"Lollipop ko!"
Napuno ng ingay ang parteng ito ng Grims. Naghahabulan sila papunta sa training grounds at pabalik. Mukhang hindi man lang hinihingal.
Napaawang ang mga labi ko nang makita kong papunta sila sa direksyon ko.
Gusto kong ihakbang ang mga paa ko para tumabi pero ayaw nitong gumalaw. Malapit na sila sa akin at hindi pa rin ako nakakatabi. Baka magkabanggaan kami.
Iniharang ko na lang ang mga braso ko sa harap ng mukha ko at pumikit nang mariin.
Naramdaman kong may humila sa braso ko at iyon lang. Wala na akong ibang naramdaman gaya ng pagkabunggo sa akin o kung ano man.
Ang mga footsteps ng mga lalaking nagtatakbuhan kanina ay malayo na sa akin.
"Dumilat ka nga," iritang sabi ng isang babae. Ramdam ko ang hininga niya sa bandang tenga ko na para bang napakalapit niya sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, si Hell siya. Mama, 'wag naman sana.
Iminulat ko ang kaliwang mata ko upang makita kung sino ba 'to. Hindi nga ako nagkamali. Si Hell nga.
Pumikit muna ako ulit at bahagyang umatras. Ang lapit ng pagitan namin!
"S-Sorry!" sabi ko saka iminulat ang pareho kong mata.
"Tsk. Matuto ka kasing tumabi," mataray na sabi nito sabay irap. Tinalikuran din ako nito agad at tinawag ang mga lalaking nagtatakbuhan kanina. "Hoy, mga gago! Bakit kasi kayo nagtatakbuhan, huh?!"
"Eh? Sorry, Master!" Paghingi ng paumanhin no'ng isang lalaki. "Si Darcel kasi!"
"O bakit kasalanan ko pa?!" Reklamo noong kausap kong lalaki kanina. "Kinuha nga nila 'yong lollipop ko!" Parang gusto pa nitong magdabog.
"Isip bata ka kasi! Puro ka lollipop kapag nagt-training kami!" Sumbat naman noong isa pang lalaki.
"Shh! Shh! Shh! Ang ingay!" Saway ni Hell. "Gusto niyo ng punishment?" Biglang sumeryoso ang mukha nito.
"Hindi na po, Master. Tara na nga sa quarters!" Aya noong isa pang lalaki. "Hehe, sorry din." Ngumiti ito sa akin bago tuluyang umalis.
Sorry? Sa akin? Huh?
Ah, oo. Muntik na nila akong mabunggo kanina pero hindi naman natuluyan kaya ayos lang 'yon. Hindi ko talaga inasahan na mags-sorry pa siya sa 'kin.
"At ikaw, bakit ka lumabas sa kwarto mo?" Pinag-krus ni Hell ang mga braso niya.
Napakamot ako sa batok ko. "Hinahanap ko si Mors o kaya si Ace."
"What do you need?" Tinaasan ako nito ng kilay.
"Kasi 'yong-"
"Master! Ako na lang bahala rito kay Magi. Chill ka na ro'n!" Dumating naman si Ace at inakbayan ako.
"I'm talking to her, 'di ba? Nasa'n ang respeto mo?" iritang tanong ni Hell.
Napatingin sa sahig si Ace at napabulong. "Aw, wrong timing. Badtrip si Bossing."
"What?"
"A-Ano! Oo nga, hehe! Balik muna ako sa quarters. Sorry!" Tumakbo ito agad paalis.
"You scared her," pabulong na sabi ko.
"I don't care." Umayos ito ng tayo. "'Yong tanong ko kanina, sagutin mo."
"'Yon nga, hinahanap ko si Ace or Mors kasi itatanong ko sana kung saan ilalagay 'yong pinag-kainan ko. Kaso pinalayas mo naman si Ace." Napairap ako.
"Hindi ko siya pinalayas."
"Tinakot mo naman."
"At least, hindi ko pinalayas."
YOU ARE READING
Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)
RandomThey have a hundred missions and a gun can solve 99 of them. Except love. It can't be solve with a gun. But if they're given a chance to do so. Who'll pull the trigger?