Angel's POV
"Can you tell me what's going on, son?"
Sa paraan ng pagtanong nito ay ramdam ko na ang pag disgusto niya sa akin.
"Mom, you heard it. I don't want to repeat it again." I can sense that Zhan didn't like how his mother reacted.
"What company does your parents own?" Binalingan niya ako. Hindi ko siya matignan nang deretso dahil sa hiya at madaming tao ang nasa paligid ngayon.
"Wala na po ang mga magulang ko, ma'am."
Nagtaas ako ng tingin ng natigilan ito. I heard Kara whispering something, but i can't understand.
"Stop it, mom." Zhan held his mothers hand.
"What do you do for living then?" Naningkit uli ang kanyang mata.
I had never been humiliated like this before. I roamed my eyes around, and i met their judging eyes on me. Zhan and Kara are stopping Mrs. Martinez but she's not listening to them.
"I'm working as Zhan's assistant ma'am." Mahina kong tugon dahil alam ko kung ano na ang iniisip niya.
"Mom, we're here to enjoy your birthday, please mom, not now." Naramdaman ko ang paglapit ni Zhan sa akin. Hinawakan niya ako at hinarap ang ina.
Tahimik naman sina Kara at ang daddy ni Zhan na nakatayo sa gilid namin. Kita ko ang awa sa mata ni Kara.
"Be nice to her mom, please." Zhan said, almost pleading. Ang akala ko ay magugustuhan ako ng mommy niya but it's the opposite.
"You should've told me that you're bringing her here! Mag usap tayo mamaya!" Tumalikod na ang kanyang ina at nag martsa palabas.
"I'm sorry, son for your her reaction, she's shocked, and we didn't expect to meet your girlfriend today. Please bare with her." His father said apologetically.
"I understand, dad. I'll talk to her later."
Humingi din ito ng pasensya sa akin bago nag paalam na susundan ang asawa. Nagpa alam din agad si Kara na lalabas din.
Nang makalayo sila ay hinagilap ko si Mrs. Martinez. Kitang kita ko ang pagka bad mood nito habang nakikipag usap sa kanyang mga bisita sa labas. Minsan ay tumitingin sa direksyon ko.
Hindi ko magawang ngumiti.
Yumakap agad ako kay Zhan ng maramdaman kong maiiyak na ako.
Pagka apak ko palang kanina sa gate nila ay iba ang pakiramdam ko.
Mayaman
Gwapo
Mataas
Mahirap abutin pero heto siya at abot na abot ko. Yakap yakap ko.
That's all that I think. Ramdam na ramdam ko ang pagkakaiba namin. Kahit sa ang anggulo tignan, matayog siya.
Hindi ako tanggap ng magulang niya.
"She don't like me, Zhan. Hindi ako gusto ng mommy mo." paulit ulit kong sabi.
"Sshh mahal, I'll talk to her later. Please don't think too much about that. I'll take care of this, don't worry." He hugged me back while hushing me.
__________
I waited for about 30 minutes in the living room, waiting for Zhan. He's talking to her mom. I don't know where but Zhan told me to wait them here.
Tapos na ang birthday party ng mommy niya.
Kinakabahan agad ako kung ano ang pinag uusapan nila. Paano kung hindi magbago ang iniisip niya kahit kausapin pa siya ni Zhan? Paano kung kumbinsihim niya na hiwalayan ako ng anak niya? No, no, no.
"Angel, Let's have a drink." I saw Kara walking towards me. She's holding a wine. Umiling naman ako agad sa kanya.
"Sorry Kara, di kase ako umiinom." Nahihiyang sabi ko.
"Aw, okay, i understand. You wait for Zhan here then. I'll just go in the guestroom, I'll enjoy this day alone. Hihi, bye Angel." Sa boses at galaw palang niya ay alam kong nakadami na siya ng inom.
Tumayo ako at kinuha ang wine sa kanya. She tried reaching it again pero inilayo ko iyon.
"You need to sleep Kara, you are already drunk." Kahit kanina ko lang siya nakilala ay magaan ang loob ko sa kanya.
"Huh, I'm not lasing." Nang humakbang siya ay gumewang siya kaya dali ko siyang hinawakan sa likod at kamay. "See i can stand straightly-oh" Inalalayan ko agad siya dahil muntik na siyang matumba.
"Saan ang kwarto mo?" I asked as I helped her walk.
Gumewang gewang niyang itinuro daan pa punta sa kwarto kung saan siya matutulog. Binuksan ko ito at tinulungan siyang mahiga sa kama. Bagsak ang lasing. Kinumutan ko siya tsaka lumabas ng kwarto.
When I got down the stairs, I was confused as to where is the way back in the living room. Lininga linga ko ang paligid at hindi ko na maalala kung saan kami dumaan kanina ni Kara habang hinahatid ko siya sa kanyang kwarto.
Ang lawak lawak naman kase ng mansyon nila.
Liningon ko ang pasilyo sa kaliwa at duon ako dumaan. Nang lalagpasan ko sana ang isang kwarto ay narinig ko ang boses ni Zhan.
"That will not happen, mom, believe me. If you are thinking about my reputation, you don't have to worry, mom, I can take care of everything. She will not affect my image because she makes it even better." Napatigil tuloy ako sa paglalakad at sinilip ang bahagyang naka awang na pinto. I know its bad to eavesdrop but i can't help myself lalo na at alam kong may kinalaman ako sa kung ano ang pinag uusapan nila.
Nakatayo si Zhan habang naka upo naman sa swivel chair ang kanyang ina. They're talking seriously. Her mom is eyeing him at tila hindi makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ng anak.
"Nahihibang ka na ba Zhan? What's happening with you? I don't understand why you are protecting that girl, ha! Yes I told you to find a girlfriend but not a hoe! She has nothing, son. Nag iisip ka ba?" Galit na galit na sigaw sa kanya ng ina.
"Mom, please don't judge her she's far from what you are thinking." Mahinang sumbat ni Zhan.
"No son, hindi na ikaw yan Zhan! Umayos ka! Ang kumpanya ang pagtuunan mo nang pansin at hindi iyang mukhang pera mong babae!" It's true, Iyon nga ang tingin niya sa akin.
I understand that she judged me based on what she thought about me but i can't help but to think also. Bakit hindi muna niya kilalanin ang tao bago siya manghusga?
"Mom, please. Iba ang iniisip mo. Hindi ganyan si Angel. She's kind mom, can't you see? Mas naging maayos ang takbo ng kompanya because of her. She's helping me with it. Please, mom, i don't want to hear you insult my girlfriend again." I can sense that he is pissed with what his mother said.
"Anak hindi mo ba nakikita? Pineperahan ka lang niya. She doesn't really love you. She's after your money, your wealth! She suduced you, I already know tactics like that. Aakitin ka niya, at kapag ganyang hulog na hulog ka na sa kanya, duon ka na niya aatakihin!" Namuo ang luha sa aking mga mata habang pinapakinggan ang kanilang pag uusap.
Ganun ba kababaw ang tingin niya sa akin? I don't even have any intentions like that! I love Zhan, not his money! Wala akong paki alam sa kung ano ang meron si Zhan. I only want him.
"Enough, mom. Alam mong malaki ang respeto ko sayo, kaya nagmamaka awa ako, please lang mom, please, nakiki usap ako sayo, respect Angel as you respect me. I love her mom. Wala na akong ibang nakikita kung hindi siya." Parang may humaplos sa aking puso ng sabihin iyon ni Zhan.
"Ngayon lang tayo nag away, dahil pa sa babaeng iyan---" Hindi ko na kayang pakinggan ang susunod na sasabihin niya.
Kung saan saan ko hinanap ang daan pabalik sa sala. Nang makarating ako sa sala ay umupo ako sa sofa ay inihilig ko ang aking ulo sa backrest.
My heart was pounding out loud, I wanted to cry. I am hurt. Masyado akong nainsulto at ang malala pa ay nanggaling pa mismo sa pinaka malapit na tao sa buhay ng lalaking mahal na mahal ko.
_________________
May 13, 2021
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Obsession
Romance⚠️MATURED CONTENT!! [The Billionaire's Obsession] ________________ "You unleashed the beast inside me, I'm fucking obsess with you. I never wanted to tie you like this but you pushed me on my limits, Mahal ko." - Zhan __________ Taglish THE BILLIONA...
