§
Kevin's POV
Nandito ako at naghihintay sa loob ng café. Mahigit tatlumpong minuto na rin ang lumipas. Panay ring ng cellphone ko kasi iniwan ko lang naman ang kapatid ko kay mom. Kasalukuyang kasama niya ngayon si mom sa pagso-shopping. Tumakas lang ako kasi sa lahat ng ayaw ko'y magbabad sa mall at sumunod-sunod sa taong halos bilhin lahat ng makikitang gusto niya. Wala namang kaso sa akin ang magdala ng binibili niya pero sa paglakad-lakad ay ayaw kong gawin. Nakakapagod kasi. Bahala na rin kung anong gagawin ni mom bilang parusa sa akin mamaya.
Napatingin ulit ako sa aking relo. Sabi magkita kami rito bandang alas tres pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Mabuti nga at dala-dala ko ang ipod ko kahit papaano hindi ako mababagot.
"I'm so sorry," sabi ni Rein nang huminto siya sa harapan ko. Habol niya ang hininga niya. Galing yata sa pagtakbo. Pasimple ko namang tiningnan ang mga mata at nakatingin sila sa gawi namin. Tumango lang ako ng isang beses.
"Magpapahinga muna ako ha." Saka siya umupo sa harapan ko. Napapansin ko ang pagbasa niya ng kanyang labi habang nakatingin sa cup na nasa mesa. Isang maliit na pouch lang din ang dala niya. Nagpaalam muna ako saglit. May sasabihin sana siya pero umalis kaagad ako. Bago ako makalayo ay napatungo siya. Tumataas-baba pa rin ang kanyang mga balikat. Humihingal talaga siya ng todo. Bakit naman kasi siya tumatakbo?
Nag-order ako ng maiinom sa counter at dalawang pastry para pangmeryenda namin bago lumakad papunta sa lugar na pupuntahan niya. Hindi ko pa alam kung saan. Ang nasa isip ko lang kasi kanina ay para makatakas kay mom kaya nakalimutan kong magtanong.
Bumalik ako sa mesa namin at pansin ko ang paglaki ng mga mata niya. "Omo. Thank you. Babayaran ko ang nagasta mo."
Inangat ko lang ang isang kamay ko. "Hindi na kailangan. Treat ko na."
"Ang bait mo 'no?" sabi niya at ininom ang drinks na binili ko para sa kanya. "That hit the spot." Saka ibinaba na niya ang baso sa mesa. Naging kalmado na rin ang paghinga niya at hindi na rin kagaya kanina na pagod na pagod talaga siya.
"Pasensya ka na talaga kung ang tagal ko. Bigla kasing nasira ang sasakyan ko kaya wala akong choice kung hindi maghanap muna ng talyer. Hindi ko naman kasi maari iwanan ang sasakyan ko ro'n lalo na't may citom sa daang iyon. Ayaw ko namang maticketan. Ilang minuto pa ang dumaan bago ako nakahanap ng tutulong. Hanggang ngayon nga'y nandoon pa rin sa repair shop ang sasakyan ko. Nagtaxi man ako papunta rito pero ang traffic kasi."
"Ayos lang," sabi ko sa kanya.
When we're eating, she does all the talking while all I do is listen. Nakakaaliw naman siya kasi kitang-kita talaga ang iba't ibang ekspresyon sa kanyang mukha. She's cute by making many faces in just one sitting. Amazing.
****
"It's 34 square meters apartment room. Fully furnished and new though this room is for single person's use only. Nasa third at fourth floor ang for couple or family room."
"W-We're not..." Napatingin sa akin si Rein at kiming ngumiti. "Well." Saka nagkibit-balikat.
"You can go around if you want," sabi ng apartment manager. Alam ko na kung anong gagawin ni Rein at para saan itong lakad namin. Mukhang mas exciting ito kaysa sumama kay mom sa shopping niya.
"Thank you po." Nanatili lang ako sa maliit na sala. Dahil unang pagkakataon ko lamang itong makapunta ng ganito ka liit na k'warto ay nababaguhan ako. Pinabayaan ko lang si Rein na mag-ikot ikot sa paligid. Hindi naman ako mahihirapan sa pagsunod sa kanya gamit ang mga mata ko dahil ilang hakbang lang naman ang nagagawa niya.
BINABASA MO ANG
Love Struck
Novela JuvenilLove moves mysteriously. When love struck their way to somebody you can't either hide or run. Whether you choose to accept that feeling or deny it, it will just grow within. Happiness and sadness will experience. New things will discover. Makakaya k...