"Hon, that's a damn mission!"
My own hand landed on my forehead. Hindi niya ako pinapansin! I don't know what I did wrong! Ayaw niya namang sabihin.
"'Wag mo 'kong ma-hon hon," sabi nito saka sumakay sa kotse namin. Pabalik na rin kasi kami sa Grims.
"Awit, LQ," pabulong na sabi ni Bianca.
"Shh!" Saway naman ni Kia sa kaniya.
[Galing ni Magi. Head shot.]
"Oh, shut up, Dion." Napairap ako. Mabuti nga't may silencer si Magi kanina kaya walang nakarinig sa kaniya.
"Was it fun?" tanong ni Magi habang nakatutok ang mga mata sa phone.
"Come on..." Napahilamos ako gamit ang mga kamay ko.
Hindi niya ako pinansin hanggang sa makarating kami sa Grims. I don't know what to do.
Third Person's POV:
"Yo, Mags! Nagawa niyo 'yong misyon? Hi, Bossing! Hala, sa'n kayo punta?" Nobody answered Darcel. "Aw, badtrip ba?"
Tinawanan lang siya nina Ace na nakita kung paano siya hindi pansinin ni Magi at Hell. Nagmukha ba naman siyang tanga, e.
"LQ pre," sagot ni Dion na kakababa lang mula sa quarters nila.
"Huh? An'yare?" Pakikiusyoso ni Ali.
Sumagot si Bianca at ikinuwento ang nangyari. Ginawa niya pa nga itong exaggerated. Natuloy ang chikahan nila habang sa kabilang banda naman ay hindi magkandamayaw si Hell kung ano bang gagawin niya kay Magi.
"Hey, Hon..." masuyong sabi nito saka niyakap mula sa likod si Magi. "Sorry na, hindi ko nasabi sa 'yo. Late ko na rin naman nalaman na gano'n 'yong misyon namin, e. 'Wag ka na magalit." Pagpapaliwanag ni Hell.
"Hindi naman ako galit," sagot naman ni Magi habang nakatingin sa bintana.
"Huh? E bakit hindi mo ako pinapansin kanina?" takang tanong ni Hell. Hindi niya maintindihan kung anong tumatakbo sa utak ng girlfriend niya.
Nagkibit-balikat si Magi. "Wala, ewan ko. Tinotopak ako." Natawa siya sa sarili bago humarap kay Hell at hinawakan ang parehong pisngi nito.
Wala namang reaksyon si Hell. Hindi siya natutuwa.
"Sorry na," natatawang sabi ni Magi saka hinalikan sa noo si Hell. "I love you."
"Baliw ka."
Pinagtawanan muna ni Magi si Hell bago nila napagdesisyunang lumabas muna sa kwarto ni Magi at pumunta sa training grounds. Saktong pagkabukas nila ng pintuan ay iniluwal nito si Brennan na kakatok pa lang sana. Nagkagulatan tuloy silang tatlo.
"Shit!"
"Tae!"
Gulat na sabi nina Magi at Hell dahil nga sa gulat kay Brennan.
Natawa si Brennan. "Alam niyo? Mukha kayong tubol."
"Tubol?" tanong ni Hell, hindi siya pamilyar sa salitang ito.
"Luh? Ako, tubol? Bugret siya!" sabi naman ni Magi kaya malakas na humalakhak si Brennan.
"Pfft, gago!" Hindi napigilan ni Brennan ang tawa at napahawak pa ito sa tiyan.
"What's a bugret?" walang ideyang tanong ni Hell.
"A beautiful woman."
"Ah, of course, I'm a bugret." Proud pa si Hell sa sinabi niya. Tawa naman nang tawa ang dalawa dahil sa panggagago nila kay Hell na walang alam na basang tae pala talaga ang ibig sabihin ng bugret. "Bakit ka nga pala pumunta rito, Bren?" tanong niya na nakapagpabalik sa dalawa sa katinuan.
YOU ARE READING
Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)
RandomThey have a hundred missions and a gun can solve 99 of them. Except love. It can't be solve with a gun. But if they're given a chance to do so. Who'll pull the trigger?