Tag Love 5:【Eventful】

121 7 3
                                    

Love Struck Volume 1

❦Tag Love❦

Sirein's POV

"What?" Tanong ko kay Kervin. Halata naman ang pagkagulat sa kanyang mukha nang sabihin ko iyon. Pinili kong sundan ng isa pang tanong ang sinabi ko. "May gusto ka bang sabihin sa akin? Kanina ka pa nakatingin, e."

Umiling si Kervin. Kasabay ko itong naglalakad. Papunta ako sa office ewan ko lang sa kanya. May pahintulot ang lahat ng estudyante na lumiban sa kanilang klase para sa araw na ito dahil sa event subalit dapat sumali ang mga ito sa mga inorganize na activities ng SSC. Tumutulong ang college dept. council sa SSC upang mapaayos ang daloy ng event. Pero ewan ko lang sa lalaking ito at nandito ito sa tabi ko. Ako kasi iyong nakatokang magbigay ng mga attendance sheet sa morning schedule sa iba't ibang program kaya kailangan ko talagang pumunta. Though I can spare some time in breaks and be off early because I am not one of those who will do the after care so I can still spend time with Kervin and the group.

"Ayos ka na?"

Napakunot ang noo ko at nang mapagtanto ang kanyang sinabi ay mabilis akong napatango. Maybe he was bothered by my acts yesterday. Aware naman kasi akong wala ako sa sarili kahapon.

"Oo. Bakit?"

"Wala. Nagtatanong lang."

"Sigurado ka parang may sasabihin ka pa."

"Nevermind me."

"Ewan ko sa iyo."

Nakarating na kami sa harapan ng office. Nakabukas na ito. Humarap ako sa kanya bago ko ito iwanan. "So, kita na lang tayo mamaya?"

"Hindi ba p'wedeng dumito lang ako?"

"Ha?" Naguguluhan kong tanong. Hindi naman kaagad nakasagot si Kervin kasi may grupo ng mga kababaihang dumaan sa kanyang likod. Nagtatawanan ito at malakas ang boses na nagku-kuwentuhan. Napansin ko naman ang pag-iwas ni Kervin sa kanila. Tuloy isang konklusyon ang bumuo sa utak ko. "Hintayin mo ko riyan. May kukunin lang ako sa loob."

"Okay."

Habang papasok ay may matipid na ngiti ang sumilay sa labi ko. Mukhang hindi komportable si Kervin sa mga taong pakalat-kalat sa paligid. Pero, bakit sa akin siya sumasama? Nahihiwagaan ako.

Matapos bumati sa mga ka-myembro kong abala sa kanila-kanilang nakatalagang gawain ay kinuha ko na ang attendance sheet at lista ng mga pangalan ng degree program ng department namin. Hindi ko pa nakita si Kevin. Siguro nakikipag-coordinate na iyon sa President ng SSC. Nang makalabas ay hinatak ko ang lamesang nakalagay sa labas ng office. Mayroong mga kamay namang humawak sa magkabilang dulo ng lamesa. Ako nama'y napalaki ang mga mata. Magkasabay na napatingin sina Kervin at Kevin sa isa't isa. Hindi ko mawari ang umaaligid na atmospera sa dalawa. Nilingon muna ako ni Kevin at nginitian bago niya binitawan ang lamesa.

"Good morning sa iyo, brod." Bati niya kay Kervin at muli, tumingin ito sa akin. "And you too."

"Good morning, Gov."

Ibubuka na sana ni Kevin ang mga labi niya nang may tumawag sa kanya. He immediately went to Ella who is beside the Council's Vice President. Napabuntong hininga na lamang ako. He didn't even look at me and bid his goodbyes before going. Oo nga naman. Sino ba naman ako? Naramdaman kong may mahinang pagdampi ng bagay sa akin.

"Saan natin ito ilalagay?"

Sa oras na narinig ko ang boses ni Kervin ay bumalik ako sa katinuan. Pasimple akong umiling bago ibinalik ang mga kamay sa mesa.

Love StruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon