"Okay na! Asintado pa rin! Parang hindi mo na kailangan ng training!"
Nag-reload pa ako ng baril. Sinasabi niya lang na asintado pa ako pero hindi naman talaga. Hindi nga ako maka-hit ng bull's eye kanina pa.
Nagulat ako nang biglang may humila sa balikat ko. Mabilis kong hinaltak ang kamay nito at kinagat ito.
"Aray!" Sigaw ni Darcel.
"Sorry! Ano ba kasing ginagawa mo?! Ba't ka nanggugulat?!" Reklamo ko. "Kadiri, ba't ganiyan lasa ng braso mo? Alat."
"Ba't ka kasi nangangagat?!" Reklamo nito pabalik. "Pinapatawag ka lang naman ni Hell, e!"
Napikon ako kaya pumunta na ako kay Hell at hinila ang braso nito. Siguro nagulat siya sa 'kin kaya binaluktot niya rin ang braso ko kaya napatalikod ako at sinipa ako sa likod pagkatapos.
"Aray, tangina naman!" iritang sabi ko.
"Oops, sorry!" Tumakbo palapit sa 'kin si Hell at inalalayan akong tumayo dahil sumakit ang likod ko sa ginawa niya. Hinampas ko naman ang braso niya para gumanti.
"Anong problema mo?!" inis na tanong ko habang nakahawak sa likod ko. Hinihingal pa ako dahil sa kaniya.
"Nanggugulat ka kasi! Pero teka... Hinihingal ka na agad?" Ang sarap niyang sagutin ng 'obvious ba?', sa totoo lang. Malamang, hihingalin ako! Ikaw ba naman ibalibag, 'di ba?! "Ang bilis mo nang hingalin at patumbahin. Kailangan mo atang mag-training ulit ng self-defense."
Pinagpag ko lang ang damit ko at tumango. "Ba't mo 'ko pinatawag?"
"Ah, yeah. Explain ko lang sana 'yong misyon mo para hindi ka malito," sabi niya naman.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Nabasa ko naman na 'yong misyon, ah? Minamaliit mo ba ang reading comprehension ko?" Nainsulto ako ro'n, ah.
"No, don't misunderstand." Umiling siya. "Dalawang grupo ng kalaban ang nando'n sa cruise na pupuntahan mo. Baka malito ka sa target."
"Kung gano'n, bakit sa 'kin niyo pinagawa ang misyon? Alam niyo namang mag-isa kong gagawin ang misyon tapos papahirapan niyo pa ako?" Pinag-krus ko ang mga braso ko.
"Well, mas mahirap ang ibang misyon. Ito na ang pinakamadali." Nagkibit-balikat siya.
Napabuntong-hininga na lang ako. "Fine. Tell me what to do."
May ilan lang siyang nilinaw doon sa pinagkaiba ng dalawang grupo na kalaban. Talaga palang hindi puwedeng may kasama ako dahil magaling silang makasipat ng kalaban lalo na kung grupo ito. Mga rebelde mula sa grupo ni Mona ang isang grupo na kalaban ko at dapat kong iwasan. Malamang, mga Pilipino rin sila. Ang target ko naman ay ang leader ng isa pang grupo. Isa sila sa mga pinakamalaking gang sa Spain.
Ipinakita niya na rin ang mga litrato ng kalaban para hindi ako mahirapan sa paghahanap.
Bale mayroon pa akong limang araw para mag-training. Kaya ko 'to. Sana lang talaga, maiwasan ko 'yong mga rebelde sa grupo ni Mona. Ewan ko kung bakit puntirya na naman nila ako, e kakabalik ko lang sa Grims. Grabe, lagi na lang nasa panganib ang buhay ko.
Ipinagpatuloy ko ang pagt-training ko sa mga sumunod na araw. Kita ko naman sa sarili ko ang improvement. Parang ibinalik ko lang ang nakasanayan na ng katawan ko noon.
"Good luck!" sabi ni Morana bago ako makaalis sa Grims bitbit ang mga gamit ko.
Nginitian ko lang siya at akmang paalis na nang may tumawag sa pangalan ko.
"Mags!" Napalingon ako rito. "Ingat ka," hinihingal pang sabi ni Hell. Mukhang tumakbo pa siya para maabutan ako bago makaalis.
"Sige. Una na 'ko!" Kumaway muna ako bago tuluyang umalis.
Ginamit ko ang bagong kotse na ibinigay ni Hell. Huwag ko raw gamitin sa mga misyon ko ang unang kotse na ibinigay niya sa 'kin—iyong ibinigay niya no'ng umalis ako sa Grims—dahil baka mawala o masira. May sentimental value raw iyon sa kaniya.
