07.

216 12 0
                                    

"Oh, you mean us? Everyone inside this mansion? Hmm? Gusto mo malaman?"

Tumango ako. Hindi ko kasi maintindihan kung anong nangyayari. Siyempre kailangan kong malaman dahil parte na ako nito ngayon. I don't play such a big role pero may karapatan akong makaalam kahit paano.

"I'll tell you later. Dumiretso ka muna sa kwarto mo para kumain. Susunod ako," sagot nito at nauna nang umalis.

Ginawa ko naman ang sinabi niya. Naka-serve na ulit ang pagkain ko sa kwarto nang makapasok ako.

Nag-hugas muna ako ng kamay sa maliit na sink sa loob ng CR bago ko tinanggal ang takip sa pagkain.

I ate the food while waiting for Hell.

Isa pa. Curious din ako kung bakit Hell ang pangalan niya at kung bakit Master ang tawag sa kaniya ng mga tao rito. Nadagdagan lang tuloy ang mga tanong ko.

Tapos na akong kumain nang dumating si Hell.

"What's your question again?" tanong nito habang nakatingin sa mga papel na hawak niya ngayon. Pumunta siya sa desk at inilapag ang mga papel na iyon para sulatan. "Come on, ask me."

"Ano ba talagang ginagawa niyo? Bakit nadawit ako rito? Anong klase ng tao ba kayo? Anong role niyo sa lipunan-"

"Kalma! Isa isa lang," natatawang sabi nito. "Okay, I'll give you an introduction. We, including you, are in a place called Grimsborough. Nasa loob tayo ng Rebelwood at tayo ang pinakamataas sa ngayon. We call it Grims and Rebwood for short."

"Tapos? Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko ulit.

"You keep saying 'niyo' and 'kayo'. Let me remind you that you're part of this as well." Pagpapaalala nito. "Anyways, we kill. But we only kill criminals. Ninanakaw namin kung ano mang mayroon sila ngayon. Let's say... We do it for money. Minsan may nagbibigay sa 'min ng missions. They'll pay us big amount of money. And when I say big amount, I'm talking about millions of dollars."

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit niyo 'to ginagawa? Hindi naman tayo pulis para pumatay ng mga kriminal."

"I studied criminology before. Pero walang kinalaman 'yon sa kung anong pinasok namin ngayon. This is our job. To kill," sagot niya habang nagsusulat pa rin sa mga papel na hawak niya.

"Napansin ko kanina na hindi pala puro Pilipino ang mga tao rito. Like you, you don't look like you're a Filipina," sabi ko. Kulay green kasi ang mga mata ni Hell. Hindi ko iyon napansin agad dahil dark ang kulay nito.

"Yep, hindi talaga Pilipino lahat. Grace, kilala mo siya bilang si Ace. Half Japanese siya. Si Morana, kilala mo siya bilang Mors. May dugong Korean. May mga Chinese din dito at ibang Japanese. May iba pang lahi pero hindi ko na iisa-isahin. Masyadong marami. Basta nakuha namin sila overseas at dito na nilagay." Mahabang sagot nito.

"And you. How about you?" Sure akong may lahi 'to, ayaw lang magsabi. Chos.

"My Mom is pure Spanish, my Dad is half American and half Italian."

Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi ka Pilipino? Bakit ang fluent mo magsalita ng language namin?"

"I studied a lot of languages."

Tumango na lang ako saka nag-isip pa ng itatanong ko. Baka kasi may nakalimutan pa 'ko.

"Ano ba talagang pangalan mo?" tanong ko. Ito, curious talaga ako, e.

Napalingon ito sa 'kin. Matawa-tawa pa nga siya. "Excuse me?"

"Gusto kong malaman kung anong pangalan mo. Alam kong walang kinalaman 'yon sa Grims pero gusto ko pa ring malaman. Nalilito ako, e."

Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)Where stories live. Discover now