Angel's POV
Tinotoo nga ni Zhan ang sinabing liligawan niya ako. Ilang buwan na ang nakalipas at consistent ito sa lahat ng kanyang ginagawa.
Kahit na nasa bahay kaming dalawa ay kinukulit niya ako. Imbes na siya ang ipagluto ko dahil iyon naman ang trabaho ko ay siya pa ang gumagawa nun.
Kahit sa trabaho ko sa opisina ay nabawasan narin. Kumuha siya ng lalaking sekretarya upang hindi na raw ako mahirapan.
Oh my ghad, I can't believe he's that sweet. He's treating me like his girl. Kahit nanliligaw palang siya ay ramdam mo na ang pagmamahal niya. Mas lalo tuloy nahulog ang loob ko sa kanya.
"Breakfast ready mahal." Katatapos ko lang inumin ang juice na tinimpla ko ng ilapag niya sa hapag ang kanyang nilutong pagkain. Nasanay na ako sa mga ginagawa niya. Ultimo sa callsign na binigay niya sa akin ay kinikilig ako.
"Thank you, Zhan." I smiled to him. Grabeng pambungad ito sa umaga, ang kanyang gwapong mukha agad ang makikita.
"You're always welcome, Mahal ko." Pinaghila niya ako ng upuan, umikot naman siya sa isang upuan sa harap ko at naupo siya roon. Magkaharap na kami ngayon.
Ganito siya kapag umaga, he's watching me to eat. But I'm comfortable with it, minsan nga ay sinusubuan ko pa siya.
"Puntahan natin sina Sany, Zhan?" Tutal ay nag leave ito ng isang linggo sa hindi ko malamang dahilan, pwede naming bisitahin sina nay Glo at Sany sa karinderya. Pinagleave niya din kase ako.
"Of course mahal. I know you misses them. Mag lilimang buwan na ng huli tayong dumalaw doon, baka magtampo ang dalawa." Matagal tagal na rin simula noong huli naming bisita doon kaya naman ay naisip kong ngayon nalang sila dalawin.
Palaging nangangamusta si Sany sa tawag. Sinabi ko din sa kanyang may gustong ioffer itong si Zhan na trabaho para sa kanya ay tinanggihan niya ito. Ang rason ay ayaw niya daw iwan si nay Glo mag isa sa karinderya kaya naiintindihan ko din siya.
"Thank you so much, Zhan." I said sincerely.
"No, you don't have to thank me. I'm doing this because of you that's because I love you." Tumambol na naman ang puso ko. Kahit palagi niyang sinasambit ang mga salitang iyan ay hindi parin ako sanay. Nakikilig parin ako. "I will do everything that makes you happy, mahal. Kahit ano pa yan."
"Zhan-" I don't know what to say!
Masyado siyang sweet sa akin.
Sino bang hindi mahuhulog ang loob sa kanya?
"Hmmm?" I smiled to him and continued chewing my food. Uminom ako ng tubig bago tumingin sa kanya.
"I can't believe that this is happening." Hindi ko inaasahang makakatagpo ako ng isang taong katulad niya. I never really expect this. Ang pangarap ko lang noon ay mamuhay ng simple, magtrabaho sa karinderya kasama si Nay Glo at Sany.
Wala sa isip ko nuon ang mga ganitong bagay, but everything turns down when I met Zhan. Nabago lahat ng pinangarap ko.
Ni hindi ko nga ineexpect na makakapagtrabaho ako sa isang sikat na kumpanya, ligawan pa kaya ng isang Zhan Laurent Martinez! So impossible pero heto at nangyayari.
I'm not dreaming. And speaking of dream, simula nang mag trabaho ako kay Zhan ay hindi na muling nangyari iyon. Hindi ko na ulit naramdaman ang mga haplos ng kung sino man iyon.
"But this is already happening, mahal." Malambing na aniya. "I love you, mahal." Then he slowly held my hands and kissed it.
___________________
"Namiss ko kayong dalawa buti at dumalaw kayo ngayon." Nay Glo said while pouting. Para siyang batang nag aantay mabisita ng tita at tito niya. Pinaupo niya kami sa mahabang sofa saka ay tumabi sa akin.
