§
Gabby's POV
Sinusulat ko ang pangalan ko sa papel. Ayan. Sa wakas tapos na rin. Ang haba-haba talaga ng pangalan ko. Ano kayang nakain ng mga magulang ko at ganito ito kahaba?
Anyway, nagrereklamo na naman ako. Sa labing-siyam na taon ba naman akong nabubuhay sa mundong ito ganito pa rin ang tanong na bumabagabag sa akin. Napatawa na lang ako sa kahibangang naisip. Binalik ko ang atens'yon ko sa librong nasa harap. Mahinang kong pinukpok sa mesa ang ballpen na hawak-hawak sabay titig sa unang numero na dapat bigyan ng kasagutan. Aish! Nalilito ako infairness. Teka muna... Napakamot ako sa ulo.
Hindi ko talaga alam. Paano na ito? Malapit na ang oras para sa susunod kong subject. Papasok ako ng walang assignment? Nganga!
May naramdaman akong sumusundot sa tagiliran ko. Nakanguso ko itong nilingon. Natanto kong sinisiko pala ako nitong taong ito. Nakakayamot na nga itong assignment ko may ewan pang nang-aasar sa 'kin.
"Abby, anong problema?'' Tanong nito. "Parang ewan ang mukha mo, e." Pagpatuloy niya pa.
'''Wag mo nga akong tawaging Abby parang ang taba pakinggan! It's Gabby. Gabby!'' Reklamo ko sa kanya. Sa totoo naman talagang parang ang taba pakinggan. Sa seksi kong ito. Hmmp!
''Ang OA naman nito. Oh siya Gabriel Penelope Leigh Trinidad, happy?'' walang ganang sabi naman niya.
''Thank you,'' masaya kong sabi kaso napalitan naman ng pagkaumay pagkatapos. Required ba talagang sabihin ang full name pati last name kung naiinis? Kinibit-balikat ko na lamang iyon. Dapat ko nang humingi ng tulong at iisang tao lang ang kilala kong makakagawa no'n "Rein, patulong naman, o. Nakakalito kasi ito...''
''Kaloka ka! Akala ko kung ano, e. Nasaan ba?" Sabay hablot ng papel ko at tinitigan iyon. "Ballpen!" Ngayon naman ay ang ballpen ko ang agad niyang kinuha mula sa kamay ko. Tiningnan ko lang siya habang nagsusulat. Ilang sandali lang ay iwinagayway niya sa mukha ko mismo ang papel.
"Tapos na!" nakangising sabi niya.
"Lahat?" Inilagay ko sa mesa ang papel ko at tiningnan iyon. Matapos kong icheck lahat ay malalaki ang mga matang hinarap ko siya at kwinelyohan. "Paano mo iyon nagawa? Anong magic ang ginamit mo?" Tanong ko habang niyuyugyug siya. Hindi naman iyon nagtagal kasi tumigil ako't niyakap ito.
"Thank you, Rein! Sobrang bless talaga naming tatlo kasi may best friend kaming matalino!"
"Heh! Binola mo pa ako!" sabi niya at sinuklian naman ako ng yakap. Nagkatawanan kaming dalawa.
Isang sapak naman ang nagpatigil sa akin-- sa amin mula sa kakayakap sa isa't isa. Napahawak kaagad ako sa batok ko dahil sa sakit na naramdaman ko mula roon. Tumingala ako at nakita ang salarin. "Ronnie! Ang sakit no'n!
"E, anong gusto mo? Let Rein die because of your embrace? I won't let that happened. I still need her to answer my assignment after that you can kill her," sabi nito at tumabi sa akin. Inilabas ko ang dila ko at nagmake face. Kill joy as always.
"So gano'n pala? Nakakatampo kayo!" Bulyaw sa amin ni Rein sabay sapak naman ni Ronnie. Napahawak naman si Ronnie sa braso at ngumuso. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko para tumawa ng malakas. Nasaan na kaya 'yong isa para kompleto kami?
BINABASA MO ANG
Love Struck
Ficção AdolescenteLove moves mysteriously. When love struck their way to somebody you can't either hide or run. Whether you choose to accept that feeling or deny it, it will just grow within. Happiness and sadness will experience. New things will discover. Makakaya k...