12.

188 11 0
                                    

"Magi, breakfast mo."

Tinanguan ko lang si Mors habang naghahain siya ng pagkain ko. Narito ako sa Grims dahil hindi kaya ng konsensya kong mag-stay sa bahay. Ganoon din sa school. Paano ako papasok kung alam kong papasok din si Heather?

"Hindi ka nag-dinner kagabi. Kainin mo na 'to," sabi ni Mors at tumabi sa 'kin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Is there something wrong?" tanong niya.

Pinilit kong ngumiti. "Kaya ko naman."

Magsasalita pa sana siya ngunit natigilan din nang may kumatok. Pinagbuksan niya naman agad iyong kumakatok. Si Ace pala 'yon. Pinapasundo raw ako ni Hell.

"Hindi pa nga kumakain si Magi," sabi ni Morana kay Ace.

"Mag-dala ka na lang ng pagkain," sabi naman ni Ace sa akin.

Ayo'ko sanang kumain kaso nakatingin sa akin si Morana at hinihintay akong kumuha ng pagkain. Kinuha ko na lang ang toasted bread at iyong kape. Iniwan ko na 'yong cereal dahil hindi rin naman ako kumakain no'n.

Tumungo kami sa elevator at umakyat. Pagkatapos ay umakyat naman kami sa hagdan. Pumasok kami sa quarters ng Silenous. Nakakapag-taka rin dahil pinayagan kaming pumasok sa quarters nila. Sabagay, utos nga pala ni Hell.

Pero ang quarters nila ay iba sa quarters ng ibang grupo. Mukhang mas elegante ang kanila. At dalawa lang din ang nakita kong members ng grupo sa loob ng quarters.

May isa pang hagdan paakyat at umakyat na naman kami. Bumungad sa amin ang pintuan ng isang kwarto nang makaakyat kami.

"Master," sabi ni Ace saka kumatok.

"Bukas 'yan," sagot naman ni Hell mula sa loob.

Binuksan ni Ace ang pintuan at kulang na lang ay mahulog ang panga ko sa dami ng computers na nakita ko. Maraming screen. Basta puro screen. Dim lights lang ang nakabukas pero maliwanag pa rin sa loob ng kwarto dahil nga sa liwanag ng screens.

"Bakit?" tanong ko agad.

Sinenyasan ako ni Hell na lumapit. "Kahapon... Inutusan ko si Ace na mag-dikit nito sa ilalim ng kama ni Reese." Ipinakita niya sa 'kin ang maliit na parang bilog na bagay.  Umiilaw ito ng pula kung tahimik at green naman kung may nagsasalita. "Para marinig natin kung anong pinag-uusapan nila ro'n kahit wala tayo."

Hindi ako umimik. Ganoon din si Ace. Hinihintay lang naming magpatuloy si Hell.

"Mukhang may bisita kanina si Reese. Ni-record ko ang usapan nila." Pagpapatuloy niya. May pinindot siya at nag-play din agad ang voice record.

[Mabuti dumalaw ka.] Hindi ko man makita ay alam kong tinig iyon ni Mama.

[Kumusta po siya?] Mahina ang tinig noong isa pero pamilyar. Parang si... Heather. Mabuti't nadalaw niya si Ate.

Napag-usapan nila na kailangan daw ni Ate ng dugo. Hindi makapag-donate sila Mama at ako na lang ang pag-asa nila.

[Si Magi sana ang pag-asa namin pero hindi naman siya dumadalaw. Parang wala siyang concern sa kapatid niya.]

Tumulo ang luha ko sa narinig. Ganoon na pala ang tingin ni Mama sa 'kin. Hindi ko siya masisisi. Kasalanan ko rin naman talaga.

[Hindi na po ba kayo nakakapag-usap?] tanong ni Heather.

[Pero may pinadala siya sa amin. Puro susi tapos may notes din.] sagot ni Mama.

Nagpadala ako ng box kahapon bago ako bumalik sa Grims. Laman noon ang susi ng bahay at kotse ni Heather. Naiwan niya kasi. Nagmamadali siguro siya umalis kaya nakalimutan niyang dalhin.

Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)Where stories live. Discover now