Obsession 33

7K 152 1
                                    

Angel's POV

Napahinga ako ng malalim at sumandal sa back rest ng sofa.

Nakakapagod, pabalik balik akong nag se serve, ang daming tao ngayon.

"Oh, Angel. Mamaya na tayo magpahinga marami pang customer." Pumasok si Dana na may dalang tray. Kukuha ulit ng order.

Ngumiti ako at tumayo na. This is job, even though you are tired, gagawin at gagawin mo parin ang trabaho.

"Table #6, Angel." Mabilis kong kinuha ang tray sa counter at dinala sa table 6.

"Enjoy ma'am, sir." Yumuko ako habang nakangiti bago bumalik ulit sa loob ng kitchen.

Pinalibot ko sandali ang paningin ko sa paligid at napahinto ng makita ang isang pamilyar na tao na papasok sa loob ng café.

What the hell? Am I dreaming? Or?

Shit!

Nanlalaking matang tumalikod ako habang naghahabol ng hininga. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito?

A real shit!

Hindi niya ako pwedeng makita dito!

Inakap ko ang tray na hawak ko habang pumapasok sa loob ng kusina. Ang daming tanong sa isip ko.

Why is he here? Is this just coincidence?

Pasimple kong sinilip si Liam na ganun parin ang hitsura hanggang ngayon. Kausap nito si Dana na abala sa pag-aayos ng order nito.

He smiled to Dana. Nakita kong dalawang espresso ang inorder niya.

Who's with him? Is he with his boss? Shit! This is not good.

"Why are you peeping there?" Muntik ko ng maihulog ang hawak kong tray dahil sa biglang pagsasalita ni Gin mula sa likod ko.

"Huwag mo nga akong ginugulat, baka mahampas ko to sayo." Sabi ko ng makabawi sa gulat. Masyado akong maraming iniisip ngayon.

"Sino ang lalaking yon? Ex mo?" Sumilip din siya sa glass door kung saan ako naka pwesto kanina. Hambalusin ko kaya to.

"Pinagsasabi mo? Bumalik ka na nga dun at si Dana ang kulitin mo, wag ako." Gin chuckled.

Tumayo ako ng maayos at napahinga ng malalim ng makitang lumabas na si Liam dala ang kanyang binili.

"Ikaw ang mas gusto kong kulitin, Gel."

"Don't call me Gel, we're not close, just so you know!" I glared at him. He's been like this since I started working here.

Unang araw palang ng pagtatrabaho ko dito ay ganito na ito kapilyo. Minsan nga ay namumura na ni Dana dahil sa mga lumalabas sa bibig nito.

"Hindi nga tayo close pero kilala naman kita, kaya pwede na kitang tawaging Gel. Gel. Gel. Ang cute mo Gel."

"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo. Umalis ka na nga jan." Sinenyas ko ang kamay ko na umalis sa dadaanan ko. Walang pagtutol siyang gumilid.

"Masusunod Gel." He even swayed his hand freeing the way for me.

Hindi na ako nagsalita pa at inirapan siya bago lumakad papunta sa counter.

Naabutan ko ang impit na nagtitiling si Dana habang naghahalo ng kape.

Napataas tuloy ako ng kilay.

"Ang saya natin ah, Anong atin?" Umupo ako sa upuan malapit sa kung saan siya nakatayo. Agad na lumipat sa akin ang kanyang tingin na kung hindi pa sana ako nagsalita ay hindi niya mapapansing wala ako dito.

"Grabe ang gwapo ng customer natin kanina, galing daw ng Maynila." Parang nahihibang pa itong tumingin sa linabasan ni Liam kanina.

Alam kong si Liam ang tinutukoy niya dahil siya lang naman ang nakita kong dayo na pumasok dito. Halos lahat ng customer dito ay madalas kong makita.

"Ang ganda ng boses niya, grabe." Okay, she's in her fantasy again.

Pero hindi ko siya masisisi dahil gwapo naman talaga itong si Liam. We can't deny it.

"Ang gwapo gwapo pa. Gosh, Angel. Para akong nasa langit kanina." Tumingala pa ito sa langit na natatakpan ng bubong.

"Sinong gwapo? Ako ba?" Magsasalita sana ako ng naunahan na ako ni Gin na kapapasok lang.

Agad na sumama ang timpla ng mukha ni Dana ng makita si Gin.

"Lumabas ka nga, hindi Ikaw ang tinutukoy ko." Umirap si Dana.

Natatawa namang lumapit si Gin at huminto mismo sa harap ni Dana.

"May dalaw ka 'te?" Hindi ko mapigilan ang pagtawa ko ng pigutin ni Dana sa tainga si Gin.

"Wag mo akong pinaglololoko Gin Escobal baka maprito kita ng buhay!." Gigil na gigil na ani Dana.

"Aray-aray, eto naman masyadong halata, nagbibiro lang ako." Sinamaan niya ng tingin si Dana tsaka umirap pa ito. Wow ha.

"Well, hindi ka nakakatawa. Dalhin mo na nga to sa table #12." Inabot nito ang tray kung san nakalagay ang kape.

Kinuha ito ni Gin at walang pasabing iniwan kami ni Dana sa counter.

"Bwesit talaga ang lalaking yan, dina nagtanda, ipiprito ko talaga yan ng buhay kapag hindi pa tumigil." Para itong batang nagpapadyak padyak dahil sa inis.

"Masanay ka na jan." Aniko at tumayo na. Nakita ko kasing palapit na ang isang babaeng customer.

"One latte, and burger." I nodded then sinimulang ihalo ang kanyang kape. Ganun din ang burger.

Maayos ko itong inilagay sa tray at dinala sa table ng babae then bumalik agad ako sa counter.

Abala narin si Dana ganun din si Gin. Mas lalong dumami ang tao.

_______________

June 9, 2021

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon