♠ Chapter Seven ♠
Ace:
Anong problema niya?
Basta-basta nalang akong hinila patungo dito sa kusina!
Mabagal kong nginuya ang pagkain ko. Bago pa siya dumating, ready na lahat ng kakainin niya. Wala rin akong balak makisabay sa kaniya dahil naiinis pa ako sa mga sinabi niya kagabi!
"What are you studying?" Tanong ni Drew sa'kin ngayon na medyo ikinagulat ko. Nagtatanong siya? Tss. Uminom ako ng tubig bago nagsalita.
"Bawal akong magtanong ng tungkol sa'yo kaya bawal ka ring magtanong ng tungkol sa'kin." Sabay irap ko sa kaniya ngayon. Umarko ang kilay niya at itinuon ko ulit ang pansin ko sa pagkain. Preskong-presko siya ngayon—e, kahit naman hindi, ang gwapo talaga! Nakakatakot titigan dahil parang nakaka-magnet—hinihila ka patungo sa kaniya.
"Is it? The only difference is, I am your employer. Pwede kitang hindi bayaran—"
"Joke lang!" Ayst! Blackmail ang labanan, e! Ibang usapan na 'pag pera talaga. Marami akong planong panggagamitan sa bayad niya 'no!
"College entrance exam. Kaya ako nag-re-review," Sabi ko rito. Nagkatinginan kaming dal'wa. Hindi 'ata siya naniniwala, e. Bakit? Akala talaga niya wala akong pinag-aralan? Umayos ako ng upo at taas-noo kong tiningnan siya. "Just graduated from Senior High school—dahil nag-aral ako ng tama kahit kapos ako sa budget." Hmp! Tinapos ko na ang pagkain ko saka ako tumayo. Nawalan ako ng gana—bumalik ang eksena kagabi na sobrang galit siya sa'kin. Pinagsalitaan ba naman ako ng ganun! Hinugasan ko na 'agad ang plato ko. Kapag nandyan siya—naiilang akong gumalaw ng Malaya. Ayst!
Baka kasi, mali na naman ang magawa ko. Ay, hindi baka tama para sa'kin—mali para sa kaniya. Ay ang gulo! Ang gulo niya, promise!
Basta, trabaho lang 'to! Alam kong kelangan kong sumunod at tama siya dahil siya naman talaga ang boss ko—siya ang magpapasweldo sa'kin. At kelangan ko ng pera ngayon..
"Ace," Tawag niya sa'kin ulit bago pa ako makapasok sa loob ng kwarto ko. Naninibago tuloy ako sa kaniya!
Nilingon ko siya. Tumayo na rin pala siya at iilang dipa lang ang layo mula sa'kin. Sinundan niya ba ako? Assuming ka 'te!? "I'm sorry about yesterday's night—I mean, just don't do it again." Tama ba 'tong narinig ko? Nag-sosorry siya sa'kin dahil sa nangyari kagabi? Wow ha! Marunong pala? Umarko 'ata ang kilay ko—hindi ko mapigilan.
"Ako na ang mag-go-grocery and buy other stuffs." Tumango-tango nalang ako. E, 'di, okay—walang problema sa'kin! Mas mabuti ngang siya nalang kasi baka hindi niya gusto yung mga grocery ko—alam naman niyang pang divisoria lang ako..
"Ah, okay.. Sabi mo, e! Wala yun, sige, una na ako." Sabi ko saka pinihit ang pintoan. Kelangan ko pang tapusin yung review quizzes malapit nalang at tapos na talaga ako.
"Uhm, hindi ka kumain ng lunch kahapon? And you skipped dinner—'wag mo ng ulitin. You'll get sick," Natigil ang mga paa ko nang marinig ko ulit siyang nagsalita at sinabi yun. At dahil nakatalikod ako rito, napangiti ako. Ang sweet niya naman pala, e!
"Opo, kuya.." Sabi ko rito saka tuloyang pumasok sa kwarto ko. Hindi ko pa rin maalis ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Ang tamis sa tenga, e! Sana araw-araw siyang ganito—walang tupak!
