"Ah, training. Huh, ano?! Training?!"
Napahawak ako sa dibdib ko dala ng gulat. Huminto pa ako sa paglalakad. Nanlalaki rin ang mga mata ko. Sinamaan niya ako ng tingin kaya natahimik ako agad.
"Puwede bang 'wag kang maingay? Hindi kita sinisigawan kaya 'wag mo 'kong sigawan," sabi ni Hell sabay irap. Sus, maldita.
"N-Nabigla lang naman," mahinang sabi ko. Tiklop ako ro'n, ah. "Bakit kasi kailangan ako i-train?"
Huminga siya nang malalim. "Binaril mo si George, 'di ba? Ibig sabihin no'n, kasali ka na sa gulo. I'm very sure that they will hunt you. Kaya kailangan mo maging ready bago kita ilabas dito."
"Ibig sabihin din ba no'n, hindi mo rin ako papaalisin dito hangga't hindi ako nagt-training?" tanong ko ulit. Gaya ng sabi ko, marami akong gustong itanong.
"Well, yeah. Papauwiin kita bukas pero kailangan mong mag-start ng training mamaya," sagot niya.
"Bakit bukas pa 'ko uuwi? Baka hanapin ako ni Mama... Saka akala ko ba ngayon na ako magt-training?"
"Shh! Shh! Ang daldal mo na. Akala mo ba close na tayo? No," mariing sabi nito. "Linisin muna natin 'yang sugat mo." Mabilis itong umiwas ng tingin.
Napatingin tuloy ako sa sugat ko. Ngayon ko naramdaman 'yong hapdi, kirot, sakit, hinagpis, poot, pagtangis- ay gagi.
Pumasok kami sa isang kwarto. Ang ganda nga, e. Kaso parang wala namang gumagamit ng kwarto na 'to.
"This room is going to be your room. Pinatawag ko na si Mors para gamutin 'yang sugat mo. Puwede ring maglinis ka muna, 'yon ang CR." Itinuro niya ang isa pang pinto. "May mga damit din 'yang closet na 'yan. I don't know if it'll fit for you but at least you can change clothes. 'Wag kang mag-alala, malinis 'yan. You can also rest here. Ipapatawag na lang kita kapag oras na para mag-training ka."
Sa haba ng mga sinabi niya, hindi ko alam kung natandaan ko lahat. Tumango na lang ako.
Lumabas din siya agad kaya pumasok muna ako sa CR. Nag-hilamos ako at hinugasan ang kamay at braso ko. May towel na nakasabit kaya ginamit ko na lang 'yon para mag-punas.
Wala pa rin 'yong sinasabi ni Hell na maggagamot sa 'kin nang makalabas ako sa CR kaya naisip kong mag-palit na lang muna ng damit.
Pagkabukas ng closet, black and white ulit ang nakita ko. Pero okay lang, mas gusto ko ang black shirts. Kaso puro naman plain shirts 'to. Walang design.
Mabuti may nakita akong shirt na may maliit na panda print sa upper left part ng shirt. 'Yon lang ata ang black shirt na may print.
Hinubad ko na lang ang shirt ko para makapagpalit ako. Bigla namang bumukas ang pinto kaya nataranta ako at sumiksik sa gilid ng closet.
"Oops, nagbibihis ka pala. Sorry, nakalimutan kong kumatok." Natawa siya. Babae pala 'yong pumasok. "Sige na, magbihis ka na. 'Wag ka nang mahiya, babae naman tayo pareho."
Tumango naman ako at mabilis na isinuot ang shirt na kinuha ko kanina. Saka lang ako nakaharap sa babae na kumausap sa 'kin kanina. Ang ganda, shyet. Blessing.
"My name's Morana but you can call me Mors for short. May sugat ka raw kaya pinatawag ako ni Hell para gamutin ka. Saglit lang naman 'to," nakangiting sabi niya.
Enebe, kehet tegelen me pe.
Harot!
Ngumiti na lang din ako. "Sige, take your time."
Pinahiga ako ni Mors tapos pinaharap sa side para mas madaling gamutin ang sugat ko sa hita. Pumikit ako dahil akala ko masakit kapag nilinis niya 'yong sugat. Kabaliktaran naman 'yong nangyari.
YOU ARE READING
Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)
RandomThey have a hundred missions and a gun can solve 99 of them. Except love. It can't be solve with a gun. But if they're given a chance to do so. Who'll pull the trigger?