Love Struck Volume 1
❦ Tag Love ❦
Sirein's POV
Napatingin ulit ako kay Carl na ngayon ay inaasar si Gabby. Nakakatawa talaga ang expression ni Carl kanina. Tinusok ko ang tinidor sa ulam and by now I know that I'm grinning. I just can't help it and I know if Papa God will hear my prayers I bet they'll both be a wonderful couple. Unti-unting naglalaro naman sa isipan ko ang mga imahen.
Pagkatapos naming kumain ay nagkanya-kanya na kami ng lakad. May klase pa kasi sila. Ayaw sanang pumasok ni Carl ngunit pinilit siya ni Gabby. Panay ngiti ko na lang habang hinahatak ng kaibigan ko si Carl na namumula na. Nakakatuwa. Ako nama'y wala nang klase kasi may seminar ang dalawang professor namin na naghahandle sa dalawang subject course. Ang pinoproblema ko ngayon ay anong gagawin ko. Ayaw ko namang umuwi kasi tatambay lang ako sa k'warto at ibababad ang sarili sa panonood ng koreanobela o anime. Well, totoong seryoso ako sa pag-aaral pero kapag walang assignment, klase kinabukasan o test ay pa-chillin' lang ako. Kailangan ko rin naman ng time out 'no. Saka hindi ako p-in-epressure ni mama at nakakatanda kong kapatid.
Nakita ko si Ella na lumalakad ng mabilis. Inangat niya ng kanyang kamay papunta sa sariling mukha. Hindi naman niya alintana ang mga taong napapatingin sa gawi niya. Kung sabagay, Ella's beautiful. Every guy could turn their heads for her. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang tumunog ang cellphone ko. Dali-daling kinuha ko iyon sa aking bag at nakita sa LCD screen ang pangalan ni Kevin. Napasinghap ako at napalinga sa kanan at kaliwa habang nakatakip ang hindi okupadong kamay sa aking bibig. Why is he calling? Oh my ghad!
Umalis ako sa gitna ng daan at naghanap ng mauupuan. May isang bench naman sa malapit na walang tao. Kumportable muna akong umupo at humugot ng hangin bago inaccept iyon.
-Hello?-
-Sirein, hi.-
Kumabog ang puso ko. His deep and hypnotising voice lingers inside my ears. Kevin Oliver Llanzares is the CLASS' Governor in our department and my unrequited love.
-Yes, Gov.? May problema ba?-
-Nah. Wala namang problema. Anyways, where are you?-
What? Why! Why are you asking?
-B-Bakit?--You forgot something in the office. Some books you borrowed from the library.-
Napalaki ang mga mata ko sa nagawa kong katangahan. Tinakpan ang microphone ng cellphone ko saka kinagat ang likod ng palad. Kahit naging napatigalgal ako sandali medyo kinikilig ako. May hinala na kasi ako kung ano ang susunod na mangyayari.
-Nasaan ka ngayon?-
-A-Ano po...- Napalinga ako.
-Ako na lang ang kuku-- --Lock na ang office saka dala-dala ko na rin naman. Ako na magbibigay sa iyo. Nasaan ka ba?-
-S-Sa may kiosk po. Nakaupo sa isang bench.-
"Nandito ka lang pala?"
Napalingon ako sa kaliwa ko at nakita si Kevin na nasa tainga ang hawak na cellphone. Ngumiti ito at isang beses na inangat ang kanyang kilay. Ibinaba na niya ang hawak na cellphone at lumapit sa akin. Tumayo naman ako para salubingin siya.
"Gov."
He giggled. "Sirein, what did I just told you? When we're alone please call me by my first name and drop the po. Para namang hindi kita naging katuwang. noong nasa dep. org. tayo. Masyado ka nang others."
BINABASA MO ANG
Love Struck
Teen FictionLove moves mysteriously. When love struck their way to somebody you can't either hide or run. Whether you choose to accept that feeling or deny it, it will just grow within. Happiness and sadness will experience. New things will discover. Makakaya k...