Obsession 29

7.1K 183 5
                                    

Angel's POV

"Picturan mo kami dito Angel, dali. Ang ganda ng background." Mabilis na iniabot ni Kara ang cellphone niya sa akin at hinawakan sa kamay si Shaun. Hindi naman nagreklamo ang anak ko.

"1...2...smile." I clicked the camera button twice. "Ibang posisyon naman." Gumilid si Kara, nilagay naman ni Shaun ang kamay na naka form ng check sa kanyang baba.

I smiled at them and click the button again.

We are here at the amusement park. Ewan ko kay Kara kung bakit dito niya kami dinala.

"Mommy can we eat? I'm hungry. Ninang mommy seems not to feel tiredness." Hinawakan niya pa ang kanyang tiyan.

Narinig kong tumawa si Kara.

"Grabe ka sa akin Shaun. Pasalamat ka gwapo ka, di kita matanggihan. Let's go, we're going to eat." Siya na rin ang humawak sa kamay ng anak ko.

Sumunod lamang ako sa kanila.

Lumabas kami sa amusement park at sumakay sa kotse ni Kara.

Sampung minuto lang ang tinagal ng biyahe namin bago nakarating sa isang restaurant.

"O sigi na Shaun, order all what you want to eat." Sinabi ni Shaun ang mga gusto niya.

Natatawang binalingan ni Kara ng tingin ang mga pagkaing nasa table.

"Gusto mo atang tumaba, Shaun?" Hindi siya pinansin nito at kumain na lamang.

"Snobber din pala." Hinila ni Kara ang upuan niya palapit sa akin. "Hay naku, Angel. Habang tumatagal nag uugaling Zhan na itong anak mo. Halata masyadong anak ng pinsan ko. Ganitong ganito si Zhan nuong mga bata pa kami." Pagkukwento naman niya.

Tinignan ko ang anak ko. He's eating like there's no us existing.
Parang walang paki alam sa kanyang paligid.

Yeah right, I remember Zhan, he's a snobber but when it comes to me, he can't resist me. Pero ilang beses ko na siyang nakitang nag iisnob ng ibang babae. Minsan pa nga ay naririnig ko ang sinasabi niyang wag daw siyang guluhin dahil magagalit ang asawa niya.

"Alam mo Angel, Hindi na ako magtataka kung isang araw, magiging Zhan din itong si Shaun. Ngayon palang, ibang galaw ni Shaun, galawan ng tatay niya. Grabe, ang lakas ng dugo ni Zhan. Tignan mo oh." Itinuro niya ang mukha ni Shaun na seryoso paring kumakain. "Look at his face, kahit saan anggulo tignan, si Zhan talaga ang isinisigaw." Natatawa pa siya.

"Can you stop talking about me?" I and Kara both chuckled when Shaun glare at us. Narinig niya siguro ang pangalan niya.

"Sus, Kumain ka na nga lang. Wag mo nalang kaming pansinin. Uubusin mo pa yang inorder mo." Pasungit na ani Kara.

"Wait, who's Zhan, by the way? I heard you two comparing us, who's that guy?" Mu smile fade away because of what he just asked.

Damn! Si Kara kase masyadong malakas ang boses! Yan tuloy narinig ng anak ko

"Ah-- si" I can't find any words, ano bang sasabihin ko?

"Si Zhan ang pogi kong pinsan, bakit ba?" I sighed when Kara said that.

"He isn't, there's only one who is pogi, and absolutely that's me." Tinusok niya ang steak, sinubo at nginuya habang hindi inaalis ang tingin kay Kara.

Paktay talaga.

Galawang Zhan! Mag-ama nga sila.

"Oh, that was smooth, huh. Okay, you are the only one who's pogi. Now, you finish your food." Shaun just nod his head and continued eating.

"Muntik na don. Ikaw kasi." Paninisi ko kay Kara. She just laughed and shrugged.

Sumimsim ako sa frappe. Tahimik kong pinanood ang anak kong kumakain.

Tatlongpung minuto kaming nagtagal sa restaurant bago kami inihatid ni Kara sa bahay.

Nagmadali din naman itong umalis dahil may aasikasuhin pa daw.

"Mom, can you help me with this." My son pointed his shoe. I smiled then nilapitan siya.

Yumuko ako at tinanggal ang shoe tie niya.

"I'm so tired mommy, how about you?" Ginilid ko muna ang kanyang sapatos at umupo sa tabi niya.

"Tired also, baby." I suddenly felt him hugging me. Aww. He's so cute when his like this.

"Rest mommy, I don't want you getting tired." Niyakap ko din siya.

Pinikit ko bahagya ang aking mata habang hinahaplos ang kanyang maliit na likod.

Nawala man sa akin si Zhan, ang laki namang kapalit si Shaun.

Wala na akong ibang iniisip ngayon kung hindi ang kabutihan para sa anak ko.

Ginagawa ko ang lahat para sa kanya. Kapag masaya siya, masaya narin ako.

"Son, can I ask you something?" Mabigat na hiningang aniko.

"Yes, what it is mommy? Do you have problem?" He acts like he's matured already.

The way he speaks. The way he cared for me. Parang si Zhan lang siya nuon.

"I'm... just... curious..baby, " inalis niya ang yakap niya sa akin at umupo ng maayos para mas lalo akong mapagmasdan.

"Curious of what? Tell me, mom."
Tinitigan ko muna siya sa mata bago huminga ng malalim.

"Why are you not asking me about your-- ahhmm..... Father?" Humina ang boses ko nang banggitin ko ang huling salita.

Sumeryoso ang kanyang mukha. Shit! Parang si Zhan lang ang kaharap ko!

"You wanna know why, mom?" Still, seryoso parin.

I can't believe I'm talking to him now about his father.

"Yes, baby, I want to know." I said in a serious voice also. Trying to vibe with him.

"It's because i don't want to ask mom. I don't have to. I'm just waiting for you to say it yourself. And if you're not ready mom, I won't force you. I love you so much mom, please don't cry. You know how I hate seeing you crying." Mas lalo lang akong naiyak dahil sa kanyang mga sinabi.

Am I selfish for keeping you, son?

_____________

June 1, 2021

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon