♠ Chapter Eight ♠

1.5K 38 2
                                    

Chapter Eight

Ace:

Alam kong nakatitig siya sa'kin ngayon, sobrang init na ng likuran ko—ibinalot ba naman sa'kin tong mabangong jacket niya? Ayss.. Hindi niya talaga type ang fashion ko, e.

Walang ibang bisita sina Nelson at Tina, binati namin ito nang dumating kami. Simpling handaan at inuman ang meron. Mukhang mapapasubo 'agad si Drew sa inuman, katatapos lang kasi naming maghapunan.

"O, pre, kung ako sa'yo—bukas na bukas din pakakasalan ko na si Essah! Ang dinig ko, ang daming gustong manligaw sa syota mo.." Lumaki ang mga mata ko sa sinabi ni Nelson ngayon na 'agad namang sinang-ayunan ni Tina. Nandun din sina Marlon at asawang si Isay—ano 'to, couple date?

Hindi ko tinapunan ng tingin si Drew kahit alam kong nilingon niya ako ngayon. Magkatabi kaming dal'wa syempre, at ang init-init talaga ng balat niya habang nakadikit sa binti ko. Alangan namang ilalayo ko ang sarili ko?

Magdududa ang mga 'to!

Nagulat ako ng dumantay ang isang braso niya sa balikat ko, nakapulupot ngayon sa'kin. "Ganun ba? Papayag ka ba, Essah 'pag may nanligaw sa'yo?" H-Ha? Napatikhim ako dahil hindi ko talaga naihanda ang sarili ko sa dula-dulaan naming ngayon!

Ngumiti ako. Napilitan akong tumingin sa mga mata niya ngayon. "H-Ha? Ipagpapalit ko ba naman ang gwapong my labs ko—syempre, hindi 'no!" Kinurot ko siya sa pisngi at dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin ngayon—nabigla ako sa sarili ko nang halikan ko si Drew sa pisngi!

Ay, sheytt!

Dula-dulaan nga 'di ba!?

Ito naman talaga ang role ko, 'di ba!?

Pero ba't gan'to? Nakaka-praning sobrang bilis ng tibok ng puso ko! Napalunok ng ilang beses si Drew—nati-tensyon din ba siya? Ang dami kasing mga matang nakatingin, e!

Mukhang ito na nga ang totoong job description ko.

"E, kailan mo nga daw ako pakakasalan, labs?" Patuloy ko. Alam kong naghihintay ng sagot ang mga tenga sa paligid.

Humigpit ang pagyapos ng isang braso niya sa balikat ko dahilan kung bakit inihilig ko rin ang ulo ko sa balikat niya.

"Sa unang sahud ko at imbitado kayong lahat, mga pre." Sabi niya sabay inom ng lambanog. Ganun din ako—tinungga ko lahat ang laman ng baso ko. Nagkakarera ang mga kabayo sa dibdib ko ngayon habang nakahilig sa braso ni Drew sabay yakap naman niya sa'kin.

E, papakasal daw kami sa unang sahud niya?

"Kasya naman yang unang sahud mo, Drew?" Hindi ko napigilang hindi ibulong sa kaniya ngayon. Balita ko kay Tina nagsasaka si Drew sa isang hacienda kasama ng asawa niya. Kakasya naman kaya ang unang sahud niya?

"Just shut-up," Ganting bulong niya sa'kin! Ang lutong ng 'shut up', ah! Pero ngumiti ako dahil sa mga taong nagmamasid sa'min ngayon—e, nagtatanong lamang naman ako!

"Ay, ang sweet naman talaga ninyong dal'wa!" Si Tina sabay kuha sa baso ko at nagsalin ng likido. Umayos na ako upo pero yung balikat ni Drew, nakadantay pa rin sa'kin!

Ibinigay ni Tina ang baso ko. Mukhang nauhaw ako sa tensyon—tinungga ko ulit.

"Naku, Essah. Gwardyahan mong mabuti si Drew kasi sabi ng mister ko—mukhang type ni seniorita Amanda!" Oh? Sino naman si Amanda? At anong pakialam ko kung type siya ni Amanda?

"Naku, ang malditang yun?" Umarko 'agad ang kilay ni Isay ngayon. Saglit akong tumingin sa mga asawa ng dal'wa at mukhang nagpapalitan ng mga tingin—nabuko tuloy na may lintang kumapit kay Drew sa sakahan..

"Ay, Oo, grabe nga daw kung makatingin kay Drew at parang laruan lang na inamoy-amoy," Ha?! Talaga lang ba? Na-iimagine ko kung paano ginawa ni Amanda yun kay Drew, a!

"Inamoy-amoy?" Ulit ko habang tinapunan ng tingin si Drew ngayon na pulang-pula ang mukha. Gusto ko tuloy'ng matawa!

Pero mukhang hindi nakakatuwa ang pangalan na Amanda, e.

"'Wag kang makinig sa kanila," Bulong niya sa'kin.

"Sino ba 'tong si Amanda?" Tanong ko kay Tina. Kunyare, nagseselos ako! Hmp, e, baka naman magduda sila dahil wala lang akong reaksyon 'no.. Kaya dapat, nagseselos ako ngayon..kunyare!

"Siya ang nag-iisang anak ni Mayor Topaz, kung saan din sila nagsasaka ngayon sa hacienda ng mga Topaz. Naku, sobrang maldita ng babaeng yun!" Si Marlon ang sumagot. Ah, anak ng mayor pala kaya pala ganun nalang kung umasta kay Drew.

"Kung makautos para bang isa kaming mga hayup, pero mukhang nagbago ang hangin kanina nang Makita si Drew," Ah, ganun? So, type si Drew?

"at may bagong trabaho si Drew bukas, yun ang sinabi ni seniorita bago umalis." Umarko ang kilay ko, talaga ba?

"Naku, Drew, my labs, ha! Nagseselos ako sa Amanda mo.." Sabi ko sabay maktol, kunyare!

Ayss, part of my job nga 'di ba?

So, kunyare talaga, e, nagseselos ako ngayon..

Pero si Drew, hindi naka-imik!

Good Boys Gone Bad Series 4: LUST BULLETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon