§
Gabby's POV
May biglang sumulpot sa gitna namin at umakbay sa akin. Halos malaglag ang mga mata ko sa gulat. Kung hindi ko lang siguro pinigilan ang sarili ko'y mapapatili ako ng wala sa oras.
"Let's go!" Hiyaw ni Shawn.
Umikot-ikot lang kaming walo sa mall. Nagshopping na rin kaming babae samantalang pumunta naman sa music store ang mga lalaki. Binisita rin namin ang Blue Magic! Toy Kingdom. Uminom ng Zagu at kumain ng frech fries ng Potato Corner sa food court. Nanood din kami ng sine at pagkatapos no'n ay sinubukan magskating. Nakakapagod rin pero napakasaya naman. Sobrang nakakaenjoy.
''Paul. Gutum na ako,'' sabi ni Shawn saka hinaplos ang tiyan. Katahimikan ang namutawi sa palagid namin nang tumunog ang tiyan niya at nang dumaan ang ilang segundo ay tinawanan namin siya.
''I'm hungry too," sabi ni Ronnie. "My treat. Faster! Baka mawala 'tong gana ko. Walang libre.'' Pagpatuloy nito at lumakad na.
''Salamat Ronnie!'' sabi ni Shawn tapos pumunta ito sa tabi ng huli.
''Maka-Ronnie naman 'to. Close tayo?'' nakangiwing sabi ni Ronnie at pumasok sa isang restaurant 'di kalayuan sa p'westo namin. Sumunod naman kaagad kami. Pagpasok namin nasa counter na ang dalawa kaya kami naman dumiretso sa paghahanap ng mauupuan.
''Close tayo 'no. Tingnan mo." Saka mas lalong lumapit si Shawn kay Ronnie. "'Di ba ang lapit natin?'' sabi ni Shawn at ngumuso pa. Tiningnan naman ni Ronnie si Shawn ng masama. Nasa counter na nga sila pero nagtatalo pa rin. Naririnig ko sila kasi nasa likod lang naman kami ni Rein. Paniguradong marami silang dadalhin kaya kailangan nila ng tulong.
''In fairness, naiirita ako sa iyo." Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang pagngiti ni Ronnie.
''May naiirita bang ngumingiti. Ikaw ha. Gusto mo ako?" Pang-aasar naman sa kanya ni Shawn. Nagkatinginan kami ni Rein at pigil na napabungisngis.
''Sige walang libre para sa iyo," prenteng sabi ni Ronnie tapos ang babae sa counter nagtanong na sa mga orders.
''Ito naman. Gusto lang kitang tulungan, e.'' sabi ni Shawn.
Nakita ko namang ibinigay na ng babae ang lahat ng inorder ni Ronnie.
''Saan naman?''
'''Yan,'' sabi naman ni Shawn sabay turo sa limang trays. ''Madadala mo lahat yan? Okay.'' Dagdag pa nito sabay akmang lalakad na pero nahinto ito sa paghakbang dahil hinagip ni Ronnie ang braso ni Shawn. Super shock ako sa ginawa ni Ronnie. Very unexpected kasi. Namula ang mukha ni Ronnie at parang napaso ito nang bitawan niya ang braso ng huli.
''W-Who needs your help?'' Tanong ni Ronnie at umana anng lumakad. Sumunod naman sa kanya si Shawn pagkatapos nitong makuha ang isang tray as counter. Napatingin naman ako sa aking katabi at ngayon kausap ni Rein si Kevin. Kapwa may hawak an tray ang dalawa. Kinuha ko na rin ang natirang tray sa counter at may ngiti sa labing sumunod sa kanila. Nang maupo ay tinulungan naman ako ni Carl.
Ronnie's POV
Shawn. My new found prospect to experience my wrath.
Joke lang. In my 19 years of existence ngayon lang ako nakaencounter ng sobrang napakakulit na tao aside sa kapatid ni Ven. May tatlong nakakatandang kapatid ako pero napakamatured mag-isip ng mga iyon at nakapa-kill joy. Kung sabagay pitong taon din ang agwat namin at hindi talaga kami magkasundo-sundo ng mga kapatid ko. May malaking pader na nakaharang sa pagitan namin at ngayon ngang may pamilya na ang mga iyon ay halos wala na kaming oras makapag-usap. Minsan na lang.
BINABASA MO ANG
Love Struck
Teen FictionLove moves mysteriously. When love struck their way to somebody you can't either hide or run. Whether you choose to accept that feeling or deny it, it will just grow within. Happiness and sadness will experience. New things will discover. Makakaya k...