♠ Chapter Eleven ♠
Ace:
Hanggang sa matapos ko ng labhan ang mga damit ni Drew, sa inis ko pa rin sa lalake dahil sa mga sinabi nito sa'kin kagabi—gusto ko ng ipaanod sa ilog ang mga damit niya, e.
Sinasadya ko daw na magdamit ng gan'to para matukso siya? Hah! Asa siya! Oo, inaamin ko naman talaga, nang magsabog ang Diyos ng kagwapohan, eh, sa malas nasalo ni Drew lahat!
Pero, feelingero talaga ang gago, eh. Pati ba naman pananamit ko, issue pa sa kaniya!
Maingat kong ipinatong ang palanggana sa ulo ko at nang tatawid na sana ako sa mabatong kalsada, ay, bwesit!
"Hoy! Ano ba, gago ka, ah—bulag ka!?" Napaatras ako bigla pabalik dahil sa muntikan akong masagasaan ng isang itim na kotse—aba't! "Bwesit! Ang mga nilabhan ko!" Huli na talaga nang ma-realized kong natapon lahat ng mga damit. Ayss!
Umuusok ang ilong kong nilingon ang bumaba mula sa kotse.
"Miss, sorry, let me help, sorry talaga—I was not looking at the road," Ha! Itinuro ko ang mga damit na madumi na ulit. Kulang na lang talaga magkaroon ako ngayon ng sungay at buntot sa inis ko rito. Bakit ba ang daming mga tangang gwapo ngayon!?
E, gwapo din ang isang 'to tatanga-tanga nga lang!
"Let me help mukha mo, kita mo 'to? Nilabhan ko pa 'to sa ilog dahil walang tubig, hay naku." Akma ko nang pupulutin uli ang mga damit pero naunahan na ako ng lalake. Sobrang bilis ng mga kilos nito at kinuha pa ang palangga mula sa'kin.
"Tutulongan kitang magbanlaw—I'm so sorry, I got distracted. Okay ka lang ba?" Sabi niya ngayon sa'kin pero inarapan ko lang siya at binawi rito ang palanggana ko.
"Hayst!" Tinalikuran ko siya at nagmartsa pabalik sa ilog. Mukhang pinuno ako ngayon ng malas—paano ko pa kaya mapapasa ang entrance exam sa gan'tong lagay? Grr..
"Wait, Miss, let me help!" Nagulat ako nang kunin na naman niya uli sa'kin ang palanggana na ipinatong ko ngayon sa ulo ko. Sambakol ngayon ang mukha ko na nakasunod sa lalake na ngayon ay naglalakad patungo sa ilog.
"E, bahala ka sa buhay mo," Kasalanan mo naman, eh, bahala ka nga! Taga rito ba siya? Mukhang kabisado ang daan pababa sa ilog..
Sa pananamit niya, halatang mayaman. Pero hindi siya maarte ha? In fairness, magaling siyang kumusot ng damit. "E, ba't ka tatanga-tanga?" Naiinis kong tanong sa kaniya habang pinapanood ko siya. Basa na rin ang sapatos at maong niya ngayon pero mukhang wala siyang pakialam.
"I was, err, not paying attention on the road, sorry ulit." Saktong natapos na ito. Tumango nalang ako.
"Tama na yan, okay na. Uuwi na ako," Pero ito pa rin ang nagdala ng mga nilabhan ko.
"Ihahatid na kita, I'll give you a hand for this." Ha? Naku, ha! Umiling-iling ako. Baka kung ano pang sabihin ng mga tsismosang kapit-bahay, e! Naku, alams na mga galawan ng mga tsismosa..
"Ay, 'wag na, kaya ko—"
"Just let me pay the trouble I have caused you today, Miss?" Talaga lang? Pero totoo naman, sobrang trouble talaga ang ginawa niya dahil marami na sana akong natapos na Gawain sa bahay ngayon.
"Essah,"
"I'm Zen, it's nice to meet you." Kahit nakatalikod ito sa'kin alam kong nakangiti ang lalake. Matangkad din siya, pero mas matangkad pa si Drew rito. Pero kung gwapo ang pagbabasehan—magka-level ang pagka-artistahin ng dalawa.
"It was not nice meeting you, nakapagluto na sana ako ngayon," Tahasan kong sagot rito. Totoo naman talaga.
