Love Struck Volume 1
❦Tag Love❦
Sirein's POV
Isang linggo akong ginugulo sa naiasta ko sa araw na iyon. Pabalik-balik iyon sa utak ko na para bang sirang plaka.
Mahigpit ang kapit ko kay Gab sabay iwas ng tingin sa kanila. Mabilis ko ring hinila ito palayo.
Bakit ko ba iyon ginawa? Nadamay ko pa si Gab. Wala naman talaga akong rason para makabahan sa araw na iyon. Ano naman kung may kasama siya?
Napahikab ako habang kinakain ang sandwich kong binili sa canteen. Nako naman. Baka magalit si Lord nito kasi napahikab ako sa harapan ng pagkain pero naman kasi napuyat ako kagabi. Gusto ko ngang matulog pagkatapos nitong kinakain ko. Dagdagan pa ang simoy ng hanging dumadaan sa akin. Nakaupo lang naman kasi ako sa lilim ng puno habang tinitingnan ang malawak na field sa ibaba. May iilang mga tao roon at kagaya ko may sariling mundo.
Naramdaman ko naman ang presensya ng isang tao sa tabi ko kaya napaangat ako ng tingin. Umupo ito sabay bigay ng canned juice.
"Thanks," sabi ko sa kanya.
"Sukli mo pala."
Tinanggap ko naman sabay hikab. Heto. Heto, katabi ko lang naman ang dahilan kung bakit malalim ang iniisip ko. Tahimik lamang siya sa tabi ko habang inuubos ko ang pagkain at inumin ko.
"Gusto mong natulog?"
Napahinto ako sa kakahikab at tiningnan siya. Napansin niya.
"Yeah," nahihiyang sagot ko sa kanya. "I wanna sleep for a bit."
"You can sleep here."
"You sure?"
Tumango ito.
"Babantayan mo ako?"
"I will."
Ngumiwi ako at sumunod sa sinabi niya. Sabi niya, e. Saka mabuti na lang din at parehang vacant namin. One ngayon tapos vacant niya 'til 2:30. Ako naman may seminar ang prof. namin kay binilinan lang kami ng gawain. Kagaya niya 2:30 rin ang sunod kong klase.
I layed my back on the tree and covered my face with a handkerchief. Although, I'm perfectly ready to fall asleep my mind is wandering. Hindi ko mapigilan lalo na't ramdam na ramdam ko ang katawan ni Kervin na umuusog palapit sa akin.
Lately, I don't know but since Gab unintentionally told me that I spend too much time with Kervin my sense of awareness heighten. Kagaya ngayon, kasama ko siya sa vacant time ko. Pwede ko namang tawagan ang iba kung gusto ko ng kasama pero sa hindi malamang dahilan magkikita kami. Hindi sa ayaw ko naman. As I've said I am comfortable with Kervin. When he's around I feel like I'm protected and that's too awesome for a girl to feel like one with a company.
Napadausdos ang kamay kong nakatabon sa mata ko papunta sa labi kasi napapangiti ako sa naiisip ko. Dahil sa ginawa ko'y bumaba rin ang tela. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita siyang natingin sa 'kin.
"Makakatulog ka ba sa posisyong iyan?"
Umayos ako ng upo saka binaba na rin ng tuluyan ang kamay kong nakahawak pa sa panyo.
"Hindi."
"Pero inaantok ka." Tila nag-iisip ito ng malalim. Teka, huwag mong sabihing tinitingnan niya kung paano siya makakatulong sa akin para makatulog. Lalaking ito talaga.
"Ayos lang--"
"Ihiga mo rito ng ulo mo." Saka tinapik ang binti niya. Nanlaki ang mga mata ko. Seryoso?
BINABASA MO ANG
Love Struck
Teen FictionLove moves mysteriously. When love struck their way to somebody you can't either hide or run. Whether you choose to accept that feeling or deny it, it will just grow within. Happiness and sadness will experience. New things will discover. Makakaya k...