39.

365 10 3
                                    

Magi's POV:

"Seryoso, Legend na 'ko? Ayo'ko, ah!"

They kept on saying that I'm the new Legend. Pero parang ayaw ko. I mean, ayaw ko talaga. Kasi naman, ayo'kong pamunuan ang lugar na puro masasamang gawain lang ang alam. Isa pa, sapilitan nga akong bumalik dito tapos gagawin pa nila akong Legend?

"Yeah, but don't worry. We'll help you," sabi ni Hell pero parang hindi ako satisfied.

"Oo nga! Nandiyan naman 'yong dalawang Master para tulungan ka! 'Di ba, Hell at Kuya D?" sabi ni Ace.

I sighed. "Sige na nga. Pero babalik muna ako sa kwarto. Gusto ko munang mag-isip."

Hindi na nila ako pinigilan. Hinayaan nila akong mag-isip. Malamang, kailangan kong mag-isip. Baka mamaya, pumalya ako, 'di ba? Hindi pa naman ako sanay sa ganitong trabaho. Itong pagiging Legend. Hindi ko alam kung paano gagampanan.

Ano nga bang gusto ko para sa Grims? Wala, gusto kong buwagin. Gusto kong mamuhay kaming lahat nang normal. Balik sa dati, gano'n.

Kaso paano kung hindi naman iyon ang gusto nilang mangyari?

"Mags..."

"Bukas 'yan," sabi ko na lang nang may kumatok. Bumukas ang pinto at iniluwal nito si Mona.

"Anong iniisip mo?" tanong niya saka umupo sa tabi ko.

"Hulaan mo," pabirong sabi ko.

"Bubuwagin mo ba o pamumunuan mo talaga?" seryosong tanong niya. "Kasi kung nasa isip mong buwagin na 'to, aayon sa 'yo ang majority. Hindi ko 'to sinasabi dahil may sarili akong grupo, ah! Sinasabi ko lang bilang kapatid at kaibigan ni Hell."

"Gusto ko ngang buwagin talaga. Kaso... Nag-aalangan pa ako, e. Paano na lang 'yong mga properties ng Grims kung wala nang Grims, 'di ba?" Nailing na lang ako.

"Alam mo... Karamihan sa members nitong Grims, gusto nang mamuhay nang normal. Parang ikaw. Hindi ba, gusto mo na ulit makasama sila Mama? Pwede ka nang bumalik sa Pinas nang walang tinatakasan o itinatago," sabi ni Mona saka hinawakan ang kamay ko. "Ito talaga ang gusto naming mangyari ni Hell noon pa. Gusto naming angkinin ang Grims para kami ng masusunod. Para mabuwag na 'to. Para makalaya iyong mga taong sapilitang ipinasok dito."

"Bakit? Akala ko, gusto mo lang maging Legend dahil makasarili ka?" tanong ko sa kaniya. Iyon ang pagkakaalala ko sa kwento ni Hell.

Umiling siya. "Hindi gano'n. Ginawa lang talaga akong kontrabida ni Legend sa mga kwento niya. Kaya nakwento sa 'yo ni Hell na masama ang ugali ko ay dahil recorded ang pagk-kwento niya at naririnig iyon ni Legend."

"Ibang level din talaga kasamaan no'ng pangit na 'yon, 'no?" natatawang sabi ko. Tinutukoy ko si Legend.

Natigil ako sa kakatawa nang yakapin ako ni Mona. "Pag-isipan mong mabuti, huh? Mahirap magkamali ng desisyon."

Tumango ako at niyakap siya pabalik.

Ilang araw pa ang lumips bago ko tuluyang naisip ang gagawin. Hindi kasi ako sanay na isa akong Legend. Iba ang trato nila sa 'kin. Ginagawa akong reyna.

"Hell, paano kung... Buwagin na lang natin 'to?" mahinang sabi ko habang narito kami sa opisina ko. Oo, may opisina na 'ko.

Nanlaki ang mga mata niya at bigla akong niyakap. "That's a great idea! Alam mo bang biggest goal ko 'yan?!"

Napangiti ako. Nakita ko ang excitement sa mga mata niya.

Kaya napag-desisyunan kong buwagin na talaga ang Grims. Palayain ang mga miyembro nito at ibinenta ang properties na hindi na namin maaasikaso kapag wala na kami sa Grims. May natitira pa kaming misyon pero handa kaming tapusin iyon. Isa na lang naman, e.

Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)Where stories live. Discover now