Diretso ako sa lugar kung nasaan ang nasabing cruise para dumalo sa party. Nag-bihis muna ako bago umakyat sa cruise. Mayroon akong earpiece para makasenyas ako kina Hell kung sakaling may maling mangyari. May lason na nakaipit sa belt ng suot ko para ilagay sa inumin ng target. May baril namang nakalagay banda sa hita ko. Madaling kuhain iyon dahil may slit ang suot ko pero hindi iyon madaling mahalata dahil malapit sa private part nakalagay.
Kinuha ko na lang ang pass na ibinigay sa 'kin ni Diego para daw makapasok ako sa cruise. Mahigpit din kasi ang security nila rito. Hindi sila basta-bastang magpapapasok.
Pumunta na ako roon at successful naman akong nakapasok. Nakita ko rin agad ang mga kalaban. Nalaman ko na rin ang puwesto ng target.
Target locked.
"Kapag hindi ako nakabalik before 5 PM, alam niyo na ang dapat gawin," sabi ko sa earpiece. Gusto ko lang ipaalam kay Hell na dapat they still got my back kahit mag-isa ako sa misyon.
Sa tingin ko, madali lang ang gagawin ko dahil nahanap ko agad ang target. Wala pa namang nakakahalata sa 'kin kaya mukhang madali ko lang itong matatapos.
Lumapit ako sa target at nakipag-kwentuhan sa kaniya. Nagpaalam siyang may kukuhain lang saglit at babalik din kaya nagkaroon ako ng chance para ilagay ang lason sa wine niya.
Kapag nainom niya 'to, sure ball, deds 'to. Madali lang pala 'yong misyon, ang OA ni Hell. Sabi niya mahirap.
"Ey, ey, ey! What do you think you were doing?!" Nanlaki ang mga mata ko nang mapansing may nakakita pala sa 'kin. At ang masakit do'n ay isa siya sa mga kalaban. Shit lang. Halos hindi ko pa maintindihan ang sinabi niya dahil sa accent.
Sa sobrang pagkataranta ko ay napatakbo na lang ako. Bahala na kung maghahabulan kami ngayon dito. Malaki naman ang cruise kaya hindi kami agad-agad, magkikita.
"Hey, stop!" Pigil sa akin noong lalaki. Nakuha niya tuloy ang atensyon ng ibang tao. Sumunod na rin ang mga kakampi niya at hinabol ako.
"Hell! Hell, hinahabol nila ako!" tarantang sabi ko.
Rinig kong napamura si Hell mula sa earpiece. [Sige, keep on running. Kung may matataguan ka, mag-tago ka. Escape as soon as you can.]
Nakaakyat na ako sa upper deck pero humahabol pa rin sila.
"Pre, si Magi na 'yon!" Sigaw ng isa pang lalaki nang makita ako. Dang! Sila 'yong mga rebelde sa grupo ni Mona!
Mariin akong napapikit bago tumalon papaba ulit sa lower deck. Tatakbo sana ako sa kaliwa kaso nakita kong papunta roon ang mga kalaban ko kasama ang target. Tumakbo na lang ako pakanan.
Putangina!
"Kunin niyo na 'yan!"
Nasalubong ko ang mga rebelde. Bwisit.
Sinubukan kong kunin ang baril ko at bumaril. Tatlo sa direksyon ng mga rebelde at tatlo sa direksyon ng target. Sana lang talaga, tamaan ng kahit isang bala ko ang target. Ayo'kong umalis dito na hindi ko matatapos ang misyon.
"Isakay niyo na 'yan sa bangka!" Utos ng isa sa kanila at pilit akong pinababa sa bangka na nakaabang lang. Nakikipag-barilan naman ang iba para hindi ako maagaw ng kabilang grupo na humahabol din sa 'kin.
"Hell, back up!"
"Anong back up, huh?!" tanong noong isang lalaki na katabi ko sa bangka. Nakita niyang may earpiece ako kaya kinuha niya iyon at itinapon.
Nakagapos na ang kamay ko kaya wala akong nagawa.
"Cheap, ah. Dinala ko kayo sa cruise tapos sinakay niyo ako sa bangka," pabulong kong reklamo.
"'Wag kang maarte kung gusto mo pang mabuhay!"
"'Wag ka ring sumigaw kung ayaw mong mahuli!" Saway ko rito. Nasampal tuloy ako. Ang ingay ingay kasi! Nakakairita. Hindi ko nga siya sinisigawan tapos sigaw naman siya nang sigaw. Siraulo.
Hindi ako makakatakas ngayon. Hinihintay ko pa rin na sumulpot sila Hell pero wala. Ilang oras ang lumipas na wala akong nadatnang kahit anino ng mga miyembro ng Grims.
'Wag niyo akong traydurin ngayon.
YOU ARE READING
Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)
RandomThey have a hundred missions and a gun can solve 99 of them. Except love. It can't be solve with a gun. But if they're given a chance to do so. Who'll pull the trigger?