§
Gabby's POV
''Teka! Wait! Teka!''
''Layuan mo ako." Humahagulhol kong sabi sa kanya.
Ang sakit! Ang sikip sikip sa dibdib ko! Tumatakbo pa rin ako. Hindi ko kayang makita ang pagmumukha niya. Nasasaktan lang ako ng todo.
''Teka nga!''
''Teka nga sabi, e!''
''Gabriel Trinidad, tumigil ka sa kakatakbo!'' Sigaw ni Jimmy na may halong galit sa tono niya.
Napahinto ako, hindi sa takot sa sigaw niya kung hindi dahil sa inis at galit ko sa kanya. Ang lakas ng loob niyang sigawan ako! Siya na nga itong may kasalanan sa akin siya pa ang may ganang magalit? Kapal ng mukha talaga. Marahas na lumingon ako sa kanya.
''Ano?"
''Babe, please let me explain,'' sabi niya na nagmamakaawa pa. Napalunok ako. Pinahid ko ang luhang lumalandas sa pisngi ko. Tiningnan ko siya ng sobrang talim.
''Babe? Ano na namang excuses ang gagawin mo ngayon Jimmy? Ano pang pesting excuses ang gagawin mo kagaya noong ilang beses na!'' Napasigaw na talaga ako. Tuloyan na namang lumalabas ang mga luha sa mga mata ko. Napaiyak na ako ng todo. Oo, ilang beses na niya akong sinaktan pero mahal ko itong taong ito kaya pinapatawad ko pero yakap lang iyong gaya lang ng mga ilang beses, e. Martyr man pero mahal ko lang. Pero ibang usapan na ang nakita ko kanina.
''Gabriel naman grabe ka naman magselos.''
"Napakaestupido mo naman na ganyan ang sasabihin mo sa akin. Girlfriend mo ako Jimmy baka nakakalimutan mo."
''Halik lang iyon wala iyong ibang kahulugan.'' Sabay akmang hahawakan ang kamay ko pero itinabing ko naman. "Gabriel, ikaw lang naman ang mahal ko.''
''Mahal? Wow! Ang ganda naman ng mahal ang sinasabi mo.''
Ang sakit na talaga ng nararamdaman ko gusto ko na lang tumakbo at umuwi sa bahay para magkulong. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ko nakuha 'tong lakas ng loob na sigawan at awayin siya pero as of now I want to shout at him and tell him what kind of boyfriend he is. I gave my heart to him tapos ito lang ang kapalit? Ang mga lahat na pasakit na ibinigay niya tiniis ko pero now this is beyond my limitation. Pero sa katangahan ko, 'yong martyr side ko lumalabas. Mahal ko siya. Napahawak ako sa mukha ko. Ang sakit lang talaga.
''Hindi ko na kaya,'' bigla niyang sabi. Agad akong napaangat ng ulo.
''Ano?''
Nagulat ako. Hindi naman maaari na matapos ito ngayon. Anniversary namin tapos--
''Sabi ko hindi ko na kaya.''
''Jimerson--''
''Napakaselosa mo kasi gusto mo lahat ng attention ko nasa sa iyo.''
Parang ang lahat ng dugo ko mula sa paa ko pumunta yata sa mukha ko. Anong sabi niya?
''At ako pa ngayon ang may kasalanan? Natural akong magagalit at magseselos dahil girlfriend mo ako at ngayon ang anniversary natin. Jimmy naman...''
BINABASA MO ANG
Love Struck
Teen FictionLove moves mysteriously. When love struck their way to somebody you can't either hide or run. Whether you choose to accept that feeling or deny it, it will just grow within. Happiness and sadness will experience. New things will discover. Makakaya k...