"Gusto ka talaga ni Master."
Lunch time namin ngayon kaya bumalik muna kami sa quarters. Hanggang dito, umabot ang chismisan nila. Hindi nga sila maka-focus sa training kanina kasi tingin sila nang tingin sa 'min ni Hell, e.
Paano naman kasi, itong si Hell, nilalandi ako habang nagt-training. Nakatayo siya sa tabi ko tapos pinapanood akong bumaril. Tapos no'ng naka-bull's eye ulit ako, sabi niya 'nice shot, baby' raw.
"Sinabi ko sa inyo, 'wag tayo mag-assume. Mamaya, umasa ako sa kaniya tapos biro lang pala 'yon para sa kaniya." Sumubo na lang ako ng pagkain.
"Nagse-selos siguro siya kay Winonna," sabi naman ni Rem. Ito, minsan na lang mag-talk, echosera pa. "Feeling ko talaga."
"Oh, 'yan, ah! Si Rem na nagsabi! Minsan lang mag-salita 'yan," sabi naman ni Mari.
"Wala naman kasi akong paki sa inyo. Sa kanila lang," natatawang sabi ni Rem kay Mari.
Natigilan kami nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ko at nakitang tumatawag pala si Hell. Ano namang kailangan nito?
"Oh?" sabi ko nang sagutin ang tawag.
[Sabay tayo mag-dinner mamaya. Pupunta na lang ako sa kwarto mo.] Mabilis pa sa isang segundo ang pananalita nito.
"Bakit?" tanong ko pero wala nang sumagot. Sinilip ko ang phone ko at nakapatay na pala ang tawag. Ayos, ah.
Itinabi ko na ulit ang phone ko at kumain na lang.
"Sino 'yon?" tanong ni Ali.
"Si Hell lang."
"Si Hell?!" Sabay-sabay nilang sabi kaya tinaasan ko sila ng kilay.
"Nila-lang lang mo lang si Hell? Iba rin 'to, mars." Kinalabit pa ni Mari si Ali.
"Anong sabi?" tanong ni Ace.
"Sabay daw kaming mag-dinner. Tinanong ko kung bakit pero pinatayan ako ng tawag," sagot ko saka sumubo ulit ng pagkain.
"Sana hindi ikaw 'yong dinner," pabulong na sabi ni Rem.
Nalunok ko agad ang pagkain na nasa bibig ko. "Bakit? Cannibal si Hell?"
"Gago," natatawang sabi ni Ali. "Kapag si Hell, nag-aya ng dinner, matic na 'yon. Ewan lang namin sa 'yo. Hindi ata kayo bati, e."
Natawa ako. "Dinner lang 'yon. 'Wag na natin isipin kung anong sunod na magaganap."
Tinapos na namin ang pag-kain. Aalis kami ngayon ng Bullet para pumunta sa bank. Kukuha lang ako ng kaunti pera galing do'n sa sweldo ko. Magsh-shopping daw kasi kami.
Si Ace ulit ang driver namin papunta sa bank. Nag-withdraw lang ako ng 35, 000 dahil hindi ko naman balak na gumastos ng ganoon kalaki. Baka nga hindi ko pa ito maubos.
Pinag-drive na ako ni Ace papunta sa mall. Ang dami nilang binili. Akala mo naman, aawra sila nang bongga sa loob ng Grims.
"Mags, bili ka no'n, oh! Para sexy ka sa dinner niyo mamaya," sabi ni Ali at may itinurong damit.
"Ih! Iba na lang," sabi ko. Naghanap pa nga sila ng ibang damit pero napangiwi lang ako. OA naman kasi. Dinner nga lang ang napag-usapan namin ni Hell tapos kung makaasta sila ay parang may date kami.
Hindi rin ako nakapili ng maayos dahil kung ano-ano na ang iniabot nila sa 'kin. Binilihan pa nga nila ako ng matching bra at panties para cute daw kapag hinubaran ako ni Hell. Kadugyutan.
Pero bet din.
Charot lang!
Si Ace na ulit ang nag-drive pauwi kaya mabilis lang kaming nakarating sa Grims.
YOU ARE READING
Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)
RandomThey have a hundred missions and a gun can solve 99 of them. Except love. It can't be solve with a gun. But if they're given a chance to do so. Who'll pull the trigger?