Love Struck Volume 1
❦Tag Love❦
Sirein's POV
Suot ang tracksuit ko halatang handa na akong sumabak sa paglangoy ay este sa pagtakbo. Yeah! I'm ready to run! Inayos ko muna ang earpiece kong natanggal. Rinig naman dito ang isang kanta. Humming the beat of the song and moving my hips and head. I am so ready for running!
Napangisi't napailing ako sa sariling iniisip. Magmula noong paggising ko sobrang gaan na ng pakiramdam ko. Hindi ko alam. Para akong nakalaklak ng sandamakmak na energy pill or drink. Nakulitan nga si kuya sa akin kaya pinalayas ako. Binigyan niya pa ako ng pera. Wala namang problema sa akin kasi gusto ko ring magwaliw-waliw sa labas ng bahay lalo na't sabado ngayon. Sinara ko naman kaagad ang pinto pagkatapos kong makalabas.
"Sirein."
"Ay multo!" Napatalon pa ako at idinutdot ang sarili sa pinto. Panay kalbog pa ng puso ko na kulang na lang ay umalis ito sa kinalalagyan nito. Sino ba ito? Ke-aga aga nanggugulat!
Nilingon ko ang taong tumawag sa akin at pikit matang idinikit ulit sa pinto ang mukha. "Kervin naman! Bakit ka nanggugulat?!"
"Sorry."
Humarap ako sa kanya at nginitian siya pero mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko nang matanto ang isang bagay.
"Bakit ka nandito?"
Hindi ko naalalang may pinag-usapan kaming plano para sa araw na ito. Wala naman siyang naiwan sa akin para kunin niya. May nangyari ba kaya siya nandito?
"Sasamahan kitang mag-jogging."
Saka ko naman tiningnan ang suot niya ngayon. He is also wearing a tracksuit. Magkaparehas pa kami ng brand ang magkaiba lang ay ang kulay nito. Color violet kasi sa akin, sa kanya naman ay dark green. Nice.
Doon ko rin natantong nabanggit ko ang gagawin ko ngayong umaga sa GC namin. Niyaya ko pa sila pero ayaw nila akong samahan. Hindi naman ako makapaniwalang nandito ang isang ito. Akala ko wala itong paki kasi panay seen lang naman ni Kervin sa group chat. Muntik ko na ngang pagsabihan ng others.
Tinakbo ko ang distansyang namamagitan sa aming dalawa. "Hindi mo man lang ako binigyan ng head's up. Kanina ka pa rito?" Tanong ko nang makarating sa pwesto niya.
Umiling ito. "Kakarating ko lang."
"Oh, good," buong galak kong sabi. Naging panatag din ang kalooban ko. Kasi naman nakakahiyang paghintayin ang isang tao. Mabuti na lang. "Let's go?"
"Okay."
Nagsimula kaming tumakbo. Habang ginagawa iyon ay nag-kukwentuhan din kami. Ang dami nga naming naging topic. Nagsimula iyon obviously sa mga kaibigan namin hanggang sa umabot sa sarili naming buhay. Naibahagi ko sa kanyang wala na akong papa. Siya nama'y may importanteng tao sa buhay niyang naospital. Dahil sa paksang iyon ay napunta kami sa love life. Inasar ko siya pero mabilis naman niya akong nagantihan sa pang-aasar. Tungkol naman iyon kay Kevin. Nahirapan pa akong paniwalaang nang-asar ito. Yes, gumagawa siya ng sarcastic remarks or when he's embarrass about something na nagpapatawa sa akin pero iba, e. Tumatawa pa kasi siya habang inaasar ako.
Na-enjoy ko man ang pag-jojogging pero hindi ko maiiwasang paminsan-minsang tumitigil sa pagtakbo. I mean, hindi ako pala-jogging na tao. Minsan lang kung sumasagi ito sa utak ko. Hindi ako sanay.
"Heto tubig," sabi ni Kervin saka ako binigyan ng bottled water sabay upo sa tabi ko. Kinuha ko naman ito at tatanggalin sana ang lid nang mapansing wala na ito. Binuksan na pala ni Kervin bago niya binigay. Tiwala naman akong hindi niya ito ininom kasi kasalukuyan siyang umiinom ng tubig niya.

BINABASA MO ANG
Love Struck
Teen FictionLove moves mysteriously. When love struck their way to somebody you can't either hide or run. Whether you choose to accept that feeling or deny it, it will just grow within. Happiness and sadness will experience. New things will discover. Makakaya k...