♠ Chapter Thirty ♠

1.2K 33 2
                                    


Chapter Thirty

Ace:

Three years ago.

"Igapos niyo yan dyan ng patayo." Kahit saan pa ako magtago—the organization could hunt me, dead or alive.

I couldn't say anything kasi naka-duck tape ang bibig ko ngayon habang kinaladkad ako patungo sa gitna. Both of my hands were being tied up—alam ko na ang gagawin nila sa'kin.

"Boss, ang ganda nito, ah—sayang naman kung papatayin kaagad." Pilit kong kinalma ang sarili ko ngayon—I knew I was hell ready to die. Pero hindi sa paraang pagsasaan pa nila ang katawan ko bago nila ako patayin.

They hired animals!

Nilapitan ako ng isa, nakabonnet, made sure I wouldn't kill him when they missed tonight. May tatlong tao sa loob ng kwarto. All were men as I perceived them all.

"Sabi ni boss, bigyan ng magandang leksyon ang babaeng 'to." He then ripped my upper shirt off my body. I screamed by saying "f*ck you" but no words came out. Nagtawanan silang lahat. Saka ko naramdaman ang hapdi ng bawat latigo na tumatama sa likod ko.

The other man was even filming my agony.

"Ano bang kasalanan nito?"

"Ang alam ko, hindi niya pinatay ang target niyang si Alessandro Dela Verde."

***

My memory ends there. Wala ng kasunod—that was the answer kung bakit meron akong mahahabang peklat sa likod ko.

Siya ba si Alessandro Dela Verde?

He was supposed to be my target? Ibig sabihin, I was a hired assassin? Kaya ba niya ako pinipilit na paaminin kung ano ang tunay kong pakay dito sa isla?

"May kilala ka bang Alessandro Dela Verde dito sa isla, boss?" Tanong ko sa guard na kumakain ng kaniyang snacks sa labas ng Cabana sa isla Cuatros. Saglit itong tumigil saka natawa at napailing.

"Miss, hindi mo kilala ang may-ari ng isla?" Ha? May-ari? Hindi ako sure kung siya nga si Alessandro—pero malakas ang kutob ko, eh..

"He-he, joke lang, boss. Nasaan kaya si sir Alessandro ngayon?" Sabi ko habang patingin-tingin kunyare sa labas ng Cabana. Ang daming mga turistang pumapasok sa Cabana—isang luxury club ng isla.

"Nakita ko si sir Alessandro na kakapasok lang sa loob, pupunta yun sa exclusive suite nila." Tumango-tango ako saka nagpasalamat dito. My timing was good, huh? Kung saan ako nagtanong dun din pala siya.

Nagtanong uli ako sa mga waiter kung saan ang suite. Pinagpag ko pa ang suot kong high-waist na maong saka nagsuot din ako ng strap. I pony-tailed my hair at ewan ko ba kung ba't gan'to ang attire ko ngayon.

Hindi naman pala ganun karami ang tao sa loob. Huminto ako sa isang kwarto na bukas ang pintoan, hindi ko naman akalaing may tao pala dun.

"Sabi mo sa'kin, gusto mo ako, right? I still hold on to that, Alessandro or you just said that to me coz we were f*cking eachother?" Alessandro, siya ba yang lalakeng nasa harapan ng babae't nakaupo? Yes, it was him! Siya nga si Alessandro—his eyes were blazing habang nakatingin sa direksyon ko ngayon pero humakbang ang mga paa ko ngayon palayo sa suite, palabas ng Cabana.

While I was walking to the direction where hindi ko alam kung patungong dorm o hindi—that woman's line, it echoed.

"Ace?" Boses ni Erik. Nilingon ko ito kaagad at dahil nasa tapat ako ng poste, naaninag niya ako.

Bitbit nito ang bag nito at isang supot ng pagkain kung hindi ako nagkakamali.

"Congrats! Na-promote ka daw 'agad? Ba't hindi mo man lang sinabi sa'kin—nagtatampo ako," Sinong na-promote? Kumunot ang noo ko sa sinabi niya saka sabay kaming naglakad pabalik ng dorm, mabuti't nasa tamang daan pala ako pabalik.

"H-Ha? Sinong may sabi?" May bigat sa damdamin ko ngayon—that scene. Girlfriend niya ba yung babae kanina? Sobrang prangka ng mga sinabi niya—may nangyayari na pala sa kanila?

Ano't sinabi niyang asawa niya ako? Sobrang dami kong mga tanong na gusto ko ng masagot! Hindi lang naman siya, ah!

"Naku, balita sa buong restaurant 'no. Kinuha ka raw na personal secretary ng isa sa mga may-ari ng mga isla dito," Hindi ko mapigilang hindi umarko ang mga kilay ko. Personal secretary? Ba't hindi ko 'ata alam yun! Pero may kutob na ako..

"Sino daw?" Tanong ko kay Erik.

"Ayst, si sir Alessandro Dela Verde! Kaya pala ako tinawag ni boss kahapon.." Kaya bumalik sa restaurant si Erik? And that was the time he abducted me. He planned everthing para madala niya ako sa isla, mapaamin, pero wala din naman siyang napala!

Dumating na kami sa dorm at wala pa akong planong pumanhik sa kwarto ko. Dahil sa pagod si Erik buong araw nagpaalam na ito na magpahinga ng maaga—nasa kabila ang dorm ng mga lalakeng empleyado dito.

Bago ako pumanhik bumili ng canned beer sa labas. I thought I need this to sleep. Nakakainis ang mga nangyari sa'kin ngayon.

But memories were slowly stimulating nang dahil sa kaniya.

Ako lang mag-isa sa kwarto ko, I drank this beer sabay hubad sa jeans kong suot. What was I thinking? Well, gusto ko lang na e-sure kung siya nga ba talaga si Alessandro that I remembered in that abrupt memory.

Alessandro Dela Verde, my husband, his assassin.

Kaya siya galit na galit sa'kin.

But I chose not to kill him. Kaya galit ang mga taong yun sa'kin—they caused these scards behind me!

Good Boys Gone Bad Series 4: LUST BULLETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon