Obsession 50

11K 201 5
                                        

Late update guys hihi. Busy lang. Nyways, enjoy reading and thanks for patiently waiting for my updates.❤️

____________
Angel's POV

Kung nasa bangin lang sana ako ngayon ay baka nahulog na ako dahil sa pinaghalong takot at kaba.

Seeing him now infront of me while carrying our son makes my knees weak.

Napatingin ako kay Kara, she's shaking too. Bakit sila magkasama? At bakit din nito hawak ang bata?

Ang gulo gulo pa ng isip ko simula kaninang umuwi ako dahil sa hindi inaasahang pagkikita namin ng mommy ni Zhan tapos ngayon ay siya naman?

I wasn't yet ready for this!

Inililigpit ko ang take outs ng mga customer namin ng tawagin ako ni Shery para i entertain ang mga kararating lang na customer kaya iniwan ko ang ginagawa ko nang may pumalit sa akin duon.

Diniretso ko ang upuang malapit sa wall glass ng Café at halos hindi makagalaw dahil sa babaeng naka pula na nakatingin sa akin ngayon. Sinusuri ang kabuuan ko.

She looks really fine now. Maganda parin ito kahit may katandaan na.

Inabangan ko siyang maglabas ng phone at tumawag ng pulis para ipahuli ako ngunit hindi niya iyon ginawa. Nakatitig lang ito sa akin, naka awang ang mga labi.

Hindi ako makangiti, ng matauhan ako ay saka ako tuluyang lumapit.

"What's your order ma'am?"sa mahinang boses na tanong ko. Nagbaba ako ng tingin.

"Angel" mababa ring boses na aniya. Hindi ako nag angat ng tingin dahil kinakabahan ako.

"Your order ma'am?" I asked again, nakatingin parin sa mga paa ko. I started playing my fingers. Kung tititigan ako ngayon ay para akong batang may ginawang masama at pinapagalitan ng magulang.

"Ah-- you're back finally." Duon ako nag angat ng tingin sa kanya. She talks to me so different, hindi kagaya nuon. "Can we talk?" I closed my eyes for a while then look at her again.

"Oras po ng trabaho ko ngayon, ma'am." I said politely.

"Oh, don't worry iha, kaibigan ko ang may ari ng Café na ito." Bahagya siyang tumawa na parang kinakabahan kung tatanggi pa ba ako.

I don't know why is she acting like this but I still need to be friendly. This is Zhan's mother after all!.

Tahimik akong naupo.

"Ano hong pag uusapan natin?" Tanong ko sa maliit na boses.

I'm not comfortable but I need to face this. Sabi ko nga, hindi ako habang buhay magtatago. Tatanggapin ko kung ano man ang magiging desisyon niya, that's my fault tho.

"I'm sorry." Umawang ang labi ko at gulat na napatingin sa kanya? Why is she saying sorry? Dapat ako!

"No ma'am, if you're reffering this from the past, I am the one sorry. I will do everything you want, if that's what you want ma'am--"

"No iha, listen to me." Pinutol niya ang sinasabi ko. I heard her sighed. "Ako ang may kasalanan kung bakit iyon nangyari. And I will regret that forever iha. Natakot lang ako na baka ay pineperahan mo lang ang anak ko nuon, na baka ay kagaya ka lang ng mga babaeng dumaan sa kanya, but you proved that I am wrong. You really love my son, but I know too that because of me, kaya ka umalis at nagpakalayo layo." Natahimik ako duon. "I saw how my son suffered. Hindi ko alam na magiging ganun ang impact ng ginawa ko. I've caused the trouble, nang dahil duon, nasaktan ko kayo pareho. Alam kong hindi ko na maibabalik pa ang mga pangyayari pero sana mapatawad mo pa ako, Angel. Mahal na mahal ka ng anak ko." Naluha ito habang nagkwe kwento.

Nanghina ako sa aking mga narinig.

"Hinanap ka niya, Angel. Pero sadyang magaling kang magtago kaya naabot ng taon." Pinunasan niya ang ilang butil ng kanyang luha. Ako naman ay hinayaan kong umagos ito sa aking pisngi.
Wala akong paki alam sa mga tao sa paligid sa oras na ito.

"Humihingi ako ng kapatawaran sa lahat ng paratang ko sayo nuon. I'm really really sorry, Angel." Unti unti nitong inabot ang kamay ko, umiiyak parin ito.

For all these years, nagpakalayo ako para umiwas sa maaaring mangyari ngunit hindi ko alam na ganito ang naging epekto. I hurt Zhan, the man I loved the most.

Hindi ko kayang magsalita. My mind is occupied with so many thoughts.

Walang sabi sabi akong tumalikod at dumiretso sa kusina. Tumingin pa sa akin ang mga kasamahan ko sa nagtatanong na mga mata.

Umiling lang ako kinuha ang bag ko. I saw many missed calls from Kara. Bakit kaya? Binalik ko ang phone sa bag ko at pinunasan ang aking mga luha.

Kinausap ko ang manager na mag absent muna ako dahil masakit ang katawan ko, mabuti at mabait ito kaya pinayagan niya ako.

Halo halo ang mga iniisip ko hanggang sa makauwi ako sa condo ni Kara.

Hindi ko sila naabutan duon, kaya sigurado akong namasyal na naman ang mag ninang. Panatag naman ako dahil si Kara ang kanyang kasama.

Binagsak ko ang aking katawan sa kama at sumubsob sa unan.

Muling bumalik sa aking isip ang mga sinabi ng mommy ni Zhan.
She's sorry. Naiintindihan ko siya. She cared for her son. Parang pagpoprotekta ko sa anak ko.

I also blame myself for all of this shits! I was coward! I run away instead of facing it.

Nang kumalma ako ay saktong narinig ko ang pagbukas ng gate kaya alam kong nakauwi na Ang dalawa.

Dali dali akong bumaba pero hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Sa harapan ko ay ang rason ko kung bakit ako bumalik ng Manila. He is confusedly looking at me now, probably shock why I am here.

___________

June 29, 2021

The Billionaire's ObsessionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon