♠ Chapter Five ♠
Ace:
"Bye, labs! Ingat ka, ha? Palaging uminom ng tubig, labs.. Bye!" Habol ko sa truck na kung saan sakay si my labs ko—si Drew. Ayss.. Pagtalikod ko ang daming kumpol ng tsismosa. Que aga-aga!
"Magandang umaga sa inyo," Nginitian ko silang lahat. "Nag-almusal na ba kayo?" Iba talaga.. Kahit naman saang lugar, e—nakasanayan na talaga ng iba na pakialaman at gawing ulam ang buhay ng ibang tao. Tss.
"Ay, bagong kapit-bahay, ako nga pala si Tina," Sabi ng isa na mukhang hindi pa 'ata nakapaghilamos. Pero mukhang mabait naman.
"Ako naman si Isay," Nakipagkamay pa sa'kin.
Yung iba tinitigan lang ako mula ulo hanggang paa, vice versa. Ngayon lang ba 'to nakakita ng totoong tao sa lugar nila?
"A, ako naman si Essah, kasama ko ang boyfriend ko dito sa bahay, si Drew." Pagpapakilala ko sa dal'wa.
"Ay, 'di pa pala kayo kasal?"
"Live-in pa lang kayo?" Sunod-sunod na tanong ng dal'wa. Ayss. Namimingwit 'ata tong dal'wang 'to, e.
"Magpapakasal kami, nag-iipon pa kasi si Drew. Sige't marami pa akong gagawin, Tina, Isay." Pumasok na ako sa gate na gawang kawayan. Hanggang pagpasok ko sa loob ng bahay, tuloy pa rin ang mga bulongan ng mga tsismosa sa labas.
Naku! Wala akong pakialam! Basta ako? Pera-pera lang. Papag-aralin ko pa ang sarili ko sa college! Bonus na rin kasi ang gwapo pa ng boss kong si Drew—suplado nga lang.
Naging busy ang araw ko. Nagpunta ako ng bayan at bumili ng mga kitchen organizers tsaka kunting utensils na rin. Mga grocery at bumili rin ako ng mini ref. Echos! Sino ngayon ang walang pera?
'Pag dating ko sa bahay tatlong tricycle ang convoy ko—gulat na naman ang mga bago kong kapit-bahay. Nilinis ko ang buong bahay—sanay 'tong katawan ko na banat ng boto.
"Yan.." Nagandahan ako sa kulay na aqua blue sa kurtina. Ang salas na gawa sa kawayan binilhan ko rin ng throw pillows na kasing kulay ng mga kurtina.
"Magluluto na ako dahil baka darating na si mister—este, si Drew." Mamaya nalang ako maliligo pagkatapos kong lutoin ang pakbet. Favorite ko 'to. Kakain kaya si Drew ng pakbet? Baka puro sosyal na pagkain ang alam nun!
Pagkatapos kong magluto diretso na akong naligo. Saktong natapos ako nang may kumatok sa pintoan. Dali-dali kong sinilip kahit naka-towel lang ako.
"Ay, hi, Essah! Heto't may lutong saging kami para sa'yo." Sina Tina at Isay, tsaka may tatlong kasama na hindi naman talaga ako ang sadya kundi ang mga pinamili ko sa loob ng bahay.
Sus! Ngumiti ako kahit gusto ko silang sarhan ng pintoan.
"Salamat sa inyo. Nag-abala pa kayo." Kinuha ko ang platong bitbit ni Tina.
"Ang ganda na ng bahay, a!" Puna ni Isay. Nginitian ko lang.
"A, magbibihis lang ako ha? Tsaka salamat sa saging." Isasara ko n asana ang pintoan nang may truck na pumarada sa labas. Si Drew na kaya yan?
"Uy, nandyan na ang mga asawa natin!" Takbong sinalubong nina Tina at Isay ang asawa nila sa labas. Magkatrabaho pa pala ni Drew ang mga asawa nila, ha.
Dali-dali akong pumasok sa kwarto at nagbihis ng damit. Maikling shorts at tube blouse ang pinili ko—ang init kasi. Bumili rin pala ako ng maliit na standfan para sa'ming dal'wa. Kagabi ang daming lamok tsaka ang init-init pa talaga!
Narinig kong pumasok si Drew at mukhang dumiretso sa banyo. Sa'n kaya siya nagtungo para magtrabaho? Matanong ko nga sina Tina at Isay. Bawal kasing magtanong sa damuho, e!
Saktong paglabas ko ng kwarto siya ring paglabas niya sa kwarto niya, sampay ang towel niya sa balikat niya. Ang mga mata niya ngayon ang sinusuri ang loob ng bahay.
Ngumiti ako at tinungo ang mesa para maghanda sa hapunan.
"Lumabas ka?" Yung tono talaga ng boses niya, e! Hindi pa pwedeng malumanay man lang? Yung, labs, lumabas ka ng bahay?
"Maganda ba? Ibinili ko ng gamit dito at grocery ang perang paunang bayad mo," Sabi ko sabay lagay ng plato sa mesa.
"What did I tell you, Essah? Ba't ba ang tigas ng ulo mo?" Heto na naman siya. "isang simpleng instruction hindi mo makuha? Are you stupid or what!?" Nagulat ako nang ibinagsak niya ang kamay niya sa mesa, dahilan para lumikha ng ingay. "nag-aral ka ba ng tama? I told you not to go out! Mahirap bang intindihin yun!?" O, nag-aral ba daw ako kasi hindi ko man lang makuha ang simpleng utos ng damuhong hari na 'to! Mapakla akong ngumiti.
Grabe ang effort ko ngayong araw na'to. Sa lahat naman, siya ang inisip ko kasi mayaman siya baka hindi siya komportable sa gan'tong set-up!
Tapos, insultohin ba naman ako?
"Alam mo, Drew—'di ko alam kung ba't ganyan kainit ang ulo mo sa'kin. Sabi mo, dapat akong mag-cooperate? Heto na nga, e," Naiinis na talaga ako rito. Sobrang napaka-antipatiko! "sabi mo, do your tasks here, anong gagawin ko kung wala man lang grocery? Anong lulutoin ko ngayon para sa'yo? Okay lang sana kung ako lang, sanay akong matulog ng walang lamang ang sikmura—e, ikaw?" Bahagya itong napakurap-kurap ngayon. O, kasi tinamaan ng katotohanan? Ka-supladohan lang rin ba ang alam niya?
"Tsaka sa insulto mo sa'kin kung nag-aral ba ako ng tama? Hah! Oo, ka-kagraduate ko lang ng senior high—natigil ako dahil wala akong pampaaral sa sarili ko pero nagawa kong itulak sarili ko para sa diploma ko! Kung maka-insulto ka sa'kin," Inis ko siyang dinaanan. Wala na akong ganang kumain. Uulitin ko, nakakatulog ako kahit kalam sikmura ko 'no! Nilagpasan ko siya saka ko sinara ang pintoan.
Kinuha ko ang dala kong entrance reviewer. Mag-ka-college pa nga ako, e! Gamit ang sarili kong sikap!
Hayss! Nakakainsulto talaga ang gago, e.. Wala naman talaga siyang pinagka-iba sa mga taong pilit akong dina-down sa mga pangarap ko—kesyo, anak-mahirap, kesyo, walang mga magulang, laking kalsada. Kung hindi nga lang siguro ako pinilit ni nanay Rosario na i-uwi sa kanila noong sampung taon ako, sa ilalim pa rin siguro ako ng tulay ngayon.
Gan'to ba talaga ang mga mayayaman?
Hindi ko minsan kinakaawan ang sarili ko—bakit ba?
Kaya kong buhayin ang sarili ko nang mag-isa. Lumaki akong ganun!
Wala akong kinatatakutan. Ma-diskarte ako sa buhay, alam ko yun!
Pero kung makapagsalita si Drew ng ganun?
Ang talas ng mga salita!
Parang may kasamang kutsilyo bawat tabas ang humihiwa talaga!
BINABASA MO ANG
Good Boys Gone Bad Series 4: LUST BULLET
RomanceThe last series of Good boys gone Bad, Alessandro Dela Verde & Ace Montereal