"Mags, parang others ka! Kakarating mo lang sa Grims, aalis ka na agad!"
Nag-inarte si Mari nang makita nag-iimpake na ako ng mga gamit ko. Nasabi ko na rin kasing pupunta na ako sa Spain bukas na bukas din. Ayo'ko namang i-postpone 'yong flight ko dahil sayang din ang effort ni Hell sa pag-aayos ng papers ko. Isa pa, sa tingin ko, mas madaling makalimutan ang pamilya ko kung mas malayo ako.
Dream country ko rin kaya ang Spain! Ang ganda ro'n!
"Spain lang 'yon. Babalik din siguro ako sa Pinas," sabi ko habang nagtutupi ng mga damit.
"Kahit na! Tawagan mo kami lagi, ah!" sabi naman ni Mari na para bang isa akong kamag-anak na mangingibang-bansa para mag-trabaho.
"Parang tanga," natatawang sabi ko.
"Tara na sa quarters, inuman tayo." Aya nito.
Umiling ako. "Tanghaling tapat, Marimar. Magtantan ka nga."
"Saan mo nalaman ang pangalan ko?!" gulat na tanong nito.
Nagkibit-balikat ako. "Wala, narinig ko kayo ni Vanessa Grace, e."
Malakas siyang natawa. "Natatawa talaga ako kapag naririnig ko 'yang Vanessa Grace! Ayaw na ayaw ni Ace kapag 'yan ang tinatawag ko sa kaniya." Napahawak pa siya sa tiyan niya habang tumatawa. "Hoy, 'wag mo sabihin sa iba 'yong tunay naming pangalan, ah!"
"Oo naman," sabi ko.
"Sige, tara na." Hinila ako nito.
"Ano ba, Marimar! Ayo'ko ngang uminom!" Reklamo ko. Papalag pa sana ako pero binuksan niya na ang pintuan. "Mamayang gabi na lang!"
Umiling siya agad. "Ayo'ko, gusto ko ngayon! Last day mo na rito, 'wag ka na pumalag!"
Pinagtitinginan tuloy kami ng mga taong dumaraan sa hallway. Ang iingay kasi ng bunganga namin. Hanggang sa makasakay kami sa elevator, nagsisigawan pa rin kami.
Natahimik lang kami nang bumukas ang elevator at biglang sumakay si Hell sa elevator. Pababa siguro siya sa room ni Legend.
"Sa'n kayo pupunta?" tanong ni Hell nang makitang palabas kami ni Mari sa elevator.
"Iinom lang, Master! Last day na ni Magi rito, e! Sali ka?" Inaya niya rin si Hell.
"Drink responsibly. Sunod na lang ako," sabi nito bago nagsara ang elevator.
Tumuloy na kami ni Mari sa quarters ng Bullet. Ano pa nga bang magagawa ko?
Medyo hindi nga sila handa sa inuman, e. Nakalagay na kasi ang mga alak sa mesa at may pulutan na rin. May ibang pagkain na ring nakahain. Parang may party na magaganap. Hindi sila handa, ah.
"Mag-lunch muna kayo." Alok ni Ali habang nags-serve ng mga pagkaing niluto niya.
"Sus, isusuka rin naman!" Pangat'wiran ni Mari.
Dumating si Ace na kasama si Brennan, Morana at Darcel. Sumunod rin ang Silenous. Nahiya pa sila, sana isinama na rin nila lahat ng members ng SharpZ, Snipe Crests at Black Arrows. Nakakaloka.
Kakarating lang ay naghabulan agad si Darcel at Brennan. Kanina pa raw kasi hinihingi ni Darcel ang lollipop niya pero hindi raw nagbibigay si Brennan. At siyempre, dahil isip-bata si Darcel, gusto niya raw sabunutan si Brennan.
Biglang nag-slow motion ang paligid nang masagi ni Brennan ang bote ng alak na nakalagay sa mesa dahil sa kakaiwas kay Darcel. Nabasag ang bote.
Halos sabay kaming nagpulot ng bubog ni Rem. Itatapon niya na sana ang mga bubog nang aksidenteng nasugatan ako dahil nahawi niya ang braso ko nang may hawak siyang bubog.
YOU ARE READING
Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)
RandomThey have a hundred missions and a gun can solve 99 of them. Except love. It can't be solve with a gun. But if they're given a chance to do so. Who'll pull the trigger?