♠ Chapter Nine ♠
Ace:
Kakarating lang namin sa bahay, malapit lang dito ang bahay nina Nelson at Tina, dal'wang bahay 'ata ang layo. Tahimik siya, ah? Kanina lang ang daldal, e!
Hindi na rin ako umimik hanggang sa isara na niya ang pintoan ng bahay at ini-lock.
"Because of your clothing style, mababastos ka talaga sa labas, Ace. See, pinag-uusapan ka na ng mga lalake?" Isang malalim na hinga ang pinakawalan ko nang marinig ko ang sinabi niya ngayon. Sa boses pa lang, malalaman kong naiirita at naiinis siya.
Hinarap ko si Drew. Nandito na naman 'tong klaseng mood niya at sambakul niyang gwapong mukha.
"Ang pagkakadinig ko sa sinabi ni Nelson—marami ang may balak manligaw, balak manligaw daw, nababastos na pala ako dun? Kasalanan ba naman ng damit ko, hayss!" Napailing ako pagkatapos kong sabihin yun. Sa totoo lang, naiinis na rin ako sa kaniya. Sus! Sarap na sana ng tulog ko ngayon dahil sa best acting niya kanina, eh—tapos heto, heto na naman siya. Grr..
"Look, you may not see it, Ace—your style doesn't suit here at hindi natin alam kung anong takbo ng mga utak ng mga lalake dyan." Ba't ba pakialamero siya sa damit ko!? Inaano ba siya?
"Alam ko kung gaano ka iksi ng mga damit ko, Drew at gusto ko ang style ko at wala akong pakialam sa mga iisipin ng iba dahil 'di ako ipinanganak para intindihin ang opinion nila—gets mo?" O baka naman, 'di kaya..? Naiinis na talaga ako sa kaniya pero biglang sumilay sa'kin ang pilya kong ngiti—may naisip ako, eh!
"Teka muna, na-didistract ka ba sa suot ko? Na-tu-turn on ka?" Sabi ko sabay nakapamewang kong tanong sa lalake na mukhang mas lalong namula ang mukha. Nakainom ito pero hindi naman natablan ng lambanog, e.
Hindi ko naihanda ang sarili ko nang humakbang siyang palapit sa'kin at napaatras nalang ako saka tumama ang likod ko sa kahoy na pader. Nag-aapoy ang mga mata niya ngayon, sobrang lalim at init ng buga ng hininga niya. Parang siya isang leon na isang dipa nalang sa daga!
"What if I'll say, you f**cking turn me on with your cheap style, huh? What you'll gonna do, brat?" Gumalaw ang mga panga niya na para bang nagpipigil talaga siyang sunggaban ako sa galit ngayon. Ang dal'wang kamay niya ay nagsilbing bakod para hindi ako makawala. Ilang beses na ba akong napalunok? Kasalanan ko kasi sinabi ko yun sa kaniya! Ayss, Ace!
Nakagat ko ang ibaba kong labi—totoo bang natu-turn on talaga siya? Kelangan ko bang itanong uli!?
"Alam ko ang mga babaeng katulad mo, Ace—I know your game. Don't f**cking seduce me again with your damn clothes—I hate to mix business with pleasures," Natameme ako, hindi pa pumasok lahat ng English niya sa utak ko pero nag-si-sink in na ang iba! Naglakbay ang mga mata niyang naniningkit ngayon mula sa leeg ko pababa sa dibdib—napaiktad ako ng dagli niyang e-unzip ang jacket kong suot!
"and damn, you're not my f**cking type." A-Ano daw? Hindi ako nakaimik talaga nang siya na ang naghubad sa jacket mula sa katawan ko at itinaas niya sa ere. "Gagamitin ko 'to bukas," patungkol sa jacket nito.
Ha! Saka umatras at pumasok sa sariling kwarto at naiwan akong nakatanga sa labas—rejected!
"Sira-ulo.. Hah!" Napahawak ako sa sintido ko. Ang gago, akala niya ba nang-aakit ako sa kaniya dahil lang sa suot ko!? At hindi daw niya ako type! Naku, naku—makuha ko lang talaga ang bayad niya sa trabaho ko—isang tadyak at sapak talaga sa kaniya!
Nanggigigil ako!
Pumasok ako sa kwarto ko at malakas na isinara ang pintoan. At para sa ikakapanatag ng bughi ng Drew na yan—wala akong balak baguhin ang pananamit ko!
"Problema ko ba yun!?" Gwapong-gwapo na talaga siya sa sarili niya! Tse! Gago!
***
Hanggang pag-umaga nakasimangot akong nagising. Bad trip na kaagad ang araw ko dahil hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa sinabi ni Drew sa'kin—ayokong ma-affected 'no dahil feeling niya talaga, inaakit ko siya?
Hayyst! Bumangon na ako, alas-7 na ng umaga at sigurado akong kanina pa yun nakaalis. Wala na nga ang damuho. Saktong kumain at maligo may kumakatok sa labas.
Si Tina na naman ba 'to? O si Isay? Naku! Alam kong tsismis na naman ang ipinunta ng mga 'to. Padarag kong binuksan ang pintoan. Umarko ang kilay ko—sino 'tong mais na hilaw na mataray na nakatingi sa'kin ngayon?
"And who are you?" Aba! Ang maldita nito, ah—sa tabas pa lang ng dila kuhang-kuha ko na.
"Sino po sila?" Tanong ko.
"Hindi mo ako kilala?" Mas lalong tumaas ang kilay ng babae. Napakaiksi ng suot nitong damit, tsaka mukang naghanda siya ng push-up bra at ipit na ipit yung kaniya. Tss!
"Magtatanong ba ako kung kilala kita?" Nakangisi ako ngayon pero nanlalaki ang mga mata ko. Pasalamat 'to bagong ligo ako at medyo nahimasmasan na ang ulo ko!
"Ako lang naman ang may-ari ng lupang tinatapakan mo, I am Amanda Mariz Topaz!" Topak? Oww? So, si Amanda na pala na ito—yung pinag-uusapan nila ni Nelson na inaamoy-amoy si Drew! Para aso lang?
Siya pa daw ang may ari ng lupang inaapakan ko!
Ha! Totoo nga ang sinabi nila ni Tina—sobrang matapobre ng babaeng 'to, ah! "So where's my bodyguard? I heard, dito nakatira si Drew," Maanghang niyang sabi ngayon sabay tingin sa likuran ko. Bodyguard na niya si Drew?
"Ah, si my labs ba? Naku, madam.. Kanina pa nakaalis para magtrabaho." Nalukot ang mukha niya sa sinabi ko. May nakaparadang kotse din sa labas. Mukhang kelangan nga niya ng bodyguard—sa sama ng ugali niya maraming gustong i-salvage 'to! "And who are you?" Tanong niya ulit.
"A, ako nga pala yung babaeng aanakan ng lima ni Drew, Essah nga pala." Nawala nang tuloyan ang dugo sa mukha ni Amanda at mabilis na tumalikod at umalis.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hello, readers!
How are you all? Hope safe lahat..
Sorry for my super sluggish update. Actually, I lost my motivation to write these past few months since the classes resumed. Being a teacher in this new blended learning is never an easy.. Super busy and even saturday and sunday, ginugugol ko sa pagbibisita ng mga students na nasa malayo at yung hindi talaga marunong sa modules.
Even now and onwards, sobrang busy dahil sa mga scheduled activities. =(
I just missed my own world, so mucchhhh!
Mag-iingat po tayo palagi!
-Mimi/Zecore-
BINABASA MO ANG
Good Boys Gone Bad Series 4: LUST BULLET
RomanceThe last series of Good boys gone Bad, Alessandro Dela Verde & Ace Montereal