♠ Chapter Thirty-One♠
Ace:
Alessandro Dela Verde, Paubos na ang data ko pero wala man lang lumabas na pangalan na Ace Montereal na asawa nito!
Naiinis kung tinapon sa basuran ang ikatatlo kong beer. None as in nothing! He was fooling me then! Nakakainis!
Mabigat na ang katawan ko ngayon, I felt my weight over me as I layed on my small bed. May isa pang canned beer na binuksan ko. I turned off my phone na naiwan ko lang pala dito sa kwarto—that was why I failed to send a text message kay Erik.
Yes, I wanted to run away from him. Takasan ito dahil feeling ko sobrang hindi maganda kung nandyan siya, eh. But on the other side, may naitulong siya para bumalik ng paunti-unti ang mga alaala ko!
May mga katok mula sa labas. Erik?
Sabi niya matutulog na siya? Bumangon ako at muntikan pa akong mabunggo—tangna! Kelan ba ako huling uminum? Napakalampa ko!
"Oh sabi mo matutulog ka na, Erik—" Napakurap ako nang hindi naman si Erik ang nasa labas ng pintoan ng kwarto ko. It was Alessandro! Isasara ko na sana ang pinto nang iharang niya ang katawan niya saka pilit na pumasok sa loob—which he really did!
"Hoy, ano ba—get out. Una kidnapping ka tapos ngayon trespassing ka na naman!" I pointed the door for him to leave—pero ang mga mata nasa latang hawak ko sa kabilang kamay. And then I realized, I was only wearing my top and bottom panty short!
"Lasing ka ba? Nag-inuman kayo ng Erik na yun?" Eh, ano naman sa kaniya!? I pushed him out the door—kanina gusto ko siyang makausap pero ngayon? Hindi na!
"Umalis ka sabi!" Pero hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito ngayon. Fine! Sige! I stopped at bumalik sa higaan saka ibinagsak ang katawan ko sa kama. Pumikit ako.
Gusto ko ng matulog.
Bahala siya sa buhay niya!
Kinuha niya ang lata ng beer sa kamay ko. Hindi ako pumalag—sobrang nahahapo na ang katawan ko—sa ginawa niya ba sa'kin sa isla! I opened my eyes a bit seeing him seating on the floor now—at iniinum ang canned beer na kinuha niya mula sa'kin!
Impossible man!
"Tell me, Alessandro," He was a bit surprised, I knew, bakas sa mukha niya ngayon coz I just pronounced his name correctly. "..kaya ka ba galit sa'kin dahil, dahil isa akong kaaway? Coz I was a f*cking assassin that ought to kill Alessandro Dela Verde?" Nakahiga pa rin ako habang sinabi ko iyon. Ewan ko kung bakit siya nandito o kung ba't siya nag-aaksaya ng panahon niya ngayon sa'kin! Pero gusto kong malaman niya na unti-unting bumabalik ang mga alaala ko, because of him.
"Tired of your drama, huh? Kaya ka nagpunta sa Cabana kanina?" Nakasampay ang dal'wang braso nito sa mga tuhod nito habang nakasalampak sa sahig.
"Nagpunta ako dun para sabihin sana sa'yo ang mga bagay na'to—unti-unti na meron akong naalala nang dahil sa kabastosan mo sa yate," I closed my eyes, tightly. Pinilit kong alalahaning muli.
"They ripped off my shirt habang nakatali ako sa mga kamay pataas—sabay latigo sa likod ko. Kasi hindi kita pinatay kaya nila ako pinarusahan. That was why I remembered your name." I smirked after that dahil alam ko na ang sasabihin niya. "..but I know, hindi ka pa rin naniniwala. But do you know, how tormenting this is for me? Pero hindi, you'll never ever feel this—jugdgemental jerk." Sabi sabay tagilid ng higa at tinalikuran siya. Mabigat na ang mga mata ko—and this was good for me, makakatulog ako nang maayos.
***
I will expect your presence in Isla Cuatros Hotel at 8am sharp. Bring your important things with you, you're flying with me to the city. –Al-
This rude guy! Paggising ko may sticky note na nakadikit sa noo ko with his demanding lines!
What just happened last night? Katatapos ko lang maligo—well, oo, alam ko namang nagpunta siya rito kagabi. Pero mukhang nakatulog na ako—tinulogan ko talaga siya knowing that he was here? How the hell did I do that?
Wala naman sigurong nakakita sa kaniya nang umalis siya?
Hindi ko siya maintindihan!
BINABASA MO ANG
Good Boys Gone Bad Series 4: LUST BULLET
RomanceThe last series of Good boys gone Bad, Alessandro Dela Verde & Ace Montereal