"Kaiz, paabot! 'Yan, thank you!"
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagtitimpla. Last naman na atang costumer 'to kaya puwede na kaming mag-sara maya-maya. Sakit na rin ng likod ko, gusto ko nang magpahinga.
"Drink for Ms. Hara!" sabi ko kaya tumayo na ang isang costumer at kinuha ang order niya. "Thank you, ma'am!"
"Yown! Natapos din!" sabi naman ni Pia habang nag-iinat pagkatapos niyang maglinis ng tables.
"Sige na, mag-sara na tayo. Inaantok na rin ako," sabi ko na lang.
Kinuha ko na ang susi. Iniligpit na rin nila ang mga gamit at nauna nang lumabas. Nahuli naman ako para mag-lock ng café.
"Uhm, excuse me?" Rinig kong sabi ng isang babae mula sa likod ko. "You're closing already? Can I order a drink?"
"'Di mo ba nakikita, miss?" inis na sabi ko. Nakalimutan kong nasa France pala ako at hindi sila nakakaintindi ng Tagalog. Hays, napapagod rin akong mag-Pranses at Ingles! I cleared my throat. Hinarap ko siya pagkatapos kong mag-lock. "Sorry, but- oh?"
Natigilan ako bigla nang makilala ko kung sino siya. Hindi ko agad nakilala ang boses niya dahil medyo nag-mature na ito.
"Ma'am mags-serve pa ba tayo? Kakasara lang natin, e!" Si Kaizer iyon.
"Selfish mo, Kaiz! Puwede pa naman tayo mag-serve, last naman na. 'Di ba, ma'am?" Taas-baba pa ang kilay ni Pia.
Napairap ako. "Sige na, Kaiz, pagsilbihan mo 'tong madam na 'to."
Napakamot naman sa ulo si Kaizer. In-unlock ko na lang ang shop para makapasok sila.
"Ba't naman kasi late na? 'Di ka sana makatulog," pabulong na reklamo ko.
"I want Magi to-"
"Ay, kilala mo si Ma'am?" Singit ni Pia.
"Ma'am, gusto ata, ikaw pa mag-timpla, e. Iba talaga 'yang pagmumukha mo, Ma'am! Lakas maka-attract ng costumers," mapang-asar na sabi ni Kaiz.
Umirap ako. "Psh. Pia, kunin mo order niyan," sabi ko saka pumasok.
Ibinigay rin agad ni Pia sa 'kin ang order noong papansin na costumer kaya pinayagan ko na silang umuwi habang nagtitimpla ako. Ako na bahala sa pampam na 'to.
"Una na kami, Ma'am! Ingat mamaya! Mahal ka namin!" pabirong sabi ni Kaiz sabay tawa.
"Matapilok ka sana!" tugon ko.
Naiwan na kaming dalawa kaya hindi na ako nagsalita. Inilapag ko na lang sa table na kaharap niya ang order niyang kape. Kinuha niya naman ito at ininuman.
"Too sweet," pabulong na sabi nito pero hindi nakatakas 'yon sa tainga ko. Sinadya ko naman talagang tamisan para 'di siya masarapan at 'di na siya bumalik dito.
"Nagrereklamo ka ba?!" inis na tanong ko.
"Huh?" Nag-maang-maangan pa. Tapon ko sa mukha mo 'yang kape.
"Wala! You can go now," sabi ko na lang.
"Ah, Magi, we need you-" Pinutol ko na ang sasabihin niya.
"Saan? Sa Grims? Bakit? Kailangan niyo ulit ako kasi bumalik si Mona?" sunod-sunod kong tanong. "Isa pa, Tagalog-in mo nga ako! Marunong ka naman, e!"
"Oh, that's tough. Pero sige, I'll speak Tagalog," napilitang sabi nito. "Bumalik ka na..."
"Saskia, akala ko ba, tatantanan mo na 'ko?" inis na tanong ko. "At talagang hinanap mo pa 'ko rito sa France? Pa'no mo nalaman na nandito ako, huh? Pinahanap mo ako kay Zav?"
"Hinanap kita by myself," sabi niya pa. Para siyang conyo magsalita.
"Non-sense. Hindi naman ako babalik kahit pilitin mo," sabi ko saka lumakad na papunta sa pintuan.
Natawa siya. "Babalik ka. I'm sure of that."
Tangina, pati tawa niya nakakakilig. 'Di ako marupok, ah!
"Gusto mong ikulong kita diyan sa loob? Feel na feel mo, ah. Lumayas ka na nga!" iritang sabi ko.
Ngumisi siya bago lumabas. "See you!" sabi niya bago tuluyang umalis.
Aaminin ko, na-miss ko 'yong presence niya. Pero hindi puwede! Ayo'ko! Kailangan ko 'to para hindi maudlot ang pag-unlad ko.
Sinira niya at ng buong Grims ang buong pagkatao ko kaya bumalik ako sa umpisa.
And I won't let that happen again.
EscapeTheVoid_
hiiii! this is still Clarisse (issee_darling). I decided to change my username to EscapeTheVoid_ kasi nga nauumay ako sa issee_darling HAHAHAHAHA.
YOU ARE READING
Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)
RandomThey have a hundred missions and a gun can solve 99 of them. Except love. It can't be solve with a gun. But if they're given a chance to do so. Who'll pull the trigger?