29.

165 11 0
                                    

Nabuo ko na, e. Nabuo ko na 'yong sarili ko.

It took me years to fix myself. Para bawiin 'yong mga hindi ko nagawa no'ng mga panahong nasa Grims ako. Tapos ngayon magpapakita si Hell? Bakit pa? Para sirain ulit 'yong binuo ko?

Does she deserve a second chance?

May tumawag sa akin kaya sinagot ko muna. Si Tita Jen kasi 'yon, baka importante.

"Po?"

[Binabawi na sa atin ang lupa na pinagtatayuan ng Solana's sa Spain. Hindi na kasi tayo nakakabayad.]

Napaawang ang mga labi ko. "E Tita, 'yon ang pinakamabentang café natin."

[Iyon na nga... Kulang pa kasi ang pambayad ko.]

"Susubukan ko pong tumulong," sabi ko na lang. Hindi malaki ang pera ko pero kaya ko naman sigurong mag-ipon at makatulong. Hahanap na lang ulit ako ng part-time job.

[Thank you, 'nak.]

Ibinaba niya na ang tawag kaya napatingin na lang ako sa kisame. Anong trabaho naman kaya ang hahanapin ko?

Nasa kalagitnaan pa ako ng pag-eemote kaso tumunog 'yong phone ko kaya naudlot tuloy. Pampam. Sino ba 'tong nag-chat?!

sas.hellfyre: pag-isipan mo yung sinabi ko.

Sus, iniisip ko na nga, e! Hindi ko na nga alam ang gagawin ko!

magibels: bakit niyo ba aq kailangan? hindi q kayo ipagtitimpla ng kape sa grims ah!

Hihintayin ko pa sana ang reply ni Hell kaso may nag-doorbell bigla. Wala akong inaasahang bisita pero tumayo pa rin ako para silipin kung sinong nag-doorbell. Mag-isa pa naman ako rito sa bahay, nakakatakot baka may mga masasamang loob na gusto akong gawing biktima. O baka naman mga batang pinaglalaruan ang doorbell ko.

Kumunot ang noo ko nang makita kung sino ang nag-doorbell. Ka-chat ko lang 'to kanina, e?

"Oh, ba't ang bilis mo?" tanong ko sa kaniya saka tinaasan siya ng kilay. Hindi na ako magtataka kung paano niya nalaman ang address ko. Baka Hell 'yan.

"Ayaw mo akong papasukin?" Tinaasan niya rin ako ng kilay. Aba! E kung palayasin ko siya ngayon din?! Siyempre, 'di ko 'yon gagawin.

Pinapasok ko muna siya para wala na siyang talk. "Anong ginagawa mo rito?"

"Mag-eexplain ako. Mahirap magpaliwanag sa chat. Nakakatamad mag-type," sabi niya saka naupo sa sofa.

"Bakit ang bilis mo naman? Kaka-send ko lang ng message, nandito ka na agad."

"Kanina pa ako nasa labas. Sakit na nga ng paa ko, e." Aba, nag-reklamo pa?! Bakit?! Alam ko bang nasa labas siya?!

"Kapal," pabulong kong sabi. "Explain." I crossed my arms while standing in front of her.

"Parang dati lang, ah," pabulong na sabi niya saka natawa. "Well, uh, we need you. These past few years, ang tamlay ng Grims. So I'm thinking, maybe, we could bring you back there. Miss ka na nila."

"'Lul, ano ako? Uto-uto?" Uto-uto naman talaga ako pero 'di ako aamin. "Anong pa-keme naman 'yan?"

"I'm serious. Kapag bumalik ka... We'll offer a larger amount kada mission." Sumandal pa siya sa sofa at nag-krus din ng mga braso. Grabe. Feel at home. "Kailangan mo rin ng pera, 'di ba? Magkano ba? 2 million? Name your prize."

Napaisip ako. "Pa'no mo naman nalaman na kailangan ko ng pera, aber?"

"Kinausap ko 'yong may-ari ng lupa na bibilhin ko ang lupa na 'yon. Kaso ang sabi niya nakatayo raw ang Solana's do'n. Kaya hindi ibinenta sa 'kin. Naikwento niya rin na hindi kayo nakakapag-bayad kaya kapag hindi niyo nabayaran, sa akin na mapupunta. Nagkataon lang," sabi niya saka nagkibit-balikat.

Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)Where stories live. Discover now