zhan." I whisper.

I miss cuddling with him. Kahit ngayon lang, kalimutan ko muna ang problema.

Hindi ko maitatanggi na sa ilang taon na ang lumipas, naramdaman ko ulit ang kaligtasan sa kanya. Kapag nasa piling ko siya, I feel so safe.

Ganitong ganito ang nararamdaman ko noon. Kapag yayakapin niya ako ay kumakalma ako.

_____________

June 13, 2021

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon