♠ Chapter One ♠

2.4K 46 2
                                    

Chapter One

Ace:

Swerte na kaya sa'kin ang gabing 'to?

Ang gwapo niya—tsaka mukhang mayaman. Sa'n kaya niya inilagay ang wallet niya? Hmm.

Hindi ko siya nilubayan ng tingin kahit punong-puno ang bibig ko ngayon ng..ano ngang tawag nito? Yung may kanin tapos ipinatong yung hilaw na laman ng isda? Tss..

And dami ng orders niya! Pero struggle is real lang talaga ako sa chopsticks, e. Kaya kinamay ko nalang!

Kinamay lang, ayos na ayos na!

"How old are you?" Napatuwid ako ng upo. Sabay lunok ng mga kinain ko ngayon, uminom na muna ako ng tubig kasi parang nabilaukan ako sa dami—gutom na gutom na kasi ako, e.

"Twenty-one pa po ako," Ibinalik ko ang baso sa mesa. "tsaka single na single—super available." Sabay ngisi ko rito. Gaya ng kanina, umarko lang ang mga makakapal nitong kilay. Ang suplado niya!

Mukhang nawala na ng tuloyan ang gana nitong kumain. Itinabi nito ang plato nito na mukhang hindi naman niya 'ata kinain ang mga pagkaing na-order niya.. 'Pag mayaman ka naman talaga, oo.

"I don't have a lot of time, actually." Walang kangiti-ngiting sabi niya. Mariin niya akong tinitigan na para bang nakaka-hypnotize ng mga mata. "kailangan mo ng pera 'di ba? Let's talk business, shall we?" Namilog ang mga mata ko—sobrang bilog na bilog! Sabi ko na ba, e.. Swerte sa'kin ang gabing ito. Nangangamoy perang pambayad naming ng upa sa bahay!

"Kailangan ko talaga ng pera, sir! E, kaso lang, wala akong negosyo, e—wala akong business na..ma-e-si-share sayo ngayon.." Sabi ko saka ito lumabi. E, wala naman talaga akong negosyong mapapag-usapan namin! Sabi niya kasi, let's talk business—anong alam ko dun? A, pagbebenta ng balot, alam ko.. Napapitik ako sa hangin! "a, alam kong mag-benta ng balot, sir! May business pala kami—tsaka, naglalako din ako ng mga gulay 'pag walang pasok—"

"Shut the f**k up. Ang daldal mo." Hah? Napalingon ako sa tabi ko—ako ba sinabihan niya ng shut up? Naniningkit na ngayon ang mga mata nito sa'kin.

Ako nga talaga.

Ang daldal ko nga ba?

E, siya naman 'tong nagsabi ng tungkol sa business!

Sus! Kung hindi lang talaga ito big fish—sinipa ko na ang mukha nito, e. Kaso lang, kailangan ko talaga ng pera ngayon.

Kaya nga inabangan ko siyang bumaba ng sasakyan niya at binundol ko kunyare—wa epek, e.

"Ang sabi mo kasi, let's talk business—"

"I want to propose business with you. Kung gusto mo ng pera, may ipapatrabaho ako sa'yo." Oh? Kailan naman kaya matatapos ang ipapatrabaho niya? Hayss, oo naman, gusto ko ng trabaho—kahit na ano!

"Kahit na ano, basta trabaho, sir! Pero kailangan ko ng money down—pambayad sa upa ng bahay namin. E-fo-football na daw kami bukas 'pag hindi ako nakabigay ngayon, e.." Naisip ko yung sinabi ng Manang Taling kanina. Umagang-umaga talagang nambubulabog, e.. Sinipa pa nga ang pintoan—suss, pinigilan lang talaga ako ni nanay Rosario. Kulang nalang ng isa yung matabang matanda na yun!

"Money is not a problem with me—name it. But I want my conditions set and followed by you." Hah? Nakanganga ako ngayon. Ba't English siya ng English?

Mukha na ba akong Amerikanang hilaw nito?

"Sorry, sir ha? Pasang-awa lang talaga grade ko sa English, e." Hindi ko alam kung matatawa ako sa reaksyon niya ngayon—timping-timpi siya sa'kin!

"Walang problema sa'kin ang pera, sumunod ka lang sa mga plano ko. Siguraduhin mong walang palpak sa mga kilos mo—that's it. Then you can get your money in full." Tumango ako. Naiintindihan ko na! Okay yun, a. Pero ano naman kaya ang trabaho ko? Hmm. Kahit na namo naman kaya ko—kahit pa sa construction niya ako ilagay okay lang!

"Money down?"

"I'll give it to you. But firstly, walang makakaalam nito—you and me. Kapag dumadaldal ka na siguradong malalaman ko, kapag may isang detalye tungkol dito na makakalusot sa bibig mo maliban sa mga mata't tenga ko—I'll kill you." S-Seryoso?

Mukhang seryoso nga siya. Kinabahan ako ngayon sa tono niya, ha! Ano na, Ace? Payag ba tayo?

"E, ano ba 'tong trabaho ko?" Hindi kaya, drugs 'to?

"I want a wife." Nalaglag 'ata ang bibig ko sa mesa nang marinig ko yun. Of course, alam ko ang ibig niyang sabihin dun! Wife as in asawa? "pupunta tayo sa bayan ng Malinaw, dun tayo pansamantalang titira. We'll pretend a couple and we'll gonna get married there. Civil wedding. That's it—that's your role. To pretend that you're my wife." Sabi ng lalake ngayon na hindi man lang nagpakilala ng pangalan niya. At ngayon, kailangan niya ng asawa!

At ako ng pinili niya para sa trabahong yun?

"No questions. Yan lang ang dapat mong malaman at dapat mong gawin. Are we clear?" Hindi ako makasagot rito. Clear na ba sa'kin talaga? Parang kinakabahan ako, a!

"I'll give you one million or more, are you in?" One million!? Pumitik ako ng ilang beses sa hangin! Sobrang lapad ng ngiti kong hinarap siya uli.

"Oo, in na in ako, sir!" One million or more? Para maging asawa niya pansamantala? Para akong binuhusan ng isang truck ng swerte ngayong gabi, a!

"From now on, your name is Essah, you call me, Drew."

Nang gabi ding yun, hinatid niya ako sa bahay naming hindi dahil gusto niya kundi para personal na makita ang address ko—dahil bukas o sa makalawa ay susunduin na niya ako papuntang Malinaw. Ang bilis! At tsaka, bitbit ko na ngayon ang fifty thousand in cash na down payment niya sakin pambayad ko raw ng upa sa bahay naming—akala niya siguro apartment o nasa condo kami ni nanay Rosario!

Good Boys Gone Bad Series 4: LUST BULLETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon