♠ Chapter Thirty-Two♠

1K 25 0
                                    

Chapter Thirty-Two

Ace:

So, anong gagawin ko ngayon? Narito na ako sa lobby nakatayo—pero I feel like walking out the hotel. Hindi ko din sinunod ang sinabi niyang magdala ako ng mga gamit ko.

I was here to tell that man, na wala akong pakialam kung siya pa ang nagmamay-ari ng buong mundo!

"How may I help you?" Hindi ko namalayan ang paglapit ng babaeng hotel staff sa'kin asking me why I looked damn stupid habang nakatangang nakatayo ngayon.

"Uhm, wala—" Nailing ako saka tumalikod. I shouldn't had came in here. Para ko lang talagang pinukol ng bato ang sarili ko—sa police station ka dapat nagpunta, Ace! Nakailang hakbang ako nang may humablot nalang sa braso ko.

"She's with me," Alessandro! He pulled me back at napaatras ako patungo sa direksyon niya ngayon. As I looked at his direction, I saw this woman beside him—siya yung nasa loob ng kwarto sa Cabana kasama niya.

"Who's she?" Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Buti nalang pala nakapantalon ako at maayos na t-shirt ngayon.

"Hintayin mo 'ko sa room 404. Please escort her." Saka niya lang binitawan ang braso ko at sabay silang naglakad palabas ng hotel—habang nakahawak sa braso niya ang babae.

"Yes, sir. Let's go, Miss." Ani ng staff saka hinintay akong magtungo sa elevator. I blinked, why would I follow that jerk?

"Uhm, pasensya na, sabihin mo sa kaniya hindi ako uto-uto." There you go, Ace! Naglakad ako palabas and made sure wala na rin sila bago ko tinahak ang daan pabalik sa dorm.

O, ano ngayon kung may mga naaalala ako kapag nandyan siya? Paano kung puro pala hindi maganda ang mga alaala ko kasama siya!? Ibabaon ko nalang ang lahat ng mga memorya ko noon—you see, sabi niya asawa niya ako pero halatang may ibang babae siya!

Then, I chose to burry all those memories rather than staying close with that arrogant man!

I'll just call Erik after I arrived. Nagmamadali akong mag-empake ng mga gamit ko ngayon—meron pa naman akong pera para pamasahe. I checked my wrist watch as I picked my backpack up.

9AM. May fast craft pa siguro ngayon.

I need to get away from this place—away from that man!

I opened the door.

Nakatayo siya sa labas ng pintoan—nagbabaga ang mga mata niya!

"Aren't you still that hard-headed brat, Ace?" As he spoke sabay hawak sa kanang kamay ko—he was now dragging me out the room.

"Bitiwan mo ako! Tulong!! Kidnapping ang ginagawa nitong gagong 'to ngayon sa'kin—tulongg!!!" I was struggling like a cat saka niya ako parang sakong isinampay sa balikat niya—everything went upside down and I saw his legs walking like this was an ordinary thing for him!

"Alessandro!!! Ibaba mo ako—ano ba!!" Pinagbabayo ko ngayon ang likod niya at alam ko ring may mga mga nadaanan kaming mga tao—but they just didn't care!

"Tulonggg!!!" That came out from the deepest of my lungs pero naubos lang ang lakas ko until I was forced to get inside this black car. Nasa loob na ako ngayon at nasa tabi ko siya—as he was fixing his damn coat!

"Sa'n mo ko dadalhin!?" Naiinis kong sinuklay ang buhok ko ngayon—no, I was hell furious! Hindi ba siya marunong magsalita at puro dinadaan nalang ang lahat sa dahas!?

Pero hindi ito nagsalita. As if I did not exist at all—nakatingin lang ito sa labas ng bintana ngayon habang umaandar ang sasakyan.

If I was his wife in paper—ba't siya nagkaka-interes sa'kin ng ganito? If I was a threat, sana'y itinapon na niya ako sa kulungan at tumawag na kaagad siya ng pulis.

Ano pa ba ang kelangan niya sa'kin?

***

"Bitiwan mo 'ko," Nakahawak na naman siya sa braso ko, paakyat ngayon sa private plane na naghihintay. "Sasama ako ng maayos! Just, hands off me!" Hindi ko gusto ang ginagawa niya na parang aso niya na may tali. Lumuwag ang pagkakahawak niya at inilang hakbang ko ang pag-akyat on board this plane. A flight attendant warmly greeted me nang makapasok ako ng tuloyan sa loob.

"This way, maam." Nagpatiuna ang babae. I felt his presence behind me. May apat din siyang bodyguards na dala na puro malalaki ang katawan—what's wrong this guy? Was I this perilous in his life?

We were heeding to the private suite, binuksan niya ang pintoan na nakangiti. Kimi akong ngumiti sa babae saka pumasok sa loob.

Maganda. May maliit na sala, meron ding couch sa gilid ng bintana. I sat on the bed across the couch, the flight attendant closed the door—salamat na rin at hindi pala siya sumunod sa loob.

It's just, his silence seemed like a badluck to me. May masama siyang plano—may iniisip.

Good Boys Gone Bad Series 4: LUST BULLETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon