Magi's POV:
"Magi! Magi! Magi, gising ka ba?! Magi!"
Kakagising ko lang dahil may kumakatok sa pintuan ko. Nakatulog pala ako. Nataranta akong bumangon dahil mukhang may emergency. Kumirot tuloy ang ulo ko. Mukha nabitin ako sa tulog.
"Bakit, anong nangyari?!" tarantang tanong ko nang buksan ang pintuan.
"Wala, hehe. Dinner na tayo," sabi ni Ace na parang hindi niya kinalampog ang pintuan ko kanina lang.
"Nakakataranta ka naman! Akala ko kung ano nang nangyari!" Mahina ko siyang hinampas sa braso.
"Sunod ka, ah. Hilamos ka muna. Namamaga 'yang mata mo," sabi nito bago umalis.
Tumungo muna ako sa restroom para mag-hilamos. Tiningnan ko ang mga mata ko sa salamin. Namamaga nga. Hayaan na nga. Kakain lang naman, e. Hindi na siguro nila mapapansin 'yon.
Parang ayo'ko pa ngang sumunod sa dining area, e. Baka kasi naroon si Hell. Ang awkward na naman namin kapag gano'n.
Sinadya kong bagalan ang kilos para hindi ako makasunod agad. Para pagkarating ko ro'n, tapos nang kumain si Hell.
Hindi pa pala sila nagsisimulang kumain nang makarating ako roon. Sus, binagalan ko pa naman ng kilos ko tapos wala rin pala. Naghahain pa lang, e.
"Tawagin niyo na si Hell, kakain na, e." Nag-turuan na sila kung sino ang magtatawag kay Hell. Siguro kasi naiilang sila kay Hell pagkatapos nilang marinig ang pinagsasabi ni Legend sa kaniya.
"Akala ko pinatawag na kay Morana?" tanong naman ni Brennan. Si Morana naman kasi ang laging inuutusang tumawag kay Hell.
"Huh? E tinawagan ko na si Hell, e. Hindi nga sumasagot. Nag-text na rin ako pero hindi nag-reply. Hindi ko lang alam kung nabasa niya na ba ang text ko," sabi naman ni Morana. Hindi talaga namin malalaman kung nabasa ba ni Hell ang texts namin o hindi dahil hindi naman ugali ni Hell ang mag-reply.
"Tawagin niyo na ulit! Chibog na chibog na 'tong tiyan ko, oh!" sabi ni Darcel. Halata ngang gutom siya, e. Parang gusto niya nang lantakan 'yong manok.
"Sige na, tawagin mo na Ace!" Nagtulakan pa sila kung sinong magtatawag.
"Ayo'ko, baka pagbuntunan ako!" Iiwas na sana ako ng tingin dahil baka ako ang ituro nila kaso nakita na ako ni Ace. "'Yan, si Magi! Siya na lang!"
"Huh?! Ayo'ko nga!" Tanggi ko. Ang awkward na nga tapos ako pa papatawagin sa beast na 'yon!
"Sige na! Lablabs mo naman 'yon. Tara, samahan kita hanggang pinto," sabi ni Ace at nag-cling pa talaga sa braso ko para hatakin ako.
She left me with no choice. Hinatak niya ako hanggang sa makarating kami sa pintuan ni Hell. Tinulak-tulak niya pa ako para buksan ko ang pinto.
Bumuntong-hininga ako bago kumatok at binuksan ang pinto. Natigilan din ako agad.
Wala kasing tao.
"Sure kang nandito si Hell?" tanong ko kay Ace.
"Oo, wala namang ibang pupuntahan 'yon," sagot nito.
"Samahan mo nga akong mag-hanap."
Nilibot namin ang kwarto ni Hell. May isang parte na lang kami na hindi napupuntahan. 'Yong opisina.
May pintuan din dito sa kwarto niya papunta roon sa opisina niya kaya roon na kami dumaan. Parang wala pa ring tao. Pero may kakaibang amoy. Parang... Amoy dugo.
Hinanap ko kung saan nanggagaling ang masangsang na amoy. Mukhang galing sa likod ng desk niya.
Nanlaki ang mga mata ko at kusa na lang akong napaluhod. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi kumawala ang ingay mula sa paghagulgol ko.
"H-Hell..."
Kasalanan ko.
Kasalanan ko. Alam ko.
Wala na siya. May dugo mula sa ulo niya. Ilang segundo pa lang siguro mula nang gawin niya iyon sa sarili niya dahil mukhang sariwa pa ang dugo.
Napaiwas na lang ako ng tingin. Ayo'kong makita kung ano ang sinapit niya dahil sa kagagawan ko. Para siyang namatay nang may sama ng loob.
Nag-umpisang manlabo ang mga mata ko dahil sa sunod-sunod na pagtulo ng luha ko.
"Magi, nahanap mo na ba- Magi?! Bakit-" Itatanong niya pa lang sana kung bakit ako umiiyak pero nakita niya na ang bangkay ni Hell.
Alam kong ayaw niyang mamatay ako kaya pinatay niya ang sarili niya. Kaya alam ko ring kasalanan ko ito. Ang sakit sa pakiramdam dahil ibinuwis niya talaga ang buhay niya para sa akin kahit na hindi ko naman iyon gusto.
Palagi niyang sinasabi na handa siyang ibigay sa 'kin ang buhay niya pero hindi ko akalaing gagawin niya pala talaga. Ayo'kong mamatay pero para na rin akong sinaksak dahil sa nakita ko. Gusto ko na lang mag-lumpasay sa sakit.
"M-Magi... Magi, tara na," naiiyak na sabi ni Ace. Alam kong sinusubukan niya lang maging matatag kahit sobrang sakit sa kaniya na makita si Hell na ganito.
Hindi niya sana puputulin ang sariling buhay kung hindi dahil sa 'kin.
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na rin sina Diego kasama ang ibang member. Hindi ko na sila napansin dahil hinatak na ako ni Brennan pabalik sa kwarto ko. Hindi kasi ako matigil sa pag-iyak.
"Dito ka muna. Kami nang bahala kay Hell," mahinang sabi ni Brennan bago ako iniwan sa kwarto ko.
Nayakap ko na lang ang tuhod ko habang umiiyak. Hindi nila ako madamayan dahil abala rin naman sila sa pag-aasikaso sa bangkay ni Hell. Ni hindi na kami nakakain ng hapunan dahil sa nangyari.
Kinabukasan ay kinumpirma na sa buong Grims ang pagkamatay ni Hell. Ipapahatid na rin daw nila ito kay Legend.
Lahat ay nagulat sa nangyari.
Narito kami sa Kadenza kung saan nagaganap ang announcements. May malaking stage sa gitna at doon naka-pwesto ang magsasalita. Sa palibot naman nito ay maraming upuan para sa mga makikinig.
Itinago ko na lang sa balikat ni Ace ang mukha ko habang umiiyak. Nakakahiyang ipakita pa sa iba ang mukha ko habang umiiyak ako. Naiiyak din naman sila pero tumatahan din agad. Pero ako? Hindi.
Ilang araw pa akong umiyak. Lumipas ang burol ni Hell nang hindi man lang ako pumupunta. Nasasaktan kasi ako sa tuwing naaalala kong wala na siya.
Kinuha ko ang phone ko at nag-scroll na lang sa IG para pakalmahin ang sarili ko. Pero puro posts tungkol kay Hell lang ang nakikita ko kaya tumigil na ako. Tumingin na lang ako sa bintana at sumandal sa pader. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
Gusto kong dalawin si Hell ngayon dahil bukas ay ililibing na siya. Kaya lang, baka naman hindi pa ako nakakarating doon ay humahagulgol na ako. Gusto ko munang patigilin ang luha ko bago 'yon.
Kinuha ko ang phone ko at nagpatugtog na lang ng masasayang kanta para pagaanin ang loob ko kahit sandali. Kaso You And Me by Lifehouse ang tumugtog. Bastos lang.
Naalala ko na naman...
Isinayaw ko pa nga siya no'ng birthday niya. Tapos tinanong niya ako kung mahal ko pa siya. Sana sinagot ko na lang. Sana sinabi ko na lang na oo putangina, mahal na mahal.
Ang tanga tanga ko.
Habang nagf-flashback sa 'kin 'yong gabing sumayaw kami, sunod-sunod ang tulo ng mga luha ko. Parang gusto ko na lang bumalik sa araw na 'yon.
Kung nananaginip ako ngayon, hihilingin kong magising na 'ko. Kasi hindi ko gusto kung anong nangyari.
"Magi..." Nakarinig ako ng katok mula sa pinto. Si Morana iyon. "Hindi ka ba talaga dadalaw? Libing na bukas." Pagpapaalala niya.
"Bukas na 'ko pupunta," mahinang tugon ko. Mukhang hindi ko kayang pumunta ngayon.
"Sige. Basta pumunta ka bukas, hmm? Saka lumabas ka na rin diyan, hindi ka pa kumakain." Bilin nito at tumango lang ako kahit hindi niya naman nakikita.
Parang kailan lang... Parang kailan lang, kasama pa kita. Anong nangyari ngayon?
YOU ARE READING
Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)
RandomThey have a hundred missions and a gun can solve 99 of them. Except love. It can't be solve with a gun. But if they're given a chance to do so. Who'll pull the trigger?