§
An exerpt from LOVE STRUCK 6: Day Out
''Gabriel!''
Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko. Si Carl lang pala. Pangiti-ngiti pa ito habang tumatakbo papunta sa amin matapos siyang makasiguro yata na ako nga ang taong tinawag niya. Palapit na sila rito sa p'westo namin.
''Pasensya na talaga. Na-late kami,'' sabi ni Carl saka itinuro ang tatlong mga lalaking nasa likod niya.
''Okay lang,'' unconciously na sabi ko. Babawiin ko sana iyon kasi naiinis nama talaga ako dahil ang tagal nila. Hindi talaga okay, okay? Pero nasabi ko na. Nakakaiyak. Lagot ako nito sa tatlo! Magkasabay na napatingin ang mga kaibigan ko sa akin.
''Okay?! We wait for them for thirty damn minutes and you're just okay with it? The heck,'' sabi ni Ven. Mabait 'yan pero 'wag lang paghihintayin dahil ang liit ng pasensya niya.
''Sorry na kasi, e. Pasensya na talaga.''
''Okay na nga lang, Ven,'' sabi ni Rein kay Ven. "Please?" Dagdag pa niya.
''Fine! Whatever. Mag-aaway lang tayo nito at maiistress lang ako,'' sabi ni Ven at nagawa pang umirap habang bumubuntong hininga.
''Thank you for saving me Rein and forgiving me Ven!'' Laking tuwa ni Carl. Ngumiti lang si Rein bilang sagot niya rito.
"Don't do this again." Saka tumingin si Ven sa ibang lugar.
Tumikhim ang isa sa mga lalaking kasama nila at nakita ko kung paano siya yumuko upang lumapit kay Carl. ''Ipakilala mo kami sa kanila, Carl,'' sabi pa nito. Honestly speaking at infairness lang, ang gu-g'wapo nila. Required yata sa grupo nila ang good looking.
''Oo nga 'no?" sabi ni Carl sabay ngiti at kamot pa sa leeg niya. Pagkatapos ay itinuro niya iyong nagsalita kanina.
''Ito pala si Shawn.''
''Hi! Nice to meet you all!'' sabi nito tapos ngumiti pa saka kumaway rin. Sunod na itinuro ni Carl ang dalawa pa.
''Ito naman ang magkapatid na si Paul.'' Turo sa naka-jacket na lalaki at ngumiti sa amin ng malawak. Nagawa niya pang kumindat. Nako! May ibang aura itong si Paul at alam ko kung ano iyon. Kamag-anak yata ito ni Jimmy, e. Jimmy na naman, Gab. Pasimple akong umiling. Naniniwalang matatanggal sa utak ko ang lalaking iyon sa araw na ito.
''And lastly, this is Kevin.'' Pagpatuloy ni Carl at tinuro ang katabi ni Paul. Mataman itong nakatingin sa amin. Nakasalpak ang isang earphone sa kaliwang tainga. Matipid siyang ngumiti sa amin saka tumango.
Parang tama nga ang intuition ko kahapon. Magiging exciting nga ang araw na ito.
-.-.-.-.-.-
Thank you for reading.
VOTE || COMMENT
BINABASA MO ANG
Love Struck
Teen FictionLove moves mysteriously. When love struck their way to somebody you can't either hide or run. Whether you choose to accept that feeling or deny it, it will just grow within. Happiness and sadness will experience. New things will discover. Makakaya k...