Obsession 47

7K 169 3
                                    

Kara's POV

Sinilip silip ko sandali ang labas ng kompanya bago ko pinalabas si Shaun.

Nandyan na si Zhan dahil nasa parking na ang kanyang sasakyan.

Pinalibot sandali ni Shaun ang kanyang tingin sa kabuuan ng kompanya bago sumulyap sa akin.

"Ninang, this company is too big, you work here?" I simply nodded then held his hand to guide him inside. Ang daming bumabati sa akin at marami ding nagtatanong kung sino itong batang dala dala ko.

"Who's that kid ma'am Kara?" Isang kakilala ko ang nagtangkang tanggalin ang coat ni Shaun pero mabilis ko itong iniwas.

"Magtrabaho na nga lang kayo." Irap ko sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad, sumakay na kami sa elevator dahil alam kong naiinitan na si Shaun sa kanyang suot.

Nang makarating kami sa floor kung saan ang opisina ko ay nilock ko agad ito at tinanggal ang coat ni Shaun.

Pinagpapawisan na ito.

Nilabas ko sa bag ko ang extra shirt niya at binigay sa kanya. Kinuha niya ito at nagpalit ng kanyang damit.

"Can you wait for tita here for a while? I'll just check for something, okay?" Tumango ito at umupo sa pahabang sofa.

"After your work ninang, then we'll stroll around, okay?" Ngumiti ako, hindi ko naman ito matatanggihan.

"Alright. You watch so that you'll not get bored." I handed him the remote.

Nagpaalam na ako at lumabas ng opisina.

Nasa hallway na ako ng makita ko si Liam na hawak hawak ang isang karton. Nag angat din ito ng tingin sa akin.

"Good morning Kara." I raised my brows. "I mean ma'am Kara." Binaba nito ang kartong hawak hawak.

"Nasa office niya ba ang boss mo?" Inayos nito ang kanyang buhok at tumango.

"Nanduon, hinihintay ka. Sige ma'am Kara. Dadalhin ko lang to sa kabilang department." Tinanguan ko ito. Inangat niyang muli ang karton at nilagpasan ako.

Nagkibit balikat ako at nagpatuloy din sa paglalakad.

Kumatok ako ng tatlong beses sa office ni Zhan.

"Yes, come in." I heard his demanding voice.

Pumasok na ako.

"Good morning couz. Hindi makakapasok si mom, mamamasyal daw sila ni tita." Umupo ako sa upuan sa harap niya.

He instructed me of what will I do. Kinuha ko ang mga papel na irereview ko at bumalik sa opisina ko.

Nakasimangot na Shaun ang bumungad sa akin.

"I'm hungry ninang." Hinawakan nito ang kanyang tiyan.

Hay naku, kakakain niya lang kaninang umaga, gutom na agad?

"Okay, okay." Hindi ako pwedeng magpadeliver dito dahil baka makita nila ang kabuuan ng pamangkin ko, so I need to be the one to go and buy his food. "Antayin mo ulit ako dito Shaun. I'll go buy food there down."

"Sure, ninang." He even open the door for me.

Bumaba ako sa baba at dumeretso sa store.

I bought foods for Shaun.

Pabalik na sana ako sa loob ng mabangga ko ang isang kagwapong nilalang, at natapon sa kanya ang milk tea na binili ko para kay Shaun! Buti nalang at hindi nahulog ang mga pagkain.

"Shit." Matigas na mura ng lalaking nabangga ko.

"Hala, I'm sorry. I was pre occupied with--"

"Stop talking, you won't take back the time." Putol niya sa sinasabi ko. Ang suplado pala neto, tsk.

"Okay. Relax. Sige aalis na ako." Nagtangka akong lalagpasan siya ngunit nagulat ako ng hawakan niya ako sa braso at hinila pabalik sa kinatatayuan ko kanina.

"Not that easy woman. You owe me a date." He smirk. Deym! Ang gwapo talaga!

Binawi ko ang braso ko ng mapagtanto ang kanyang sinabi.

"Owe you a date?"

"Hindi ko palalagpasin ang ginawa mo, look what you did on my shirt." Tinuro niya ang kanyang damit na may mantsa na. Umirap ako.

"I will pay for it--"

"I don't need your money, I want a date with you." He looked at me seriously.

"Anong date pinagsasabi mo jan? Don't me." Linagpasan ko na siya ng maalalang gutom na ang aking pamangkin!

"Miss Kara, I'll wait for our date." Kumunot ang noo kong nilingon ulit siya, ngiting ngiti ito. He knows me?

Inirapan ko ulit ito at tumalikod na talaga upang bumalik sa opisina ko.

Sino kaya yun? Bakit niya ako kilala?

Sumakay na ako ng elevator. Mabilis akong naglakad palapit sa office at nagtaka dahil nakabukas ang pinto!

My eyes widened!

Mabilis akong lumapit at pumasok duon and to see nothing!

Shit!

Wala dito ang pamangkin ko! Where did he go? Lagot ako nito!

Nilapag ko ang mga pagkain sa table at lumabas. Ang lawak lawak ng kompanya!

Kasalanan ito ng lalaking iyon, kung hindi sana siya dada ng dada sa baba sana ay nanduon pa sa loob si Shaun! Marahil ay lumabas na ito upang maghanap ng kanyang makakain!

Panic consumed me. Palinga linga ako sa paligid, ayokong magtanong sa mga nagtatrabaho dito dahil baka maalarma ang mga sekyu at mas lalong maging kumplikado ang lahat.

Kung ano anong bakanteng opisina ang binuksan ko pero wala parin siya.

Lagot ako nito kay Angel!

Paano kung makita siya ni Zhan? Hindi pa naman din nito suot ang coat na pinasuot ko sa kanya! Shit!

Tumaas ako sa pang anim na floor kung nasaan ang opisina ni Zhan. Ibang kaba ang nararamdaman ko ngayon.

Imposible namang sa lawak ng kompanya ay dito siya mapapadpad!

Shaun, where are you?

Naka close ang opisina ni Zhan. Inilapit ko ang aking tainga sa pinto at wala naman akong naririnig na boses ng bata kaya sure akong wala dito ang hinahanap ko.

Ano ba Shaun, San ka nagpunta?

"Ma'am Kara ano pong ginagawa niyo jan? Nasa private room po si Sir, may kasamang bata, yung batang nakita ko sa Marinduque na kamukhang kamukha niya." Nanlalaking matang binalingan ko si Liam.

Holy fucking shit!

_____________

June 25, 2021

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon