Obsession 9

15.2K 298 3
                                        

Angel's POV

"What happened mahal, why are you crying? Ano pong nangyari manang?" Zhan sat beside me and immediately held my hands. He's looking at me with nervousness.

Itinaas niya ang thumb niya at pinahid ang luha ko.

"Wala naman Zhan, sige at naiwan ko muna kayong dalawa rito. Tutulungan ko si Sany sa pagluluto ng makakain na tayo." Tumayo si nay Glo at tinanguan kaming dalawa ni Zhan bago umalis.

"Why are you crying mahal ko, hmm?" Binalingan ko siya dahil sa napakalambing niyang boses.

Tinitigan ko siya ng napakatagal, ganun din siya. Ang mata niyang kumikinang sa pagmamahal.

Hindi ko inaasahang sa kanya ako makakaramdam ng ganito.

"Zhan." Aniko sa mahinang boses habang nakatitig parin sa kanya.

"Hmm?" He hummed, still looking at me.

'Mahal din kita. Sigaw ng sa isip ko.

I was about to open my mouth but we heard Sany calling us to eat.

"Tell me what is it that bothers you."

"That can wait Zhan, i'll tell you once we're home." Inalalayan niya along makatayo hanggang sa maka upo sa hapag.

Panay ang kwento ni Sany. Tawa lang kami ng tawa nila nay Glo at Zhan.

"Alam niyo din ba, si Gelo, naalala mo yun, Angel? Yung tambay jan sa kanto." I nodded. Kilala ko yun. Palagi siyang nakatambay sa mga store jan sa labas, kasama ang kanyang mga kaibigan.

"Kasal na ngayon yun, naka jackpot ng babaeng mayaman, ayun nasa america ngayon." Manghang mangha niyang kwento. Wow. Tambay lang noon iyong si Gelo, tapos ngayon? As in wow. Good for him.

"Ikaw kaya, kailan?" Humagalpak ako ng tawa dahil sa tanong ni nay Glo kay Sany.

Sumimangot agad ang mukha ni Sany at napa inom ng tubig.

"Nay Gloria naman po. Hinihintay ko pa po. Baka na traffic lang kung saan o di kaya ay nanjan lang pala sa tabi tabi." aniya ng nakasimangot parin.

"Naku Sany baka sa ka ka antay mo ay tumanda ka ng dalaga. Madami namang nanliligaw sayo ay bakit hindi mo pagbigyan ang puso mo. Iyong si Darius nga na halos araw araw na kung pumunta dito para lang makita ka niya pero ayaw mo naman sa kanya." Ngayon ko lang narinig ang pangalan na yan, baka ay bagong lipat dito.

"Pano ba naman e lagi niya akong inaasar. Para siyang teenager kung umasta, baka izza prank pala yung feelings niya sa akin edi kawawa ako kaya kung gusto talaga niya ako ay mag aantay siya." Mukhang may nararamdaman din itong si Sany sa Darius na sinasabi ni nay Glo dahil sa kanyang sinabi. Maybe she's not yet ready for it.

Madami pa kaming napagkwentuhan hanggang sa matapos kaming kumain. Ako na ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan namin ngunit ayaw paawat si Zhan at tinulungan ako.

He even offered to do it alone but i did not let him. Nasanay din siguro kaming dalawa dahil kahit sa mansyon ay ganito kami parati.

"Salamat sa pagdalaw niyo ngayon. Sobrang saya ko at yung dalawang taong malapit sa puso ko ay nagtagpo. Bagay na bagay kayong dalawa. Alagaan niyo lagi ang isa't isa." Nay Glo truly supports us. She was like our mother who gives us advice.

Alas sinco na nang hapon kaya naman ay uuwi na kami. Mamimiss ko ang dalawa sa pagka't alam kong matatagalan ulit bago ako makakabisita sa kanila.

"Makaka asa po kayo manang. Lagi ko tong iingatan." Linapitan niya ako at inakbayan. Ramdam ko naman ang pagpula ng aking pisngi dahil sa ginawa niya.

"Kinikilig ang bruha." Tudyo naman ni Sany na kanina pa nakatayo sa gilid ng lamesa. Pinandilatan ko naman siya telling her to stop kasi alam kong namumula na talaga ang pisngi ko.

"Oh, sige na po nay Glo, Sany, aalis na ho kami. Dadalaw nalang ulit kami sa susunod."

"O siya sige, mag iingat kayo sa pag uwi mga anak."

"Ingat kayo Angel. Zhan, ingatan mo yang kaibigan ko. Malalagit ka sa akin pag pinaiyak mo yan." She showed Zhan her closed fist as i laughed at her. Still the same Sany.

We smiled back at them and bid our goodbyes.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang pumasok sa loob bago siya umikot sa driver's seat. Tahimik kami hanggang sa makarating kami sa mansyon.

"Are you tired?" Agad na tanong niya ng ibagsak ko ang katawan ko sa mahabang sofa sa sala.

"Medyo" tipid kong sagot dito.

"Do you want milk?" I nodded at him. He stood up and went in the kitchen.

He is always like this. Inaasikaso niya ako palagi kahit na sabihin kong ako na ang bahala dahil alam kong pagod ito ngunit hindi siya nagpapa awat dahil gusto daw niyang gawin ang mga bagay bagay para sa akin.

He came back holding a cup of milk then slowly handed it to me. I mouthed him thank you.

"Will you be okay here? I will just prepare our dinner so that you can rest later." Hindi ko siya sinagot o tinanguhan man lang. Nanatili ang tingin ko sa kanya. Bumalik sa isio ko lahat ng nasabi kanina ni nay Glo.

Nang alam niyang wala akong balak sagutin ang tanong niya ay naupo ito sa tabi ko at maingat na kinuha ang baso sa kamay ko.

"You look pale mahal, is there any problem? Did something happened a while ago back at manang's restaurant? Why did you cry? Can you tell me what is bothering you, hmm?" Masuyong masuyo ako nitong tinitigan habang nakahawak sa magkabilang balikat ko. Hindi ko maintindihan ang kalabog ng aking puso.

"Tell me mahal. I hate to see you like this. Tell me what is it." Nakatulala lang ako sa kanya. He was patiently waiting for my response yet i still don't know how to put my feelings into words. He was so close to me. I can smell how minty his breath is.

Sa mga ganitong simpleng bagay ay makikita mo agad ang concern niya. He's always like this that's why I'm really addicted with his sweet gestures.

The way he calls me mahal is a relief to me.

Unti unting namuo ang luha sa aking mata dahil sa saya. He's showing me his love and I love it. I love him. I love Zhan Lauren Martinez. Hindi ko na napigilan at naluha na nga ako.

"Hey, why? Please tell me. Don't cry mahal. I hate it." He used his thumb to wipe my tears then he kissed my forehead which made me cry more. I love how he affects me. I love everything about him.

"I love you too, Zhan." Para siyang nanigas sa kanyang upuan ng marinig ang sinabi ko. Mas lalo akong nanghina dahil sa reaksyon niya. He's so cute. It was like he didn't expect to here that today.

"W-what did you say, Mahal?" Hindi ito makapaniwala sa narinig. His reaction was priceless.

"Y-yes Zhan, girlfriend mo na ako." Ang kaninang naluluha lang ay tuluyan nang napa iyak. "Tayo na Zhan."

Hinapit niya agad ako sa aking baywang at yinakap ako ng napaka higpit. As in, super higpit. Ako din ay yumakap sa kanya. I can't believe this is happening.

"Thank you so much, mahal ko. Thank you for allowing me to spend my life more with you. I won't lose this chance, mahal. My Angel, I love you so much. Please always remember that." Mas lalo akong naluha dahil sa mga sinabi niya.

I couldn't ask for more. This is the best thing that happened to me.

"And I love you too, Zhan." Hinawakan ko siya sa kanyang pisngi.

Ako na mismo ang yumuko at inabot ang kanyang mapula at mapang akit na labi. I felt him stiffened because of my sudden move, but a seconds later, he kissed me back with equal passion.

"Girlfriend na kita." He whispered between our kisses. 

_______________

May 6, 2021

The Billionaire's ObsessionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon