§
Carl's POV
-Rein, pasensya na talaga. Hindi ako makakasama sa iyo ngayon.-
Tumatawag ako ngayon kay Rein. Humihingi ako ng pasensya dahil hindi ako makakasama sa kanya. Umuwi kasi ako kaninang tanghali dahil ang sakit ng ulo ko. Nasa bahay nga ako ngayon at nakahiga sa kama.
-Ha? Bakit naman? Sa'n ka ba ngayon?-
-N-Nasa bahay.-
Napahawak ako sa aking ulo. Parang pinupukpok ng martilyo at dinaanan ng bulldozer.
-Pasensya na. Magpahinga ka na lang diyan ha. Pagaling ka.-
-Sige. Salamat. A-Ano... May makakasama ka ba ngayon?-
-Wala nga, e. Hindi kasi sila available kaya mukhang ako na lang mag-isa ang pupunta. Ayos lang. Sanay na akong mag-isa.- Natatawa niyang sabi. -Magpahinga ka riyan. Bibisitahin kita mamaya kung hindi ako magagabihan.-
-Huwag ka nang mag-abala, Rein. Okay lang.-
Binaba na rin niya ang tawag. Pabagsak na binaba ko rin aking kamay sa tabi. Muli akong napapikit dahil sa sakit. Mainit na rin nag paghinga ko't mahapdi ang aking mga mata. Naka-inom na ako ng gamot pero hanggang ngayon wala pa ring laman ang tiyan ko. Tinatamad kasi akong bumaba at gumawa mab lang ng sopas.
Kahapon lang talaga nagsimula ang pagsakit ng ulo ko. Isa sa dahilan kung bakit kami nalate sa lakad namin kahapon. Kung hindi pa nga ako pinuntahan at ginising nilang tatlo ay walang Carl na susulpot do'n sa mall. Ngayon nga'y tuluyan na akong nilagyan. Natuwa nga ako nang magdesisyon ang grupong umuwi ng maaga kasi makakapagpahinga rin ako ng maaga.
Unti-unti kong maalala ang nangyari kagabi. Kahit naiinis sa tatlong iyon kung bakit maghahating gabi na't pumunta pa rin sila sa unit ko'y naaaliw naman ako sa pinag-usapan namin.
Kakalabas ko lang sa banyo no'n nang may nagdoorbell. Agad kong nilapitan ang pinto kasi parang hindi tinatantanan ang aparato 'pag hindi ako lalabas. Lanya! Pagbukas ko agad kong nakita ang mga kaibigan ko.
"Oh ba't kayo naparito?"
"Inom tayo?" Shawn at itinaas ang supot na may lamang beer yata. Kumunot naman ang noo ko.
"Gusto kong magpahinga. Masakit ang ulo ko."
"Arte mo Carl. Sabihin mo na lang kaya na hindi kami welcome dito. Tara na nga!" malungkot pang sabi ni Paul at umarte pang nasasaktan talaga.
"Oa mo po. Sige na nga pero 'wag dito magkakalat lang kayo," sabi ko pero hindi ako pinakinggan at pumasok pa rin. "Inuulit ko sa labas tayo iinom. Magbibihis lang ako."
"Dito na lang. Promise hindi kami magkakalat," sabi ni Shawn saka prenteng umupo sa couch. Inabot naman ni Paul ang remote na nasa mesa at binuksan ang TV. Umupo naman sa single sofa si Kevin. Nagsimula naman silang uminom.
"Sa susunod pa namang linggo babalik si manang kaya huwag na huwag talaga kayong magkakalat." Bakas ang pagbabanta sa boses kong iyon.
Ang tinutukoy ko na manang ay yung pumupunta rito para maglinis ng buong bahay. Ako lang kasi ang nandirito at walang kasamang maids. Hindi naman ako makalat na tao kaya ayos lang na mag-isa ako. Sa katunayan ang bahay na ito'y para sa akin at sa bunso ko pero dahil nasa labas ng bansa iyon nag-aaral kaya paramg akin na rin. 2-storey house lang naman ito na may garage na pangparking ng motor at sasakyan. Pero dahil wala akong sasakyan malaki ang bakante ng lugar na iyon. Tapos sa loob simpleng pinaayos lang ni mom para daw maging mas komportable ako.

BINABASA MO ANG
Love Struck
Teen FictionLove moves mysteriously. When love struck their way to somebody you can't either hide or run. Whether you choose to accept that feeling or deny it, it will just grow within. Happiness and sadness will experience. New things will discover. Makakaya k...