§
Ven's POV
''Ven, doon tayo,'' sabi sa akin ni Paul. Feeling close lang talaga ang mukong. Nag-eenjoy naman talaga akng kasama ang mga kaibigan ko at itong mga sinama rin ni Carl but minus Paul on that happines. Ayon na nga. Nangyari na ang nangyari. Kanya-kanya silang lakad at ako naman ay nanatili malapit sa isang toy catcher machine. Tinitingnan ang isang napakacute na teddy bear na kulay beige. May maliit na ruffles pa sa bewang niya na nagsisilbing tutu niya at isang maliit na sumbrero. Ang cute!
"Hindi mo iyan makukuha kung tititigan mo lang iyan." Hindi ko pa nga tinitingnan pero kilala ko na ang boses na iyon. "You like that teddy bear? You want me to give it to you? Hindi mo alam pero magaling ako larong ito." Pasimple akong tumayo ng maayos at krinus ang dalawang braso.
"Last time I check, hindi pa kami namumulubi para hindi makabili ng stuffed toy. Baka nga pati itong arcade na ito maari kong mabili. Saka ayaw ko nga sa teddy bear na iyan ang pangit." Labas ilong kong sabi. Taliwas ang lahat ng sinabi ko ang totoong nararamdaman ko. Medyo nag-oover react na rin ako sa pabili ko kuno. Mga magulang ko lang ang mayaman hindi ako. Ayaw ko lang talaga sabihin kay Paul baka kasi lumaki pa ang ulo niya. I won't give him any satisfaction. Bahala siya.
Knowing him, he won't listen to what I'm saying. Medyo useful din ang pagiging hardheaded niya. Tiningnan ko lang siya habang siya naman abala sa pag-lalaro. Sa tuwing mahuhulog ang stuffed toy ay napapangiwi ako. Muntik na nga akong may maibubulalas dahil sa pagkahinayang pero pinipigilan ko talaga. Mas lalo lang kasi mag-eenjoy ang lalaking ito.
"Yes!" Hiyaw niya nang mahulog ang nakuha niyang teddy bear sa butas. Oh my god! Nakuha niya. Yumuko siya upang kunin iyon at saka ibinigay sa akin. "Here you go," sabi niya sa akin.
Alam kong hindi niya ako lulubayan kaya kinuha ko ito at inilibot ang aking paningin. May isang batang papalapit sa amin kaya hinarangan ko ito.
"Ito bata, o." Saka ibinigay sa kanya ang stuffed toy kahit dumudugo ang puso ko kasi gustong-gusto ko talaga ang teddy bear na iyon. Tatanggapin na sana ng bata iyon nang umangat ito sa ere.
"Kinuha ko iyan para sa 'yo. Kung ayaw mo huwag mo namang ibigay sa ibang tao," nakabusangot niyang sabi. Wow. May ganitong side pala ang isang 'to?
"Alam niyo po. Kung may problema man kayo sa isa't isa pag-usapan niyo iyan. Huwag iyong mandadamay pa kayo ng inosente. Napakapaasa niyo po." Saka pairap na umalis sa harapan namin ang bata. Hindu makapaniwalang napatawa ako. Omo.
"Iyan tuloy. Huwag ka kasing paasa," sabi pa ni Paul.
"Ewan ko sa 'yo," wika ko at lumakad na. Lumapit ako sa anim na nagkukumpulan malapit sa may basketball ring.
"Sa'n kayo galing?" Tanong ni Ronnie.
"Diyan lang." Sagot ko.
"Nandito na si Paul. Tara laro tayo ng basketball,'' sabi ni Shawn. Tiningnan naman ng iba ang sa likuran ko. I bet papalapit si Paul dito.
''Sige,'' sabi naman ni Paul na nasa tabi ko na pala. Hindi ko siya nilingon why would I?
''Para mas exciting magcompete kayo at may kapalit ang winner.'' Suggestion ni Rein. Oh no. May iba akong nararamdaman sa bagay na ito and I know hindi 'to maganda.
''Ano naman?'' Tanong ni Shawn.
''Let's give the winner the privilege of ordering someone," sabi ni Carl. "Sakto may toothpicks ako. Kinuha ko roon sa restaurant. Pagkatapos nilang maglaro at may nanalo na ay magbubunutan tayo. Puputulin ko ang kalahati nitong isa. Ang makakakuha ng kalahating stick ay siyang gagawa ng dare ng winner, game?"
BINABASA MO ANG
Love Struck
Teen FictionLove moves mysteriously. When love struck their way to somebody you can't either hide or run. Whether you choose to accept that feeling or deny it, it will just grow within. Happiness and sadness will experience. New things will discover. Makakaya k...