SELA POV:
Andito ako ngayon sa classroom at nakikinig lang sa Professor namin sa Math, inaantok na nga ako e.
Na aling pungat ako ng may biglang naghagis ng papel sa mukha ko, talagang headshot ah heheadlockin talaga kung sino man siya.
Takas tayo?
Yan lang yung nakasulat, lumingon lingon naman ako sa paligid at ayun nahagip ng mata ko si Yzabel na nakapout pa talaga.
I shook my head, so that she would stop convincing me to cut one class. Kahit ganun ayaw ko talaga kase ayaw ko madungisan grades ko nuh.
Padabog naman ito tumingin sa harap, kaya lang nalakasan siya kaya napatingin lahat ng kaklase namin sakanya.
"Ms. Divinagracia what are you doing?"mataray na tanung ng prof. namin, Yzabel just shook her head alam kung kinakabahan siya.
"Okay, wag kana sana magingay jan baka ibagsak kita e"pagbabanta ng Prof namin, nakita ko naman umirap si Yzabel.
After a minute of discussion about i don't know, di naman talaga ako nakikinig.
"Huy! Marsela Guia, tignan mo nagawa mo kanina sa'kin"salita neto, tinaasan ko naman ito ng kilay habang nagaayos ako ng mga gamit ko.
"At ako pa may kasalanan?!"taas boses kung tanung sakanya, nagcross arms naman ito at tinaasan din ako ng kilay. Ang angas naman ng babaeng toh, siya nga may nalalaman na magcutting class e.
Di'ko nalang ito pinansin at kinuha na ang bag tsaka naglakad palabas ng classroom, narinig ko naman itong tinawag ako pero di'ko ito nilingonan.
"At bakit ang tagal niyo naman ata, Ms. Guia and Ms. Divinagracia?"nakataas kilay na tanung ni Belle sa'kin, katabi neto si Ecka na jowa niya.
"Ito kasing si Se--- ARAY!"reklamo ni Yzabel ng sapakin ko siya sa ulo, ako pagagawing kasalanan ah. "Ano ba problema mo, Sela?!"inis na tanung pa neto.
"Ikaw ang nauna, Yzabel. You want me to cut one CLASS?!"diin kung sabi sa huling sasabihin ko, natawa naman ang mga kasama ko. Umupo na'ko sa tabi ni Ella na katabi si Gia
"Uy! Shekinah naman e, pagkain ko yan"narinig naming reklamo ni Brei na kasama sina Rans at Sheki, tsk, ba't ba kase ang hilig niya dumikit sa dalawang buraot na'yan. E alam naman niyang pag may pagkain kukunin talaga nila yan.
"E, ayaw mo kung bigyan kaya kinuha ko nalang"sarcastic na sagot ni Sheki, umirap naman si Brei dito at umupo sa left side ko.
Nagkwentuhan lang kami habang kumakain ng lunch ng biglang dumating si Ms. Maputi and her cousin.
"Ang Trinidad Cousins oh"wika ni Rans sabay turo sa magpinsan napumipila sa counter area, lahat ng tao dito ay napatingin sakanila. Di'ko alam ano meron sakanila e maputi lang naman yang isa sakanila, i mean sila pala dalawa pero yung isa nasobrahan ata sa kojic kaya ayun sobrang kinis ng balat.
"Ano ba meron sakanila at pinagtitinginan yang dalawang yan?"walang modo kung tanung habang nakatingin parin sakanila, diba sila naiirita or naiilang man lang.
"Sabi daw nila may lahing bampira daw yang mga yan"natawa naman ako sa sinagot ni Ella, Pota, totoo ba'yang sinasabi niya. Sorry pero natatawa talaga ako.
BINABASA MO ANG
THE EVILS TRAP [Vampires Series #1]
Teen Fiction"Marsela Mari Guia, the fifth victim". Si Marsela at ang kanyang bestfriend na si Yzabel ay pumunta sa Birtday Party ng isa pa nilang kaibigan, kahit na alam nila na delikado lumabas sa mga panahon na'yun dahil sa nagaganap na serial crime. They ign...