Love Struck Volume 1
❦Tag Love❦
Kevin's POV
When I move my head to my right I felt something poke my cheeks. Then I see Mandie grinning from ear to ear. "There's something new." Her eyebrows are connected while her lips slightly pouted. "May maganda bang nangyari aside sa existence ko?"Narinig ko naman ang singhal ni Paul na nakaupo sa couch katapat ng kamang inuupuan naming dalawa ni Mandie. Still, where here inside her hospital room with her wearing the same old white hospital gown.
"What?" Tanong ni Paul nang mapadako sa kanya ang paningin naming dalawa ng katabi ko. Napaturo naman ito sa akin. "There's nothing new about him. Look at him. It's still he's usual emotionless face."
Napakurap naman ako. Good point. Wala namang nagbago sa akin. I guess... Ano bang napapansin ni Mandie?
"You're just an insensitive jerk that's all!" Asar naman balik ni Mandie sa kanya. "At 'di ka kasali sa usapan namin kaya mind your own business and we'll mind our own."
"Hoy! Hinay hinay sa pang-iinsulto. Para kang hindi tinuruan ng salitang respeto."
"I have. Though I respect a person who is worth it. The thing is, you're not the ideal person to be respected." Mandie stuck her tongue out after.
Napanganga na lamang si Paul. Bago pa magsalita ito'y pumagitna na ako.
"Girls, calm down."
"What?" Padabog na ibinagsak ni Paul ang paa niyang nakadekwatro kanina saka padramang tinuro ang sarili. "Girls?"
Pinandilatan ko ito. Sa wakas rin ay sumuko ito't sukong sumandal na lamang sa sandalan ng upuan at krinus ang dalawang braso. May narinig akong mahinang pagsasalita galing sa kanya pero hindi ko na lang pinansin. Sa kabilang banda nama'y nakaharang ang dalawang kamay ni Mandie sa bibig niya at pinipigilan yata ang tawa. Napapabuntong hininga na lamang ako sa awayan ng dalawang 'to. Palagi na lang.
"Anyway, Kerson."
Hmm? "Yes."
"I can finally get out from this hell cell tomorrow. Can you be a dear and take me somewhere?" Palms together, she rub it while blinking several times.
Nagpapakaawa sa akin. Wala sa sariling napalunok ako at napatingin kay Paul. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Umikot ang mga mata niya saka makahulugang tinitigan ako pagkatapos. Pasimple akong ngumiti at muling ibinaling ang paningin ko sa katabi ko.
Hindi pa talaga sigurado pero baka bukas lalabas na rin siya sa wakas sa lugar na ito. We're still waiting for the doctor's go signal. Gaya ng nararamdaman niya masaya rin ako kasi ilang taon din siyang namalagi rito. Hindi pa siya magaling pero kahit papaano'y ayos na ang pakiramdam niya. Suhestyon naman ng doktor na umuwi ito. Mas makakabuti raw sa kanya.
"Hihingi muna tayo ng pahintulot."
"So kung okay ay lalabas tayo?" Tanong niya.
"Why not."
"Yes! Yes!" Tumalon-talon ito kahit pa nakaupo ito sa kanyang kama. "I can't wait! I'll try asking if it's okay kung ngayong araw na lang."
"Oh. Maghunustili ka na riyan, bubwit, baka matanggal ang kadena mo riyan," sabi ni Paul.
"Takot ka lang makakita ng karayom, e. Kalalaking tao takot sa karayom. Chicken! Chicken! Chicken! Coco doodle doo!"
Napatayo si Paul. Pansin ko ring namumula ito. "I. Am. Not. A. Chicken!"

BINABASA MO ANG
Love Struck
Teen FictionLove moves mysteriously. When love struck their way to somebody you can't either hide or run. Whether you choose to accept that feeling or deny it, it will just grow within. Happiness and sadness will experience. New things will discover. Makakaya k...