§
Carl's POV
Palabas na ako no'n sa classroom nang maalala ko ulit ang nakangiting mukha ni Gabby. Umuna kasi siyang lumabas kanina. Pinabayaan ko na lang din. Naiintindihan ko pang medyo magulo ang utak niya ngayon dahil sa ginawa ng lalaking Jimmy. Ramdam na ramdam ko rin ang sakit sa pangyayaring iyon kahit wala akong kinalaman sa pagtatalo nila. Kung sabagay sa isang relasyon masakit ang parteng ito. Nagsimula sa pagkakaibigan naging magkasintahan at uuwi lang sa hiwalayan. Hanga rin ako kay Gabby kasi nagagawa niya pang tumawa't makipagkulitan kahit halatang nalulungkot siya. Kung ako iyon ay magkukulong talaga ako sa aking k'warto't hindi lalabas hanggang sa maging maayos na ako.
Hindi ko naman mapigilan ang sariling mapakamot nang maalala ko ring ang unang naging kaibigan ko matapos kong makapagtransfer rito'y mga babae pa. Kung nandito pa siguto iyong si Paul nakangising aso na iyong lokong iyon. Aasarin ko nga. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at gumawa ng mensahe sa group chat naming apat.
Pumili ako ng picture sa gallery kung saan naggroufie kaming apat. Bago ko s-in-end ay naglagay ako ng Meet My Friends bilang caption.
Natatawa na lamang ako kay Paul nang sabihin niyang ang s'werte ko raw. Nagbanta pa na sa oras na magkita kami ay makakakuha ako ng mag-asawang kutos.
Bumanat naman si Shawn. Ipakilala raw namin sila. Natatawa na lang talaga ako sa sinabi niya. Nagsend naman ng emoticon si Kevin. Nireplyan ko sila na magtransfer na kasi rito. Inulanan anman ako ng crying emoticon ni Paul. Lokong iyon. Ibinalik ko na lamang ang phone ko sa bulsa at tuluyan na ngang nakalabas sa building.
Napasapo ko naman ang ulo ko nang may maalala ulit... nakalimutan pala. Hindi kasi namin napag-usapan ni Rein kung saan magkikita. Paano na 'to? Wala pa naman akong number sa kanya. Ang lawak pa ng university.
''Hey." Napalingon ako sa tabi ng pinto. Nakasandal si Rein sa dingding yakap yakap ang bag niya. May ilang napapatingin naman sa gawi niya. Matipid itong ngumiti sa akin at inilagay sa likod ng kanyang tainga ang buhok na nalaglag sa mukha niya.
''Kanina ka pa?'' Tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Tumingin siya sa kanyang relo.
"15 minutes. I guess?" nakangiting sabi pa rin niya. Hindi ba siya nangangalay? Kanina pa kasi siya ngumingiti, e. "Tara na?"
Dumiretso kami sa parking lot at sinunod ko lang siya hanggang sa makapunta kami sa isang itim na Montero. Binuksan ni Rein ang pinto ng sasakyan at pumasok sa driver's seat. Sa shot gun seat naman ako pumasok. Mahalimuyak na pabango ang bumungad sa ilong ko. Hindi naman nakakairita sa ilong kaya napakagaan lang sa pakiramdam.
"Just so you know, medyo pampersonal itong lakad ko kaya nga nagdadalawang isip akong sumang-ayon nang sabihin mo sa aking sasamahan mo ako," sabi ni Rein nang buksan na niya ang makina.
Nabuhay naman ang kagustuhan kong malaman kung para saan ang lakad namin kaya nagtanong na ako.
"I'm currently looking for ideas. Interior designing ang major ko. Before the finals we should give an output to our professor. As of now, wala akong maisip. Mental block ika nga. This is so not me. Masyado lang siguro akong distracted o ewan ko."
Napa-ah naman ako sa sinabi niya. "Kaya ang gagawin natin ngayon ay pupunta sa mga apartment, condominiums or rooms na maaring makukuhanan mo ng inspirasyon."
BINABASA MO ANG
Love Struck
JugendliteraturLove moves mysteriously. When love struck their way to somebody you can't either hide or run. Whether you choose to accept that feeling or deny it, it will just grow within. Happiness and sadness will experience. New things will discover. Makakaya k...