Obsession 42

7.1K 166 4
                                    

Angel's POV

Hindi na bumalik sa hotel si Zhan at hindi ko alam kung saan siya nagpunta.

Buong araw ko itong inantay ngunit gabi na ay wala parin ito.

Ni hindi pa ako naglu lunch kakahintay sa kanya.

Sinuot ko ang makapal niyang jacket na nakapatong sa table at nagpasyang hanapin siya kahit wala akong tiyak na lugar kung saan siya posibleng pumunta.

Nakalabas na ako ng kwarto at naglalakad na palapit sa lobby ng makita ko siya. Akay akay ito ng isang hindi katandaang lalaki at mukhang lasing na ito. Base narin sa kanyang paglakad.

Mabilis akong lumapit sa kanila.

"Ako na po ang bahala dito, kuya. Kilala ko po siya. Maraming salamat po sa paghahatid." Yumuko ako bilang paggalang.

Binitawan nito si Zhan at ako na ang humawak. Tumututol si Zhan ngunit wala akong pakialam. Lasing naman ito kaya hindi na niya alam ang ginagawa.

"Walang anuman, iha. Lasing na lasing, mukhang may problema ata. Muntik ng nakipag away kanina, mabuti nalang at dumating agad ako." Ngumiti ako sa kanya at muling nagpasalamat.

"Sige mauuna na ako, iha." Tumango ako sa kanya, nang maka alis na ito ay binalingan ko si Zhan.

Bigat na bigat ko siyang inakay hanggang sa kwarto, agad ko siyang binagsak sa kama at inayos siya.

I removed his shoes, pati narin ang kanyang damit at pantalon, tanging boxer na lamang ang suot nito ngayon.

Kahit ilang beses ko ng nakita ang kanyang katawan ay hindi ko parin maiwasang hindi mamangha dito.

Mabilis ang ginawa kong pagpunas sa kanya. Kung patuloy kong pagpapantastahan ang kanyang katawan ay baka may magawa pa ako.

Tulog na tulog na ito. Dahil siguro sa kalasingan kaya ayan.

Pinagmasdan ko ang kanyang mukha sandali.

I'm sorry for all the pain I've caused to you. Hanggang ngayon ay ikaw parin, walang bago, walang kupas. It's always you, Zhan.

Sa ilang taong lumipas ay walang nagbago sa nararamdaman ko para sayo.

Sa katititig ko ng kanyang mukha ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Tiningnan ko ang aking tabi at wala naduon si Zhan.

Did he leave again? Is he going to drink? Again?

Tamad akong nag unat unat at tumayo na. I fix the blanket before heading to the kitchen. There, I saw him holding a cup of coffee. He's sitting in the dining table, he looks like he is thinking of something deep.

Dumaan ako sa harap niya ngunit hindi man lang siya nag-angat ng tingin. Nanatili siyang nakatingin sa kanyang kape.

Nagtimpla ako ng kape at umupo sa harap niya ng hindi umiimik.

Sumimsim ako ng aking kape at inisip na magkikita kami ngayon ng anak ko.

"Ahmm, Zhan. May pupuntahan ako mamaya baka---"

"Just go wherever you want, no need to inform me." Malamig na putol niya sa akin at tumayo na.
Natulala ako sa kanyang sinabi.

Parang may sumakal sa akin dahil sa kanyang reaksyon. Tila ay wala na itong pakialam sa akin.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya alam kong lumabas ito ng kwarto.

I just want to tell him na may pupuntahan ako dahil baka hanapin ako nito ngunit nagkamali ako.

Nawalan na akong ganang kumain, niligpit ko na lamang ang basong nagamit namin at naligo na.

I used his clothes.

I breathe hard before leaving the room. Wala siya sa lobby, wala din ang sasakyan niya sa parking lot. Where did he go?

Kailangan ko siyang intindihin, alam kong marami siyang pinagdaanan kumpara sa akin!

Siguro ay pagod na siya sa akin? Siguro ay narealize na niya na hindi ako worth it para sa kanya?

To think of it makes me want to cry even more. Honestly, I don't know what to do anymore.

Pinara ko ang taxi at nagpahatid sa bahay.

Nang makarating ako sa bahay ay agad kong nakita ang nakaparadang sasakyan ni Kara.

I fixed myself first before entering the house. Una kong nabungaran si Kara na nakatalikod na nagluluto.
Nilapag ko ang bag ko sa table at pagod na sumalampak sa sofa.

Naagaw ko ang kanyang atensyon.

"Andito ka na." Gulat na aniya.

"Good morning, nasaan si Shaun?" Umayos ako ng upo. Pinatay niyo ang stove at lumapit sa akin.

"Anong good sa morning, ha? Bakit ganyan ang mukha mo? May nangyari bang hindi ko alam? Angel, magsabi ka sa akin, Anong ginawa ng pinsan ko sayo?" Sunod sunod niyang tanong habang nasa baywang ang kamay. Hinihingal pa ito. "Atsaka tulog pa ang pamangkin ko." Tinuro niya ang kwarto ng anak ko.

"Relax ka lang, pwede ba? Sayo ako naiistress, Kara. Naku." I chuckled. "Ayos lang ako, maayos na maayos." She scanned my body, nagdududa pa rin.

"Nasaan ang pinsan ko? Kasama mo ba siya? Are you going to introduce your son to him? Alam na ba niya? May idea ba siya? O di kaya ay sinabi mo na?" Napakamot ako sa aking batok, ang OA naman neto masyado.

"Hindi parin niya alam. Hindi na nga ako halos pansinin." Nasasaktang aniko.

He used to be clingy to me back then. Hindi siya titigil hangga't hindi ko siya pinapansin. He said he still love me but why is he ignoring me now? Nagbago na ba ang kanyang isip?

"Well, that's not him! Natatandaan ko pa noon na hindi iyan makatulog at makakain ng maayos kapag hindi ka nakikita.
Alam mo din bang sinabi ni tita na nuong nasa States sila ay palagi siyang nakayakap sa cellphone niya dahil sa litrato mo ang palagi niyang pinagmamasdan?"

Then I remembered his obsession thingy. The room in his house, nanduon pa kaya ang mga bagay na iyon?

__________________

June 17, 2021

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon