Love Struck Volume 1
❦Tag Love❦
Sirein's POV
Bago pumunta sa kanilang condo'y nag-bato-bato-pick (pinilit ko pa siya) kaming dalawa kung ang motor niya o sasakyan ang aming gagamitin. Sa huli, ang dalawa ang aming gagamitin. Siya sa kanyang motor na mag-le-lead sa way at ako naman ay nasa likod susundan siya. Out of way naman kasi ang condo unit niya sa bahay ko kaya kung sakaling matagalan kami sa pag-aayos ay hindi na ako mamomroblema sa aking pag-uwi.
Namangha ako habang papalapit pa lang kami sa lugar na tinitirikan ng isa sa mga kilalang residential area rito sa syudad. Bumungad sa akin ang may kalakihang man made park. Sa taas ng 20 to 30 storey building naman pumunta ang aking mga mata. Isa yata sa mga unit diyan ang condo ni Kevin. Woah! They're rich, alright. Sa pagkakaalam ko kasi mahal ang bayad ng mga unit kahit studio type. I haven't got a chance to look at the cafe and restaurant who I guess rented the retail space on the groundfloor. We parked our vehicles to the parking lot underneath the building and used the elevator to go to their unit. Apat na beses yata huminto iyong shaft para mag-load and unload ng mga residents ng building bago tumigil ng tuluyan sa 21st floor. My ghad! Hindi lang sa matagal sobrang taas na nito. Paglabas namin sa elevator sumalubong sa akin ang eleganteng ambiance na binubuga ng hallway. The black colored carpet that hugged the floor with it's color white line patterns. The wall on this floor uses a big sized black glitter tiles with nlack grout and uses soffit lighting. Pumasok kami sa unit 216. Napahanga naman ako sa desinyo ng living room niya. If I look beyond the suitcases, boxes and clothes scattered below it, the living room gives the vibe of summer tropical feel. Mula sa wallpaper na ginamit hanggang sa mga furnitures. Over looking rin ang view sa labas ng building sapagkat gawa lang naman ang dingding sa matibay na salamin. Nakakalula kung tatambay malapit roon. May malaking kurtina namang nakahawi sa tabi.
"Can I look around?" Tanong ko.
"Yeah." Walang imik siyang lumakad papunta sa isang pintuan. I saw the fridge and cabinets. Hmm, kitchen. May hallway naman sa tabi nito kaya pumunta ako roon. May dalawang pinto akong nakita. Pinihit ko ang pinto at kaagad kong natanto kung ano ito. Ang bedroom!
"Anong ginagawa mo sa kuwarto ni Paul?" Tanong ni Kevin na nasa likod ko na pala. Oh, wait. Kuwarto ni Paul?
"Magkasama kayo sa iisang unit?"
Tumango ito. "Mom allowed us to separate from them but she will be the one to choose what residential building and what kind of unit we'll be staying."
Inaya niya akong lumabas na siyang sinunod ko naman. "Baka ginawa ito ng mom mo para hindi mag-uwi ng babae si Paul." Ngiwing nagkibit balikat ito palatandaang tama nga ako.
"Hala? Tama ako?" natatawa kong tanong.
"You want something to drink?"
"No thanks. Instead why don't we start now?" Itinuro ko ang mga gamit na nakalagay lamang sa tabi ng dingding. Matapos niyang umoo'y nilapitan ko na ito at nagsimulang dampunin ang mga damit. Dinaluhan naman niya ako't tinulungan. Nagsimula kasi sa mga damit ni Paul dahil sa lokong iyon naman kasi ang damit na nakuha ko. Kinuha niya ang mga suitcases at kahong pinagmamay-ari nito. Sumatotal dalawang malalaking suitcases at isang medium sized na kahon ang kay Paul. Sa pagtupi ng kanyang nga gamit hanggang sa personal nitong gamit ay inayos namin. Sumunod naman ang kay Kevin. Isang malaking suitcase at medium sized box naman ang sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko habang itinataas ang aking nakuha mula sa suitcase. Bungisngis na ipinakita ko ito kay Kevin. Sa isang kisap mata'y mabilis nitong nahablot habang namumula pa. Tinangka nitong kunin ang suitcase nasa aking harapan. Pinigilan ko naman siya kaya naging tug of war tuloy.
BINABASA MO ANG
Love Struck
Genç KurguLove moves mysteriously. When love struck their way to somebody you can't either hide or run. Whether you choose to accept that feeling or deny it, it will just grow within. Happiness and sadness will experience. New things will discover. Makakaya k...