Angel's POV
Huling araw na namin ngayon sa palawan at halos ay nalibot na namin ang mga dinadayong pasyalan dito. I am very thankful to Zhan for letting me experience the things that i could never imagine to do.
Hindi na kami mamasyal dahil magpapahinga kami ngayon at mamaya ay babalik na kami sa mansyon.
"Come here Angel" Nilapitan ko agad ito ng tinawag niya ako. Akala ko ay may kailangan pero marahan niya lang hinila ang kamay ko at pina upo sa tabi niya.
"Did you enjoy?" He held my hands again.
"of course I did. Thank you so much for this vacation Zhan. Nag enjoy talaga ako. Madami akong ikwe kwento kay Sany pagbalik natin." He smiled at me and nodded. "Ma iinggit na naman siya." Ani ko sabay tawa.
"We can invite them next time Angel if you want." Napatingin ako sa kanya. Naalala ko yung mga naipong plano namin ni Sany.
"Palagi kaming nagpa plano ni Sany noon na mag punta sa mga ganitong lugar pero kahit isa ay walang natupad paano ba naman ay hanggang sa cafe lang ang kaya namin. Kaya tiyak kong magiging masaya si Sany kapag kwinento ko sa kanya kung gaano kaganda dito sa Palawan." Kung pwede ko lang din siyang isama dito ay ginawa ko na pero nakakahiya kay Zhan. "Kapag may ipon na ako yayain ko talaga si Sany mamasyal, kakain kaming dalawa sa mga five star hotels." Tawa ko at tumingin sa kanya.
Huli ko nang napansin na nakatitig lang ito sa akin habang nagkwe kwento ako kaya naman ay natahimik ako.
"Bakit?" Tanong ko dahil nanatili itong nakatitig sa akin.
"Nothing, i just love staring at you." Pinamulahan ako sa kanyang sinabi.
Hindi ko alam kung paano ako naka alis sa tabi niya ang alam ko lang ay naka balik na kami ng mansyon.
Simula ng maka uwi kami galing bakasyon ay mas lalo siyang naging clingy sa akin. Halos ay hindi na niya mabitiwan ang mga kamay ko at gustong gusto nito laging nakatabi sa akin which is weird.
I admit that i like him but i know its more than that and he's confusing me with the way he treat me. Napapa isip nalang din ako na baka ay may gusto din ito sa akin pero napaka impossible naman nun.
"What are you doing here Angel, let's go home." I heard a thunderous voice from behind.
I forgot that he was waiting for me in his office at heto ako nakikipag usap kina Kiara at Brent. Katabi ko si Brent while si Kiara naman ay nasa harapan namin.
Natahimik si Kiara habang nagkwekwento dahil kay Zhan. I can feel his gaze even he is behind me. Natatawa ako sa reaction ni Kiara dahil mata lang nito ang gumagalaw pabalik balik sa amin ni Brent at kay Zhan.
"Good evening po sir" Si Kiara.
Sabay kaming lumingon ni Brent at kumunot ang noo ko ng masama niyang tinignan si Brent.
Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Zhan sa aking tabi. Madilim na madilim ang kanyang mukha at tila ay galit na naman ito.
"I told you to come in the office, what took you so long?" Nakita ko ang pagdistansya ng dalawa sa amin. Gulat siguro dahil bakit ganito ang boss namin sa akin.
"Pasensya na po sir, mauuna na po kami. Bye Angel, ingat ka." Hindi pa ako nakakasagot sa dalawa ay para silang bula na biglang nawala kaya napangiti nalang ako. Loko yung dalawa ah.
"Damn! Why are you smiling like that, huh? Did you enjoyed talking with that man?" Tinignan niya ang pintuang nilabasan ng dalawa. He looks mad again.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Obsession
Romance⚠️MATURED CONTENT!! [The Billionaire's Obsession] ________________ "You unleashed the beast inside me, I'm fucking obsess with you. I never wanted to tie you like this but you pushed me on my limits, Mahal ko." - Zhan __________ Taglish THE BILLIONA...
