Love Struck 4: 【Moving On】

188 16 9
                                    

§

Gabby's POV

''Another day.'' Bulalas ko nang sumakay na ako sa jeep. Hindi naman pu-p'wede na magmukmok ako sa bahay dahil sa lalaking 'yon. Hindi p'wede! Sabi nga nila Rein kahapon na hindi siya kawalan. Kundi siya ang nawalan kaya sorry na lang. May marami pang isda sa dagat same goes in here may marami ring lalaki sa earth. I'll just wait for that guy to come. Oh, I forgot. May pataga-taga sa bato pala akong nalalaman kahapon. Alam kong kakainin ko lang iyong sinabi ko kaya instead hindi na ako magmamahal ay sisiguraduhin ko na lang sa isasarili ko na lang ang nararamdaman. Ayaw ko man maging matandang dalaga mas maayos naman iyon kaysa masasaktan lang.

Ilang minuto rin at sa wakas nakarating na ako sa paaralan.

''Morning.'' May biglang bumati.

Nilingon ko at syempre huminto na rin ako. May isang babaeng tumatakbo palapit sa akin. Sino ba siya? Hindi ko siya kilala. Nahihiya na naman tuloy ako. Tapos papalapit pa siya nang papalapit.

"Good mornin'." Bati ko na lang din kasi baka ako 'yong sinabihan niya ng 'Morning' e 'di basag siya pag hindi ko binati pabalik. Kakahiya naman no'n may heart pa naman ako kaya heto. Bumati ako na may kasabay pang nahihiyang waving hand. Nahihiya ako, e.

Nanliit ang mata ko nang nilampasan lang niya ako. Tapos... Tapos yumakap sa lalaking nasa bandang likod ko. Kahiya. Epic fail lang, Gabby? Assuming ko grabe! Ako yata一 ay hindi yata kung hidi ako ang basag dito hindi siya.

Tiningnan naman ako ng dalawa na parang ang-assuming-mo-miss look. Lumakad na lamang ako ke aga-aga napahiya pa ako.

''Hi.''

May nag-hi na naman ngayon. Hindi ako lilingon. Hindi. Hindi talaga. Hindi nga. Ayon na nga ayaw ko mapagkamalang assumera ulit! A-yo-ko! Baka rin hindi ako 'di ba?

''Oy!'' sabi pa nito. Hindi ko pa rin pinansin. Oy raw. Hindi naman 'Oy' pangalan ko kaya hindi ako 'yon.

May humawak sa braso ko tapos nang tiningnan ko isa lang palang lalaking parang ano na ngumingiti sa harapan ko. Napangiti tuloy ako. Si Carl lang pala ang blooming. Ang gwapo mo 'dre!

''Bakit hindi mo ko pinapansin?'' Nakangiting tanong nito. Ang cute niya nagpout pa kasi pagkatapos niyang ngumiti. Binitawan na rin niya ako.

''Hindi. Akala ko kasi hindi ako ang tinatawag. Mapapahiya na naman ako.''

''Na naman? Bakit? Anong nangyari?''

''Kasi ganito iyon lanina may bumati akala ko ako ang binati niya. Ayon binati ko rin kaso hindi naman pala ko. Nakakahiya!'' Naks! Naisip ko na naman 'yon. Nanggigigil ako ang sarap manabunot ngayon!

''Gano'n pala? Okay lang 'yon,'' sabi niya at nagawa pang ikumpas ang kanyang kamay.

''Oo. Ako pa. Nga pala ang aga mo, a.'' Change topic ko na lang.

''Ikaw rin naman 'no. So sabay na tayo pumasok?''

''Oo ba. Ano ang sub. mo sa oras na ito at saang room?"

"Kunin mo na lang ang study load ko at tingnan iyon. Hanggang ngayon kasi hindi ko ap memoryado ang sched. ko. Baka same rin tayo 'di ba?" sabi niya sabay kalkal sa bag niya. Maya-maya lang binigay na niya ang study load nya kinuha ko naman.

"We have the same degree program at kahit transferee we have the same schedule." Though nakakapagtaka lang kasi dapat irregular siya. Hindi ko na lang pinansin iyon. "Let's go na sa room natin kasi malapit nang magtime. Then later on let's go sa favorite spot ko dito sa campus. Then I'll intruduce you to my friends when they arrive. Okay?" sabi ko. Nakita ko naman siyang tumango.

Love StruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon