Love Struck Volume 1
❦Tag Love❦
Kevin's POV
Kumatok ako ng tatlong beses bago pinihit ang seradura at unti-unting itinulak ang pinto. Unang dumako ang aking mga mata sa babaeng nakaupo sa paanan ng kama. Nakahawak ang dalawang kamay nito sa isang tablet suot ang puting t-shirt at pajama na may nakalagay na logo ng establisyamento. Nakalugay naman ang hanggang balikat nitong kulay copper na buhok. Nang makilala ako'y sumigla ang kanyang mukha't ang mala-dyamanteng kulay abo niyang mga mata'y tila kumislap. Mabilis niyang itinabi ang tablet at tinakbo ang distansya sa pagitan naming dalawa. Mabuti na lang at tinanggal na iyong karayon na nakaturok sa ugat nitong isa kundi malaking problema iyon 'pag sakali.
"Kerson!" Tawag niya. She swung herself right into my arms wearing her usual cheerful expression.
"Masaya akong makita ka ulit pero hindi ka maaring ma-stress," nag-aalala kong sabi.
"Your hug is enough stress reliever for me, Kerson."
"Ang kulit mo talaga. Mana ka talaga kay Paul."
Nakayakap man ngunit inangat niya ang kanyang ulo upang tumingin sa akin. "I'd rather be like you than that playboy wanna be. Yuck!"
Napatawa sa kanyang sinabi hindi mapigilang guluhin ang kanyang buhok. "Kahit kailan ka talaga."
Tuluyan naman itong lumayo upang iwasan ang kamay ko. Inaya ko siyang umupo ulit at inilalayan siyang umakyat sa kanyang kama. Naka-indian sit ito habang ako nama'y tumungo sa lamesa. Inilapag ko ang bitbit kong plastic bag at iniisa-isang kinuha ang mga prutas papunta sa bowl. Kahit nasa prutas ang aking paningin ay narinig ko ang pagbubuntong hininga ni Mandie. Natigilan ako't napalingon sa kanya. Sa oras na nakita niya ako'y tila guilty na napailing ito.
"Bakit?"
"It's just that..." Mandie tap her index finger together and had this little pout while staring at her left. "You always had this worried look on your face everytime you visit me. Iniisip ko kasi baka kinukuha ko na ang oras mo para sa gusto mong gawin."
"Hindi iyan totoo."
"I know." Frustration can be seen to her face when she gaze at me. "Sabi mo kasi pero iba naman ang nakikita ko sa iyong mukha."
Kinuha ko ang isang orange at lumapit sa kanya. Umupo ako sa kanyang tabi habang binabalatan ang prutas. "Masyado ka lang mag-isip."
"Nakokonsensya kasi ako. Simula kasi no'ng bumalik kayo rito sa bansa sa halip na samahan kita mamasyal nandito ka't kasama ko nakakulong sa apat na sulok ng kuwartong ito. I sincerely apologise for being a nuisance."
"How silly. Kailanman hindi ko iniisip iyon. Hindi ka abala, Amanda, and you will never be a nusiance. In fact, I'm happy to be here."
"With me?"
"With you." Saka kinuha ang isang piraso ng orange na tapos ko lang balatan at ibinigay ito sa kanya. Imbes na kunin niya ito'y mabilis niyang kinagat ang prutas na hawak-hawak ko pa. Tuloy nagmukhang sinusubuan ko siya. Iyon naman ang eksenang nasaksihan ni Paul nang buksan niya ang pinto.
"The heck? This is an ospital. Maghanap kayo ng pribadong lugar kung maghaharutan lang naman kayo."
"At nandito na naman ang buwesit."
"Anong sinabi mo?"'
"Try telling what you just said to yourself."
"Ikaw--"
BINABASA MO ANG
Love Struck
Roman pour AdolescentsLove moves mysteriously. When love struck their way to somebody you can't either hide or run. Whether you choose to accept that feeling or deny it, it will just grow within. Happiness and sadness will experience. New things will discover. Makakaya k...