Alessandro:
I knew I got my chinky eyes! The hell? "Kuya? Me? Tss.. That brat." She got inside her room and I was here left standing and felt pressure. I just said my sorry to her—well, I should, right? I got bad impulse last night—telling her sh*ts and then found out what she been doing for the entire day.
Then I heard knocks outside. "Magandang gabi, Drew! Pre, si Nelson 'to.." Napatingin ako sa orasan. It was still quarter seven in the evening. Yet usually, people in the country side in this hour were already settled in their homes—I was wondering kung anong ipinunta ni Nelson dito.
I opened the door. Nandun nga ito at naghihintay.
"Magandang gabi, Nelson. Napadaan ka?" Dal'wang bahay lang yata ang layo ng bahay nito sa'min.
Napakamot ito sa batok. "E, birthday ng misis ko—aayain ko sana kayong dun sa bahay kumain, naghanda kasi si misis. Halika, isama mo na rin si Essah," Aya ni Nestor ngayon. My eyes went back to Ace's room—the door was tightly shut. And she just told me she was studying for her college entrance exam. Mukhang seryoso din naman talaga.
"We're—kakatapos lang naming maghapunan," Sh*t! This tongue almost slipped the hell of me.
"A, ganun ba, pre. Nag-hihintay kasi si misis, nagpunta siya dito kanina pero mukhang busy si Essah." I nodded and gave him assurance. Well, what's a respect for?
"Susunod kami, pare." Sagot ko. Pero hindi ako sure kung sasama si Ace.
"Talaga? Naku, matutuwa asawa ko, sige't sasabihin kong pupunta kayo, ha?" Then Nestor left the house. Kaagad akong bumalik at kumatok sa labas ng pintoan ni Ace.
"Ace?" I thought she locked the door. Pero pinihit ko pabukas nang hindi siya sumagot. "Hey," Medyo nilakasan ko ang boses ko for her to hear me—she was again listening to music.
Nagulat itong tumingin.
"I need to disturb you in a bit, pupunta tayo kina Nelson," Kaagad kong sabi. I didn't want her to presumed things dahil kanina pa ako katok ng katok sa pintoan niya!
"Bakit?" Bumangon ito at inayos ang sarili.
"Birthday ng asawa niya. I was supposed to decline the invitation pero mukhang naghanda para sa'tin—they expected us to be there," I explained. Of course, naghanda ang mag-asawa at nakakahiya naman kung hindi kami pupunta. Well, I heard that's a sign of courtesy and respect when your're living in a countryside or province.
"Sige, magbibihis lang ako saglit," Ace decided. Akala ko she'd declined. I saw books on the floor and she was seriously studying to pass this test. I wonder why her bag was heavy—yun pala dahil sa mga reviewers na bitbit.
I thought I'd wait long for her to fix herself but I was surprised, ang bilis niyang magbihis. Well, girls that I dated usually took hours to prepare themselves though I didn't do waiting. Hell no.
"Tara," Simpling sabi ni Ace ngayon and closed her door. But my mind swirled crazy looking at her tank top and high-waist shorts!
"What are you wearing? Wala ka na bang ibang damit maliban dyan?" Yes, nagrereklamo ako ngayon. I always thought about those guys outside who'd thought about the same as my f**king green-minded brain!
She raised her brows. "E, anong problema sa suot ko, Drew? Birthday naman ang pupuntahan na'tin, 'di ba? Okay na 'to! Tsaka, komportable ako—" Damn it, here we go again! Tinanggal ko ang leather jacket na suot ko ngayon—I wrapped it around her shoulder without preamble or even permission from her. Napaiktad ito sa gulat.
"Wear this jacket, let's go." I heaved my deepest sigh. E, ano nga naman ang pakialam mo sa damit niya? Napalunok ako ng ilang beses tuwing natitigan ko ang katawan niya—damn it, I f*ck models or women with high reputation—but here I was, clearly having lustful mind over this..this not-so-woman yet! Urg!
BINABASA MO ANG
Good Boys Gone Bad Series 4: LUST BULLET
RomanceThe last series of Good boys gone Bad, Alessandro Dela Verde & Ace Montereal