♠ Chapter Two ♠

1.8K 44 2
                                    

Chapter Two

Ace:

"Hoy! Ace! Rosario—ang kakapal talaga ng mukha ninyo, ha!"

"Lumayas na kayo diyan ora mismo!"

Nagsalubong ang mga kilay ko ngayon. Padabog akong bumangon habang parang walang naririnig lang si nanay Rosario at ang himbing ng tulog.

Tss. Hang-over na naman kasi..

Kinuha ko ang wallet kong punong-puno ng pera at tinungo ang kahoy na pintoan. Sus! Akala mo ang ganda ng barong-barong na'to, e! Ang dami pang butas sa bubong hindi man lang magawang kumpunihin..

Humanda kang baboy ka!

"Ace! Rosario! Labas—!"

Bigla kong binuksa ang pintoan saka humikab. Itinaas ko ang pera sa kamay ko at ipinaypay. Tumahimik 'agad ito at nakatingin sa perang hawak ko ngayon.

"Ang init ng panahon, 'no? Ang iinit ng ulo ng mga tao ngayon que aga-aga.. O, ikaw pala yung nambubulabog sa labas ng sira-sirang bahay na'to, Aling Taling?" Kunware gulat pa ako, e. Tsaka binilang ko sa harapan niya ang pera.

"Limang libo yung utang naming sa upa 'no? Teka, bibilangin ko lang.. Hoo! Hirap talagang magbilang ng pera 'pag marami, e.." Nakanganga lang ang matanda.

"A, e, pasensya ka na Ace ha? Kasi naman, alam mo namang may paggagamitan ako sa pera, e.." Umiba ang tono ng hangin. Sobrang naging kalmado ang mga alon, a!

Ibinigay rito ang limang libo.

"Tsaka, paki-kumpuni naman ng bubong ng bahay naming, Aling Taling. Singil ka ng singil hindi mo naman magawang ipakumpuni.. Heto, dagdagan ko na yan.." Binigyan ko siya ulit ng limang libo. Abot-langit na ang ngiti ng matanda saka ko malakas na sinara ang pintoan. Hayss! Nakakainis talaga!

"Ang dami mong pera, Ace?" Bumangon na pala si nanay Rosario. Kumuha ito ng tasa para magkape. Walang araw na hindi nalalasing. Walang araw na hindi ko rin siya pinagsabihan at wala pa rin siyang pakialam.

"Sideline para mabuhay ng matagal-tagal." Sabi ko saka kumuha ng noodles para lutuin. Alam kong walang laman ang sikmura ni nanay Rosario—at kahit pa man hindi ko siya totoong nanay, marami pa ring akong utang rito.

"Ganyan nga naman talaga dapat. Pautang ako ha? May utang kasi ako sa tindahan, e.. Isang libo lang, Ace." Hindi ako umimik. Gan'to naman talaga si nanay Rosario. May utang daw, maraming dapat bayaran, pero 'pag dating ko—lasing palagi.

Malalakas na katok na naman ang nasa labas.

Naiinis na talaga ako sa matandang baboy na yun!

Binuksan ko ang pintoan. "Ano na naman Aling Taling--!?" Pero si Drew ang nakatayo sa labas ng pintoan. Nakasuot ito ng itim na sombrero—naka-itim lahat.

"U-Uy, Drew, 'kaw pala. Sa'n ba ang lamay?" Itim na leather jacket, pantalon, rubber shoes—sinong nilalamayan nito dito sa baryo namin? O mukhang patay yung mukha ko ngayon dahil sa wala pa akong hilamos at ligo!?

"We need to go now." Ano!? As in now na? Nilingon ko si nanay Rosario pero mukhang wala naman itong pakialam.

"Ngayon na talaga? Maliligo lang muna ako, tapos mag-eempake saglit!" Hinintay niya ako ng halos kalahating oras—hindi na ako nakasuklay sa buhok ko dahil sa nayayamot nitong mukha. Nang lumabas kami ng bahay, pinalibutan ng mga tisismosa ang kotse ni Drew.

E, ang sosyal naman kasi tapos dito pa talaga sa squatter's area pupunta!

"Nay, babalik po ako—"

"Walang problema basta may pera ako." Kumaway lang sa'kin si Nanay Rosario. Binigyan ko siya syempre ng pera para pang-ulam niya pero sure ako, ilalasing lang talaga ni nanay yun. Hayy..

Umandar na ang kotse ni Drew at nakaupo ako dito sa likuran. Nakatingin ako sa rearview mirror, kahit halos balot na balot siya—ang gwapo niya lalo.

"A, Drew, tanong ko lang. Since asawa ang role ko—hindi naman tayo seryosong magtatabi 'no?" Isang matalim na tingin ang sumalubong sa'kin sa salamin. E, bakit? Gusto ko lang ma-sure 'no!

Baka naman kasi..

"Hindi. Just pretend to be a good wife. That's it." Malamig niyang sagot sa'kin pero lumuwag ang dibdib ko ha! Halos hindi ako makatulog kasi sa kakaisip dahil nakalimutan kong itanong yun sa kaniya—baka kasi may kapalit ang isang milyon, e!

"Hayy salamat naman!" Sumandal ako tumingin sa labas. Nasa syudad pa rin kami at sobrang traffic. A, teka! May tanong pa pala ako!

"Hindi naman tayo totoong ikakasal 'no? Fake wedding lang naman 'di ba?" Syempre.. Kasi fake wife ako—so alangan namang real wedding talaga?

"No. That'll be a real wedding." A-Ano..!? Totoong kasal!? "but we'll agree for annulment later, maybe after a month or so." Hayyss.. Ganun naman pala—pero totohanang civil wedding talaga ang mangyayari? Dios mi..

"A-A, okay.. Baka magalit girlfriend mo, ha? Kasi, sa'kin single ako—no problem sa'kin ang set-up na'tin. Baka naman may biglang sumabunot sa buhok ko after a month or so.." Naisipan ko lang. Kasi sa gwapo ba naman nito? At baka kung meron nga namang kakaladkad sa'kin bigla—naku, ayoko ng ganun..

"I don't have." Oh!?

Wala siyang girlfriend, talaga?

Pero may magiging asawa naman siya..

Naku, ayaw kong kiligin kasi trabaho 'to pero parang ganun na nga.

Tumigil ka Ace!

Good Boys Gone Bad Series 4: LUST BULLETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon