Love Struck Volume 1
❦Tag Love❦
Sirien's POV
Kinabukasan, isang pagkatok ang gumising sa akin. Dahan-dahan akong bumangon habang kinukusot pa ang aking mga mata. Binuksan ko ang pinto at mukha ni Nanay Celine ang nakita ko.
"'Nak, mag-ayos ka na."
"Bakit po, nay?" Napahikab ako. Nako. Inaantok pa talaga ako. Anong oras na ba? Oh well, we don't have any classes today so it's okay to wake up late.
"Magtatanghali na, oy. Saka may naghihintay sa 'yo sa baba."
My eyebrows formed a single line. Matapos kong makausap sila Gabby through video call upang ikwento ang escapades ko kahapon wala naman silang sinabi na bibisita sila ngayon. May lakad nga ang mga iyon, e. "Who?"
"Hindi ko kilala pero g'wapo." Bulong niya sa akin. G'wapo? Napasinghap ako. Lumabas ako sa k'warto at dinaanan si Nanay Celine. Mabibilis ang paghakbang ko patungo sa hagdan at sa ibaba'y nakita ko ang nilalang na tinutukoy ni nanay.
"Hi." Bati niya sa akin. I-I can't believe it. Ang buong akala ko talaga'y hindi niya totohanin ang sinabi niya kahapon. Oo, nag-eexpect ako. Sino naman kasi ang hindi 'di ba?
"Good morning, Kevin."
"Nak, mag-aala una na." Bulong ni Nanang Celine sa tabi ko. Ngiwing napangiti ako. Ghad!
••••
''Miss Samonte?'' Agad napaangat ako ng ulo. Hala patay. I am so pre-occupied with something to the point of not listening to my surroundings.
"P-Po?" Kagat labi kong sagot.
''Are you okay? Namumutla ka," he said and I was relief when I saw him smile and explain why he called me. Akala ko pa naman, e. Kinabahan ako ro'n.
''I'm alright, sir."
''Okay,'' sabi niya. Ngumiti siya sa akin at dinaluhan naman ang kaklase kong abalang-abala sa sinasagot naming pop up quiz. Umupo na rin ako ng maayos pagkatapos no'n. Tiningnan ko ang orasan at dalawampung minuto na lang at dismissal na.
''So students should we check your works?" Ganoon na lamang ako napatawa nang maraming umapila. "O, sige. Sige. We'll do it on the next meeting. Alright now please don't forget the things I want you to bring next week. Now you guys can go.'' Matapos masabi ni sir ang magic words ay agad nagpaalam kami. Tumayo ang mga kaklase ko at lumabas ng room.
Naglalakad lang ako sa hallway, pangalawang araw ngayon sa first semester at third year college na ako. Time flies ika nga. Kagaya lang ng pagdaan ng bakasyon kasama si Kevin. Sometimes he'll fetch me and sometimes we'll met at a certain place. The moments we used our vacation together is priceless. Hinahangad ko lang na hindi magbago lalo na't dalawang araw bago magsimula ang pasukan ay wala akong balita sa kanya. Hindi ko rin kayang i-text siya kasi nahihiya ako. Ngayon, kung sakaling magkita kami magbabago kaya ang trato niya sa akin? Napabuntong hininga ako. Sana hindi.
''Rein!'' Napatalon ako sa gulat.
''O, Carl. Bakit?'' Tanong ko kay Carl habang sinasapo ang dibdib ko.
"Mamaya magkita tayo sa Zen Garden may surpresa ako sa iyo."
"Four pa ang vacant ko."
"Ayos lang. Four o'clock sa Zen Garden."
"Sabihin mo na lang iyong tinutukoy mo, Carl."
"'Di na iyon surpresa kung sasabihin ko sa 'yo."
BINABASA MO ANG
Love Struck
Teen FictionLove moves mysteriously. When love struck their way to somebody you can't either hide or run. Whether you choose to accept that feeling or deny it, it will just grow within. Happiness and sadness will experience. New things will discover. Makakaya k...