"Ang sungit mo, Miss Essah but I deserve it naman.." Hmp, tse! Inarapan ko lang siya sa sinabi niya. Nasa kalsada na uli kami at sana lang talaga—walang mga makakating bibig ngayon.. Baka kung anong balita ang sabihin kay Drew, e—tse, as if na may pakialam din yun?!
***
Alessandro:
My foot stepped the car's brake when I noticed Essah along the road. Is that her?
"Essah?" And who's the guy with her? Nag-uusap ang dalawa habang bitbit ngayon ng lalake ang isang palanggana—the hell. Kumulo ang dugo ko!
"Why are we stopping, Drew?" Amanda here was clueless nang iparada ko ang kotse nito. I unbuckled my seatbelt—wala akong pakialam if she'd fire me after this. Bumaba ako bringing this fury.
"Hey—" I heart Amanda before I shut the car's door.
"Essah!" I called her. She was heeding to our house now with this guy. Saktong nakapasok ang dalawa sa loob ng gate—when I caught her arm with her widened eyes staring at me.
"D-Drew? Anong, ba't ka galit?" I sensed fear now.
"Ba't may lalake kang kasama? Sa'n ka galing?" Umabot na ulo ang kulo ng dugo ko ngayon—I didn't f**cking know why I felt real infuriation! As if, I really loathed what she did today—what if I had not caught them? Sa'n sila pupunta at ano ang gagawin nila!? The f**k!
"Bro, kasalanan ko, I almost bumped her on the road—"
"Shut the f**k up! Hindi kita kinakausap!" I roared at this young guy in front of me—I wanted to put a gun on his head, matagal na ba silang nagkikita!? Nagsukatan kami ngayon ng tingin habang hawak ko pa rin ang braso ni Ace.
"Hoy, tumigil ka nga, Drew. Nakakahiya din sa taong tumulong sa paglaba ng mga damit mo 'no?" Pumiksi siya, out of my grip now and I f**cking hate the feeling. What's wrong, idiot?!
"Yet still, it's my fault. Kasalanan ko kaya ko siya tinulongan bitbitin ang mga nilabhan niya.." To hell I care?!
"Zendrei? What on earth are you doing here?" Amanda followed and I didn't anticipate that she knew this guy.
"Pinsan, same question to you. Anong ginagawa mo rito?" They're f**cking cousins, huh?
Ace:
Sumunod si Amanda, ba't magkasama sila ni Drew? Sobrang iksi pa naman ng damit ng babae!
"This is my new bodyguard, si Drew. Hello again, Essah.. Magkaibigan pala kayo ng pinsan ko?" Hindi ko alam kung ngingiti ako sa kaniya o sasapakin ko na mukha niya!
Bodyguard na rin niya ngayon si Drew? Hindi man lang talaga niya sinabi sa'kin? E, sino ka naman sa tingin mo, Ace!?
"I see, pupuntahan sana kita sa mansion to personally invite you. It's my birthday, at the resort, okay?" Dinig kong sabi ni Zen pero ang mga tingin ni Drew sa'kin ngayon ay nagbabaga. Ang sakit din ng pagkakahawak niya sa braso ko kanina!
Ang galing ng acting ng gago!
Masyadong ginalingan.. Totoong totoo!
"And I'd like to invite my newly friend here, Essah and your new bodyguard to come tonight." Sakai to bumaling sa'kin. "And again, sorry talaga, Miss Essah. I'll go now, I'll see you all later." Paalam ni Zen sa'min. Sumunod na rin si Amanda rito pero nanatiling nakatayo si Drew sa tapat ko.
"Drew! Let's go!" Mando ni Amanda na siyang bagong boss nito. Kaagad na rin akong tumalikod at pumasok sa loob ng bahay—napalunok ako ng ilang beses.
Hayss, Ace!
Trabaho lang 'to!
Huwag na huwag mong seryosohin ang mga acting skills ni Drew sa'yo—baka akala mo talaga na totoo yung pagseselos niya kanina, ha?!
Talagang tumigil siya para sundan kami ni Zen?
BINABASA MO ANG
Good Boys Gone Bad Series 4: LUST BULLET
RomanceThe last series of Good boys gone Bad, Alessandro Dela Verde & Ace Montereal