"Hay naku, Angel at Zhan, wala ng ibang bukambibig itong si nay Gloria kundi kayo. Naiinggit na nga ako at ako na nga ang palaging nandito pero iba naman ang hinahanap niya." Sany jokingly uttered. "Bat antagal niyo atang dumalaw ngayon?" Dugtong nito habang naglalapag ng meryenda sa table.
"Pasensya na po nay Glo, masyadong busy sa trabaho." Pagpapasensya ko.
They are already aware that Zhan is courting me and they were both happy for us. Si Zhan na mismo ang nagsabi sa kanila.
"Ano ng balita Angel, kayo na ba?" Nagtutuksong tanong ni Sany habang palipat lipat ang tingin sa amin ni Zhan.
Nahihiyang nginitian ko siya, pati si nay Glo na nag aantay narin ng isasagot ko.
"Hindi pa." Sinulyapan ko sa aking tabi si Zhan at nakangiti siya sa akin.
"Hindi pa daw a, hindi pa, hmmm." Natatawang ulit ni Sany, nanunukso.
Natahimik kaming lahat dahil sa tunog ng telepono ni Zhan. Someone is calling.
"Excuse me, kakausapin ko lang to." He bowed as he excused. Tumango ako sa kanya. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas na ito.
"Tignan mo iyong niluluto mo Sany baka ay masunog." Mabilis din namang sumunod si Sany, tinungo ang kusina.
Naiwan kaming dalawa ni nay Glo.
Hinaplos niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
Kita ko ang saya sa kanyang mga mata. Bakit?
"Masaya ako para sa inyo, anak. Hindi pa man kayo ay alam kong doon din ang tungo niyo. Mahal na mahal ka niyang si Zhan, Angel. Lagi mo yang tandaan." Parang maraming alam si nay Glo kay Zhan na hindi ko alam.
Of course alaga nito si Zhan nuong bata pa ito kaya malamang na mas marami siyang alam kay Zhan.
"Tandang tanda ko pa noong kinausap ko siya, Angel, sa akin siya unang nagsabi tungkol sa nararamdaman niya sayo." Bakit ngayon lang niya ito nasabi sa akin? "At hindi ko alam kung nakita mo siya noong unang bisita niya sa akin pagka uwing paka uwi nila galing states ay dito siya dumeretso. Dito ka niya unang nakita at hindi na ako nagtaka noong pabalik balik na ito dito hanggang sa magsimula na siyang magtanong ng pangalan mo at nang kung ano ano pang tungkol sayo." Hindi ko alam. Noong una ko siyang nakita ay noong araw na dinala niya ako sa hospital.
Kaya ba ako ang gusto niyang lumapit sa kanya at hindi si Sany? Kaya alam niya ang pangalan ko pati na ang paboritong ulam ko? Kaya kahit address ng apartment ko ay alam din niya?
"Malimit sa babae si Zhan, anak. Kahit noong bata pa siya ay hindi siya nakikipag kaibigan sa mga babae. Si Kara lang na pinsan niya ang parati niyang kalaro. Kaya laking gulat ko nong nasabi niyang gusto ka niyang makilala. Hanggang sa isang araw ay bigla nitong sinabi na mahal ka na niya." Nanubig ang gilid ng aking mata dahil sa mga nasabi niya.
"Alam kong naaalagaan ka niya, Angel. Naalala mo noong bata pa siya, Si Maricel ang prinsesa niya. Imbes na ang mommy niya ang mag alaga sa kanya ay baliktad dahil ito ang nag aalaga sa mommy niya. Kapag nakauwi galing sa trabaho ang mommy niya ay minamasahe niya ito. Hanggang sa magbinata na ito at dinala nila sa States ay ganun parin siya sa mommy niya. Mahal na mahal niya ito at nakikita kong ganun din siya sayo."
Pagmamahal.
Bata palang ako ay naulila na ako. I lived my life alone. Hindi ko na maalala kung anong pakiramdam ng pagmamahal ng isang ina at isang ama sa pagka't maaga silang kinuha sa akin.
"Mahal na mahal ka niya, Angel. " Tuluyan na akong naluha sa kanyang sinabi.
Alam ko po nay. Ramdam na ramdam ko iyon.
________________
May 6, 2021
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Obsession
Romance⚠️MATURED CONTENT!! [The Billionaire's Obsession] ________________ "You unleashed the beast inside me, I'm fucking obsess with you. I never wanted to tie you like this but you pushed me on my limits, Mahal ko." - Zhan __________ Taglish THE BILLIONA...
